JA POV
Gulat na gulat ang babaeng nasa harapan ko ngayon nang bigla akong sumulpot sa kaniyang harapan.
Nakasuot ako ng leather jacket at na sa loob ko ay sandong fitted at may belt sa waist ko habang sa pang ibaba naman isang black fitted pants at isang high heels boots. Nakatali ang mahaba kong buhok at may nguya-nguyang bubblegum, namumula din ang aking bibig dahil sa kapal ng lipstick na aking inilagay.
"S-sino ka? a-anong kailangan mo?" Kahit pa tapangan niya ang kaniyang pananalita ay hindi maitatago ang pangangatog niya.
Umupo ako sa malambot niyang puting sofa at inilabas ang litrato ni Tyjher at inilapag sa lamesa. Tinitigan niya ang mga ito at tinalikuran ako.
"Umalis ka na, wala kang mapapala dito" malamig na ang kaniyang tinig
"Ex mo 'yan diba? may kailangan lang akong malaman hindi naman tayo magkakasakitan kung sasagot ka sa bawat tanong ko" mas malamig na usal ko sakaniya. Narinig ko ang paglunok niya at tumingin siya sa blangko kong mukha.
"Umalis ka na" tumaas na ang boses niya at muli niya akong tinalikuran. Humakbang siya kaya naman inilabas ko ang maliit kong kutsilyo at inihagis mula sa salaming katabi niya kaya napatigil ito at napa atras.
"Kung hindi rin naman kita mapapakinabangan ay mas mabuti pa'y tapusin na kita" nanggigiit kong usal
Mabilis siyang umupo saaking harapan "Ano ba ang iyong kailangan malaman sa taong 'yan?"
"I-kuwento mo lang kung anong klase siyang tao at boyfriend sa'yo. Simple lang diba?"
Lumunok pa siya ng ilang beses at inayos ang kaniyang pagkakaupo at malakas na bumuntong hininga.
"When I met him he was a very kind person. Nag t-trabaho ako sa bar at doon ko siya nakilala, nagkatuloyan kami sa loob ng anim na buwan lang. Noong una ay maayos pa naman ang aming pagsasama dahil halos 4 months kaming nag live-in" pinipigilan niyang umiyak at napapatingin siya sa malayo habang inaalala ang mga pangyayaring ikinukuwento niya ngayon.
Tinitigan ko lamang ang siya at napatingin sa mga peklat niya sa braso at leeg. May mga bakas pa ng kagat sa kaniyang mga hita na ikinakunot ng aking noo. Nang makita niyang nakatitig ako sa kaniyang katawan ay pilit niya itong itinago.
"Hindi ito kagagawan ni Tyjher" pagtanggi niya.
"Ituloy mo na ang kuwento" tanging sagot ko sakaniya.
"And then one day Mr. Tymothy Guevarra visit me in my house, iginalang ko siya ng lubos at may respeto dahil nga he was my boyfriend's father. Sinabi niya sa'kin na layuan ko daw ang anak niya kapalit ng buhay ng pamilya ko" lumuluha ang kaniyang mga matang usal "Ayaw niyang may maasawa ang kaniyang anak dahil mahahati daw ang kaniyang mga ari-arian at kayamanan mula saakin kahit hindi naman ito ang totoong rason." nagpunas siya ng mga luha niya at tumingin saakin.
"At paano naman ako maniniwala sa mga kuwento mo-" napatigil ako sa pagsasalita ng muli siyang magsalita
"Nalaman ko ang mga gawain ni Mr. Tymothy. Nakita ko kung paano siya nang gagahasa at pumapatay ng mga kababaihang binibili niya. Matapos niyang bayaran, gamitin at saktan ang mga babaeng dinadala niya sa kanilang mansyon ay dinisipatya na niya ito" bahid ng takot ang nakikita ko sakaniyang mga mata.
"Anong koneksyon ng kuwento mo kay Tyjher?" Naiinis kong sambit.
"Kasama siya ng kaniyang amang gumagawa ng mga karumal-dumal" pahikbi na siya at halos mapaos na ito sa kakaiyak. "Pinapapatay ako ni Mr. Tymothy at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin niya ako. Nakatakas ako mula sakaniya at ang lahat ng mga peklat ko ay kagagawan niya." humagulgol siya ulit at muling nagsalita "Maayos ang pakikutungo sa'kin ni Tyjher noong una pero hindi niya pala ako totoong minahal, nilaro at binaboy niya rin ang aking pagkatao at katawan maski dignidad ko ay nawala. Pinagsisihan ko na no'ng oras na pinapalayo ako ni Mr. Tymothy kay Tyjher ay hindi ako sumunod ngunit kahit ganoon alam kong dadakpin pa din ako at bababoyin kahit pa sinunod ko ang kaniyang utos kaya pinilit ko pa din makisama kay Tyjher dahil totoong minahal ko siya. Sana ay nagtago na lamang ako at itinigil na mahalin ang lalaking iyon."
