SEIA POV.
Lunes na lunes at ito nanaman sina Ja at Margauxx nagtutulongan sa mga kalokohan nila. Kahit pa hindi ako madalas magtanong sa mga ginagawa nila ay kinakabahan pa din ako.
"Kung nakausap mo ang ex niya at sinambit niya lahat ng mga 'yan e anong plano mo ngayon?" si Margauxx.
"Uunahin ko muna si Tyjher isusunod ko ang ama niya, tutal parehas naman silang tarantado hindi ba?" ani Ja. "Paki labas mamaya 'yong kotse ko Seia ha?" Bumalin siya sa'kin ng tingin.
"Oo naman yes" sagot ko naman sakaniya.
"Hatid mo na din ako mamaya sa Hello Clubs Ja, mayroong akong kikitaing poging mayaman" malanding tumingin si Margauxx kay Ja.
"Siguradohin mo lang hindi ka mapapahamak sa mga kinikita mong lalaki Margauxx" pagbabanta ni Ja.
"Parehas naman kayong pasaway imposibleng susunod kayo sa isa't-isa" umirap ako sakanilang dalawa matapos kong makisabat.
"Pasaway ka din naman at bobita pa" ipinitik pa ni Margauxx ang kaniyang buhok sa akin.
Mahina pang napatawa si Ja.
Iniwan ko na lamang sila at dumeretso sa parking area ni Ja at ginamit ko ang sports car niyang itim patungo sa Market. Sa totoo lang marami siyang mga mamahaling sasakyan sa parking area niya at talagang binili niya ang parking area na iyon kaya sakaniya lang talaga.
Anak mayaman din ako pero namatay ang mga magulang ko ewan ko ang sabi lang namatay hindi naman sinabi anong dahilan at naiwan ako sa bobita kong yaya kaya hindi na ako magtataka bakit bobita din ako.
Mahina ako sa pagbabasa ng ingles kahit pa sa salita dahil hindi ako hinayaan ng aking mga magulang na mag-aral kahit sa praybet iskol, ando'n lang ako sa loob ng mansyon namin kasama bobita kong Yaya. Noong masunog ang aming mansyon ay iniwan na din ako ng bobita kong yaya kaya namuhay din ako ng magisa. Halos 13 years na kaming magkakasama at magkakakilala nila Margauxx at Ja kaya kami-kami nalang din ang nagturingan magpamilya.
Liliko na sana ako nang biglang may sasakyan na lumitaw saaking harapan at talagang nagbunggoan ang sasakyan namin.
"Oh my god! ang sasakyan ni Ja, yare ako nito" natatarantang usal ko.
Lumabas ako ng kotse ng padabog. "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mong bobo ka?!" Inis kong pagsigaw at sinugod ang harapan ng kotse habang kaharap ko ang driver ng isang- shet isa ring mamahaling kotse.
Lumabas ang isang lalaking amoy mayaman. Matangkad ito at napaka guwapo idagdag mo pa ang maaayos niyang buhok at matangos na ilong. At ang labi niya talagang shet parang cherry sa sobrang pula.
"Are you fvcking stupid? Look what you did!" Tinuro pa niya ang harap ng sasakyan niya. Nawala tuloy ang pagkahanga ko sakaniya ng bastos ang pananalita niya.
"Eks kyus mey? ikaw lang ba ang may yuping sasakyan?
look oh?" Nakapamewang kong tinuro ang harap ng sasakyan ni Ja.
"Pay for it or you will regret it." masamang tingin niya pa sa'kin.
"Ganda ng sasakyan mo wala kang pera? e kung singilin din kaya kita dito sa sinira mo?" Panlalaban ko sakaniya.
Akala ba nito ay magpapadaig ako sakaniya, sa ganda kong ito? no weyyy!
"You obviously live in a squatters area haha! maybe your car was just stolen." tinignan pa niya ako ng mula ulo hanggang paa bago siya mahinang natawa nanaman. "You're so cheap" tugon pa niya.
"Don't english me ha nakakabwisit pakinggan kapag galing sa'yo. Kung ayaw mo din naman na mag bayad sa sinira mo magkita nalang tayo sa police station dahil ipapa pulis kita!" Dinuro ko pa siya. "At mas cheap ka 'no halata namang maliit ang hotdog mo!"
"What?" Naikupit niya ang mga kamay niya sa narinig niya Lumabas ang isang tao sa kaniyang kotse at mukhang tinatawag na siya. "You'll pay for this. You're lucky because I have something important to do, when I see you again I'll punch your cheap face!" Pagbabanta niya sa'kin.
"Ah talaga?! Takot ka lang maipa pulis kaya ka tatakbo buwisit ka!" Sigaw ko pa sakaniya at pumasok na sa kotse.
Bumisina pa ako ng malakas bago ko siya tuloyang iniwan.
"Kaurat, halata namang maliit ang bayag no'n. Mayaman lang" bubulong-bulong kong sambit. "At bakit naman ako magbabayad nakasira din naman siya? Ang kapal naman ng pagmumukha niya" tugon ko pa.
JA POV.
Ibinaba ko si Margauxx dito sa may Hello Clubs. Pinagmasdan ko lamang siya habang naglalakad papasok sa entrance. Napaka iksi ng kaniyang suot na fitted dress na pula, bakat ang kaniyang napaka laking pwet at kitang-kita ang malalaki niyang hinaharap.
