Naglalakad si Travis dala ang bag sa balikat, halatang mainit pa rin ang ulo. Sunod-sunod naman si Estelle, halos tumatakbo para habulin siya.
"Ano 'yon?" halos naiiyak na tanong nito, nanginginig ang boses.
Lumingon si Travis, nanlilisik ang mata, mas lalong kumunot ang noo.
"Anong 'ano 'yon'? Pwede ba, Estelle? I'm tired at ayoko ng kadramahan mo. I don't need to explain myself to you."
"For God's sake, Travis! I am your girlfriend!" halos pasigaw na sabi ni Estelle. "I have the right to know what happened. Bakit kayo nagkainitan ni Ethan? Dahil ba kay Aria?" nanginginig na ang boses niya, luha na lang ang kulang.
Huminto si Travis at humarap, seryoso at malamig.
"Huwag mong gawing lisensya 'yang pagiging girlfriend mo para malaman lahat ng ginagawan ko." Tumalim ang tono niya. "I still want my privacy, and you must respect that. You don't own me, Estelle."
Tahimik. Ang tanging maririnig ay ang hangin at ang paghinga nilang dalawa.
"Travis....please...." pabulong na sabi ni Estelle, nangingilid na ang luha.
Pero umiling lang si Travis, hindi na lumingon, at tuluyang umalis, naglalakad habang pinagmamasdan palayo ang taong unti-unti nang dumudulas sa mga kamay niya.
ISANG CAFÈ NA MEDYO MALAYO SA SCHOOL.....
Nakaupo sina Aria, Hailey at Primo sa loob ng isang cozy café. May mga nakapalibot na estudyante, pero tahimik ang spot nila sa may sulok.
"Spill the tea, Aria." ani Primo habang nakasandal, halatang excited.
Bumuntong-hininga muna si Aria bago magsalita.
"Nilapitan kasi ako ni Ethan kanina sa bench while waiting sa inyo. Nakita ni Travis at nagalit."
"Ooyyyy! parang jowa ang peg, ha?" nanlaki ang mata ni Primo, sabay ngisi.
"Anyways, narinig din kasi namin kanina," sabat ni Hailey, "na itong si Ethan Enrile ay type ka raw. Parang bet ka ng loko, girl,"
"Eh, he has that reputation na flirt. Like— manyakis, whatever," dagdag ni Primo, sabay taas ng kilay.
"I don't care about that Ethan Enrile, noh!" inis na sagot ni Aria habang nagkakape. "Ang hindi ko lang maintindihan, itong si Travis kasi....parang pinapaasa niya ako, eh. Na parang ewan." Tumikhim siya ang nagkunwaring walang pake. "Idagdag mo pa yung girlfriend niyang praning."
"Sino ba ang hindi mapa-praning, girl," natatawang sagot ni Hailey. "Alam mo bang cold na si Travis sa kanya lately? Palagi na silang nag-aaway......dahil sa'yo."
Napahinto si Aria, tumingin sa tasa ng kape niya, at mahina lang na sabi,
"Ayoko naman ng gulo, pero bakit lagi na lang siyang lumalapit sa akin...."
Tumingin sina Primo at Hailey sa isa't isa, parehong may knowing smile.
"Girl, baka kasi....ikaw 'yung peace sa gulo niya." Sabi ni Hailey, softly.
Napailing si Aria, pilit na pinipigilan ang ngiti.
"Peace? Baka ako pa lalo magulo."
Nagkatawanan silang tatlo, pero sa loob-loob ni Aria, ramdam niyang may kakaiba na talagang nagbabago – At si Travis Montefalco ang dahilan.
HEAVEN'S BAR.....
Tahimik sa loob ng Heaven's Bar. Malamlam ang ilaw, mellow jazz ang tugtog, at kakaunti lang ang mga tao. Nasa dulo ng counter si Travis, tahimik na nakatingin sa basong may natitirang alak.
Maya-maya, may lumapit at tumapik sa balikat niya — si Bryle.
"Malalim ang iniisip mo, bro," sabi nito sabay upo sa tabi at kinawayan ang bartender.
"Sazerac, double."
Bahagyang napatingin si Travis sa kanya.
"How did you know na nandito ako?" tanong niya habang patuloy sa pag-ikot ng baso sa kamay.
Ngumisi si Bryle at sumagot,
"Dito ka naman lagi kapag gusto mong mag-isip....o kapag may problema."
Dumating ang inumin niya, at agad niya itong tinungga.
"Gusto ko lang mag-isip," mahina pero seryosong sabi ni Travis.
Tinitigan siya ni Bryle, saka nagtanong,
"Hindi mo na ba mahal si Estelle?"
Umiling si Travis at sinabing pilit umiwas,
"Anong klaseng tanong 'yan, Bryle."