Pinanood ko siyang humagulgol.
Tarantado kayong mag-ama, sisiguradohin kong parehas kayong mawawala. Ibibitin ko ang inyong mga ulo sa harap ng mansyon niyo.
Nanginginig ang aking mga kalamnan at hindi ko na maintindihan pa ang galit na dumadaloy sa aking katawan.
"Pakiusap 'wag mong sasabihin sa kahit na sino na dito ako nagtatago" pakiusap niya saakin.
"Lumisan kana dito, tiyak kong masusundan ka nila. Umalis ka ng bansa o sa kahit anong dulo ng parti ng Pilipinas" sagot ko sakaniya tumayo na ako at tinalikuran siya. "Sa iyo na 'tong kutsilyo ko panaksak mo kung nasa panganib ka. Huwag ka lang basta tago ng tago lumaban ka din" tugon ko at tuloyan ng nilisan ang lumang apartment na ito.
Ang mga kutsilyo ko ay mayroong daan-daang karayom. Sa pagitan ng matutulis na kutsilyo ay mayroong mga karayom na maninipis lamang. Nalalagyan ko ito ng mga lason kung nais kong lagyan.
MARGAUXX POV.
Kadarating ko lang dito sa condo ni Ja at bumungad nanaman ang makulit na si Seia habang Ja naman ay nakahilata sa terrace.
Dumeretso ako sa salamin at nagpahid ng lipstick saaking labi.
"Alam mo Ja andami palang mga iskin ker itong si Margauxx tignan mo itong nakita ko. Hmm sarap niya sa peys." masayang sambit ni Seia.
Sabay kaming lumingon ni Ja sakaniya, hawak-hawak ang vibrator ko- what the heck! tinakbo ko siya at inagaw ito mula sakaniya. Ramdam ko ang pagbuntong hininga ni Ja.
"Alam mo ang damot mo nakita ko cabinet mo andami mo pang gan'yan bet ko 'yan kasi kulay pink!" Pasigaw nitong ani.
"Don't you dare touch my toys!" Pasigaw ko ring sagot sakaniya.
"Ang damot mo naman sa iskin ker, Ja bili mo nga ako no'n" nakanguso niyang sumbong kay Ja.
Inis akong pumasok sa aking kuwarto and yes ginawan kami ni Ja ng tig isang kuwarto ni Seia dito mismo sa condo niya. Binuksan ko ang cabinet ko kung nasaan ang aking mga toys "fvck" napamura ako ng bukas ang aking cream na pinampapahid ko sa aking vajeyjey, nililisan nito at pinapanatiling fresh ang aking vajeyjey at nagkakahalaga ito 15k ang isa bukod sa maganda ang quality nito ay gawa din sa mamahaling glass ang lalagyan nito.
"Seia!" Sigaw ko at lumabas ako habang hawak ang lalagyan ng cream ko "pinakialaman mo ba 'to?!"
"Nilagay ko sa aking mukha 'yan kanina, kumuha lang naman ako ng kaunti at inpernes ah ang lamig niya sa mukha-" naputol ang kadaldalan niya ng sumigaw ako.
"Alam mo ba kung magkano ito!!"
Napakunot ang kaniyang noo ngunit nanindigan ang palaban niyang nakasimangot na mukha "Napaka damot mo" bubulong-bulong aniya.
"15k ang isa nito at hindi ito ginagamit sa mukha, sa vajeyjey ito!!"
Nakita kong namilog ang kaniyang mga mata.
"Ha? 15k isa?" Nanlalaki ang mga niya.
Gusto ko na siyang sabunotan at ilampaso ang mukha niya sa sahig sa sobrang inis ko sakaniya. Naiinis akong pumasok ulit sa aking kuwarto at pa dabog-dabog na inayos ang aking mga gamit.
"Ano pa ang pinakialaman mo?" Rinig kong tanong ni Ja kay Seia mula sa terrace.
"May nakita pa kasi akong likwid doon sa kuwarto niya, madulas siya baby oil ata iyon kaya nilagay ko sa hair ko ngayon, tignan mo ang lambot ng buhok ko Ja" nanginginig akong tumingin sakaniya habang pinapakita niya ang buhok niya.
"Hindi 'yon baby oil, pampadulas iyon sa hotdog humanda ka talaga sa'kin Seia!!" Sigaw ko sakaniya at tinakbo ko siya ngunit tumakbo din siya dahil sa gulat. "Pakialamera ka talaga!" Nanginginig kong usal.
"Mama! sorry na nga e" natatakot niyang sambit habang si Ja naman ay sapol-sapol ang kaniyang noo.