Nag flying kiss pa siya bago siya tuloyang nawala saaking paningin. Pinaandar ko ang kotse ko patungo sa office ng mga Guevarra at ilang saglit lamang ay narating ko ito.
Pinagmasdan ko ang mataas na building na halos wala ng ilaw dahil alas dose na ng madaling araw. Bumaba ako at sumindi ng sigarilyo at kaunting umupo sa harap ng kotse ko.
Saglit pa ay naisipan ko ng pasokin ang opisina ng mga Guevarra. Sa likoran ako dumaan upang walang makakita sa'kin.
Makailang ikot pa ako sa mga opisina bago ko natunton ang opisina ni Tyjher. Marahan kong binuksan ang mga cabinet niya at wala akong kahit anong nakita. Napatingin ako sa isang itim na bakal na kahon at may glass na bukasan. Marahan ko itong binuksan at tumambad sa akin ang mga litrato ng mga kababaihan.
"Bakit ka gustong ipapatay sa'kin ng iyong ama gayong magkasama kayo sa kahayopang gawain niyo." Hindi ko napigilang magsalita habang pinagmamasdan ang mga litrato.
Nanlaki ang mga mata ko sa huling litrato dahil nakita ko ang larawan ni.. Margauxx?
Nanginig ang mga kalamnan ko at nakaramdam ng takot at kaba saaking dibdib. Ibinulsa ko lahat ng mga puwede kong magamit laban kay Tyjher at nandidilim ang aking paninging tinahak ang exit sa building na ito.
"Subukan mo lang hayop ka. Mapapadali agad ang buhay mo" usal ko.
Tumakbo ako mula sa kotse ko at pinaharurot ito pabalik sa Hello Clubs kung saan ko hinatid si Margauxx. Posibleng tauhan ni Tyjher ito hindi ako maaaring magkamali.
Agad kong narating ang club kung saan ko iniwan si Margauxx.
Dahil sa init ng aking ulo ay tinanggal ko ang aking leather jacket bago ako bumaba sa kotse. Isinuksok ko ang aking baril sa aking boots at isang kutsilyo mula sa aking bulsa ang isang kutsilyo ay nasa aking nakataling buhok.
Pinasok ko ang maingay at nagsasayahang mga kababaihan at kalalakihan na nagsasayawan ngunit hindi ko mahagip si Margauxx.
Nakarating ako sa dulo ng silid na ito at saaking gilid ay may pinto. Binuksan ko ito at tumambad ang mga nagsusugal, para silang nababaliw sa salaping milyon-milyon na taya. Ang iba sakanila ay mahahalatang naka drugs dahil sa malilikot nilang panga at mga mata.
Hinanap ng aking mga mata si Margauxx mula sa pintong ito. Dahil sa sobrang lawak ng club na ito ay nahihirapan akong hanapin si Margauxx. Inilabas ko ang aking cellphone at pinindot ang number niya.
"Come on Margauxx answer the fvcking phone!" Naiinis kong bulong. Hindi ko alam kung saan ko siya hahagilapin dahil napaka daming tao dito at napaka ingay.
Inilibot ko ang aking mga mata at may nakita pa akong isang pinto mula sa second floor ng club na ito.
Tinago ko ang aking cellphone at agadang tinahak ang hagdan. Binuksan ko ang pintong ito. Dito naman ay madaming mga pulang kurtina at mga pinto. Pula ang ilaw dito at alam kong dito sila gumagalaw ng mga babae.
Marahan kong sinuri ang bawat kuwarto.
"Ugh. fvck.. yes baby!" rinig na rinig ang mga ungol ng mga babae dito sa bawat kuwartong nalalagpasan ko. Walang emosyon kong nilakad ang pinaka dulo ng pinto at pagbukas ko ay tumambad sa akin si Margauxx.
Pirming naka upo at ngumu-nguya ng bubblegum. Gulat itong napatingin sa akin. "Ja" aniya
Tinignan ko ang lalaking katabi niya. Isang naka suit na lalaki ang necktie nito ay nakalaylay na. Mariin niya akong tinitigan at kinunotan ng noo.
"Let's go, Margauxx" malamig kong sambit. Nakita ko ang naiinis na pag ngisi ng lalaking ito.
"You're so rude. Hindi mo ba nakikitang nag e-enjoy kami dito?" Mayabang ang tinig ng lalaking ito ngunit kay Margauxx ko ibinalin ang aking tingin. Tinignan niya lamang ako ng nagtatakang mukha.
Lumapit ako at kinuha ang kamay ni Margauxx mula sa kaniyang inuupuan. Tumalikod na kami ng biglang naglabas ng baril ang lalaking ito. Hinarap ko siya at mabilis na inagaw ang kaniyang baril at tinadyakan ito sa dibdib, itinutok ko ang baril sa kaniyang sintido ngunit tinabig niya ang aking mga kamay at pasakal akong itinulak sa pader.
"Ja" natatakot na sambit ni Margauxx.
Pumalag ako ngunit masyado siyang malakas. Inilabas ko ang kutsilyo ko sa buhok ko at itinarak sa kaniyang leeg. Nakita ko kung paanong sumuka ito ng dugo habang nakatitig sa aking mga mata.
"Fvckyou" nanghihinang usal niya sa aking mukha bago siya tuloyang bumagsak sa sahig.
"Ja!" Sigaw ni Margauxx.