"Real talk lang, bro," sagot ni Bryle habang nilalaro ang baso. "Kung wala ka nang pagmamahal sa kanya, tapusin mo na habang maaga pa. Kawawa 'yung babae. Umaasa siya habang 'yung puso mo, nasa iba na."
Tahimik si Travis, tanging tik-tak ng wall clock ang naririnig.
"How sure are you?" mahina niyang tanong.
Ngumiti si Bryle, seryoso ang mata.
"Pare, lalaki din ako. Alam ko ang kilos mo. Iba ka kapag si Aria ang kasama mo. 'Yung tingin mo, 'yung paraan ng pag protekta mo sa kanya.....hindi mo na napapansin pero napapansin naming lahat. You're being unfair to Estelle, Travis."
Napabuntong-hininga si Travis, pinisil ang baso, at tumingin sa kawalan. Hindi na niya alam kung mahal pa ba talaga niya si Estelle–
o kung minahal ba talaga niya ito.
Habang tumutugtog sa background ang "Let her go," ni Passenger, tuluyan nang nalunod sa sarili niyang isip si Travis Montefalco, hinihila ng konsensiya at ng pusong unti-unting lumihis sa dating daan.
ARIA'S HOUSE - INSIDE HER ROOM....
Tahimik ang buong bahay. Tanging tik-tak ng orasan at mahinang ugong ng aircon ang maririnig. Nakatihaya si Aria sa kama, pero hindi siya mapakali. Paulit-ulit siyang pumipihit, iniipit sa unan ang mukha habang pilit tinatakpan ang mga iniisip.
"Ginugulo mo talaga ang buhay ko, Travis," mahina niyang sabi habang nakatitig sa kisame .
Napabuntong-hininga siya at niyakap ang unan, parang doon niya gustong itago ang sarili.
"You were just my crush. Hanggang tingin lang ako dapat sa malayo, okay na ako doon. Pero bakit bigla kang nagbago?"
Bumaling siya sa gilid, tumitig sa picture frame ng kaklase nila sa field trip. Nandoon din si Travis, nakangiti.
"Bakit mo pa kasi pinaramdam na mahalaga ako? Bakit mo ako pinapansin?" halos pabulong na sabi niya, nangingilid na ang luha.
"Please, Travis....ayokong maging third party. Ayokong maging dahilan ng gulo. Hindi ko kaya masaktan sa huli."
Tumulo ang luha ni Aria, sabay takip ng kumot sa mukha. Pero kahit anong tago niya, naririnig pa rin niya sa isip ang boses ni Travis—
ang tawa nito, ang paraan ng pagbigkas nito ng pangalan niya, at ang mga tinging parang may sinasabi pero walang salitang lumalabas.
"Pero paano kung totoo 'yung nararamdaman ko, pero mali sa paningin ng iba?" mahina niyang tanong sa dilim.
Naiwan si Aria, tuluyang niyakap ng gabi – habang sa labas ng bintana, patuloy ang ulan na parang sumasabay sa bawat pagpatak ng luha niya.
HEAVEN'S BAR.....
Sa isang sulok, nakaupo sina Travis at Bryle, parehong medyo lasing na.
Tumawa si Travis, pero halatang may tama na.
"Gago pare, gustong gusto ko talagang basagin yung pagmumukha nung Ethan," bulalas niya, sabay tagay ulit.
"Over my dead body, hindi niya makukuha si Aria. Hindi ko hahayaan."
Napailing si Bryle, sabay tawa.
"Ayan na...Mahal mo na talaga, pare."
"Ano bang mahal—" naputol si Travis, napahinto saglit, parang napaisip.
"Pucha, oo na. Siguro mahal ko na"
napahawak siya sa sentido, saka tumawa ng mapait.
"Eh paano na si Estelle? " seryosong tanong ni Bryle. "Tiyak mababaliw 'yun kapag nalaman na ibang babae na ang tinitibok ng puso mo,"
Umiling si Travis,
"Hayaan mo na siya, Bryle. Mas mababaliw ako kapag napunta si Aria kay Enrile. Hindi pwede. Hindi ko kakayanin."
"Bro, lasing ka na."
"Hindi. Lasing ako sa kanya."
Napatawa si Bryle, pero may bahid ng awa sa kaibigan.
Tahimik sandali. Parehong nakatingin sa sahig.
"Alam mong delikado 'yan, Travis. Si Estelle, hindi basta-basta sumusuko. Kapag nalaman niyang si Aria ang dahilan.....baka may gawin 'yun."
"Then let her. Hindi ko hahayaang saktan niya si Aria," sagot ni Travis. "Hindi ko kasi mapigilan 'to, Bryle. Kapag si Aria ang usapan......nawawala ako sa sarili."
Tumingin si Bryle sa kanya, saka bahagyang ngumiti.
"Then brace yourself, bro. Kasi kapag puso na ang kalaban mo, kahit gaano ka katalino — talo ka."
Natahimik si Travis, sabay tagay ng huling shot.
"Then let me lose, as long as it's for her."