JA POV
Pagbukas na pagbukas ko palang sa pinto ko ay bumungad na sa'kin ang hindi na maipintang mukha ni Margauxx.
"Buwesit na kano na 'yon antagal labasan tapos binayad lang sa'kin topayb?!" Nilapag niya ang kaniyang bag sa lamesa ko at nagsindi ng sigarilyo habang may nguya-nguyang bubble gum.
"Ano bang nilabas niya?" Inosenteng tanong ni Seia na nagluluto sa kusina
"Ewan ko sa'yo" sagot ni Margauxx sakaniya
Mananahimik lang ang condo ko kapag wala ang mga taong ito, napaka ingay.
Mariin kong pinagmasdan si Seia dahil tiyak kong lalapit nanaman siya kay Margauxx para magtanong ng walang kuwenta, wala pang limang segundo ay lumapit na ito umiling na lamang ako.
*Ring, ring, ring*
Napatingin ako sa aking kuwarto dahil andon ang aking cellphone, napabuntong hininga ako dahil alam ko na ito. Iniwan ko ang dalawang maingay sa sofa habang ako ay tumungo sa kuwarto at sinagot ang unknown number.
*Mula sa kabilang linya*
"Clean someone in my fvcking office" matandang lalaki ang boses nito, napaka diin ng kaniyang binibitawang salita. Hindi pa ako nakakapag salita ng muli itong magsalita "10 million, is that enough?"
"When?" Maikling sagot ko
"I'll call you tomorrow night" matapos niya bitawan ang huli niyang salita ay narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya bago tuloyang nawala ang linya.
I check my notes if meron akong ililigpit bukas at masuwerte ang matanda dahil wala akong ganap bukas hanggang sa mga susunod na araw. Bumalik ako kila Margauxx sa sofa at nagsindi ng sigarilyo.
"Kailan ka ba titigil sa gawain mo?" lumingon ako kay Margauxx.
"e ikaw kailan?" balik tanong nito natawa na lamang siya ng mahina ng sinamaan ko siya ng tingin.
"Sus ewan ko sainyong dalawa d'yan naman kayo magaling e. Alam niyo may naisip akong paraan, bumili kaya ako ng dildoow tapos ipasok ko sa petchay ko?" maligalig na sabat ni Seia
"Tanginang kagagahan 'yan" napapatulalang sambit ni Margauxx at ako naman ay napahawak sa noo ko at napailing nanaman kay Seia
"Tadyakan ko kaya pepe mo?" naiinis kong usal dahil wala na talagang ginawang matino 'tong Seia na ito. Tumahimik ang buong paligid namin at tanging ang nilulutong sinigang ni Seia ang naririnig namin ngunit binasag ito ni Margauxx.
"May ganap ka?" Nakangisi pa niyang usal habang nakatingin sa'kin ang magaganda niyang mata.
"Meron" sagot ko at humithit ng sigarilyo
"How much?"
"10 million" napakibit balikat pa ako.
"Parang ang laki naman yata? baka naman bigating tao nanaman 'yan hays hindi ka ba kinikilabutang pumatay?" Singit ni Seia habang tinutungo ang kusina.
"Ano ka ba, paanong kikilabutan 'yan e pumapatay na siya simula noong bata pa siya" si Margauxx ang sumagot "Ang iniisip ko ngayon e paano nanaman kaming dalawa ni Seia dito mamamatay nanaman kami sa kaba" dugtong niya
"Hindi pa ba kayo nasasanay? tyaka umaalis alis ka din naman, nag h-hunting ng mga lalaking may malalaking etits diba?" sagot ko. Natutunan ko lamang ang salitang 'yan kay Seia dahil dinaig pa niya ang mga beki sa pag-iiba at paggawa ng mga iba't ibang tawag sa mga bagay-bagay. Madalas nahahawa na din ako sa pagiging bobita niya dahil kapag 'yan nalutang pati ikaw ay mahahawa.
"Hindi naman ako nagsasawa sa mga etits lalo na kapag hina-hard fvk ako, nasarapan ka na may pera ka pa" kay laki ng kaniyang pag ngiti ngunit tinignan ko lamang siya ng masama na ikinatikom ng bibig niya.
Lumipas ang mga oras sa kakatanong ni Seia sa bagong ka s*x ni Margauxx habang ako ay nagiisip kung anong klaseng tao nanaman kaya ang mapapaslang sa kamay ko.
I love killing people who deserve to die pero bago ako kumitil ng mga buhay ay inaalam ko ang mga background nito at sa kasamaang palad ay nang ligtas ako ng taong gustong ipapatay sa'kin. Inalam ko ang bawat kuwento at pagkatao niya ngunit isa siyang mabuting tao kaya hindi ko magawang patayin ito, nalaman ito ng taong nang-utos sa'kin kaya pinapapatay ako. Hanggang ngayon ay buhay ang iniligtas kong tao kapalit ng paghahanap sa'kin ng mga kamay ni Don Armeo... Armeo Valentero isang billionaire at isa sa Mafia boss sa lugar ng Dimantes.
Bumangon ako sa pagkakahiga at tinungo ko ang terrace at pumuwesto sa balcony. Sa loob ng condo ko ay naka farmhouse style ito lahat ng nasa paligid at gamit ko ay wala kang ibang makikita kundi ang iba't-ibang mga halaman at pampa kalmang mga bulaklak. Gusto ko ng maaliwalas na bahay pero marami akong mga lumang gamit na naka display. Nagsindi ako ng sigarilyo ko at tinitigan ang ashtray ko na gawa sa diyamante, kumikinang ito dahil nasisinagan ng buwan.
"Hindi ka makatulog?" Nilingon ko si Margauxx habang inaayos ang kaniyang butones sa kaniyang pajama tinitigan ko lamang siya habang sumisindi ng sigarilyo. Umupo siya sa aking harap ng nakangisi.
"Ano nanamang ngisi 'yan Margauxx" usal ko.
"What if isama mo'ko?"
Napapikit ako dahil ito nanaman siya sa tanong na 'yan kada aalis ako ay ganito ang postura niya.
"Ayoko" malamig kong sambit
"Tsk" umangil siya sa akin at umalis siya sa aking harapan. Sa pabalik niya ay hawak niya na ang aking laptop at ibinaba sa aking harapan.
Binuksan ko ang email ko at nakatanggap ako ng mensahe sa matandang tumawag kanina. Ibinigay niya na ang pangalan at address ng taong gusto niyang ipaligpit.
"Nakakatawa lang dahil parehas sila ng apelyido, parehas silang Guevarra" sambit ko habang nakatutok ako sa laptop ko. Tinignan naman ni Margauxx ang laptop ko at kinuha din ang kaniya at naghalungkat na rin ng kung ano ano.
"Tyjher Guevarra" mahinang usal niya habang nakatutok ang mga mata niya sa screen ng laptop niya "Tymothy Guevarra ang kaniyang ama? Siya ang tumawag kanina sa'yo?" Nagtatakang tanong niya at tumango ako.
"Ibang klase" umiling na usal ko. "Alamin natin background ng lalaking 'yan, hindi ko iyan maliligpit kapag mabuting tao"
"Mukha naman siyang mabait at inosente, nakasalamin e" kibit palikat niyang sabi
Tinitigan ko ang litrato ni Tymothy Guevarra kasama ang anak niyang si Tyjher. Hindi sila magkamukha kaya maging ako ay nalilito. Sa mga litrato naman nila mag ama ay makikita mong walang kung ano sa pagitan nila.
"Naging mayor si Tymothy sa probinsiya ng Alades noong 2005-2008" mariing sambit ko
"Madami rin siyang mga business pero panay mga motels and clubs" tinugonan ni Margauxx ang aking sinabi. "Tignan mo 'to Ja" gulat niyang sambit at ipinakita sa'kin ang isang report.
"Tama nga ang hinala ko, mamamatay tao talaga siya at ayaw niyang madungisan ulit ang kamay niya" usal ko
"Kaya siya gumagamit ng ibang tao para mangligpit sa mga gusto niyang ipapatay dahil dati na siyang napagbintangan na siya ang pumapatay sa mga nawawalang babae noong 2012"
"Hindi lang siya basta napagbintangan, siya talaga ang pumatay sa mga iyan" siguradong sagot ko kay Margauxx.
"Anong plano mo?" Tanong niya sa akin
"Manmanan muna iyang Tyjher" ani ko habang nakatingin sa mga babaeng natagpuang patay noong 2012.