CHAPTER 4 - New Enemy

1448 Words
JA POV. "He's dead" Napalingon kami sa aming likoran. May dalawang lalaking nasa pintoan at ang isa ay nakangisi mula kay Margauxx. Sino naman 'tong mga pakialamera na 'to. "I don't care, kung hindi siya nanlaban hindi siya mamamatay" malamig kong saad. Nilagyan ko ng kiss mark ang leeg ng lalaking napatay ko habang pinapanood nila ako. Binunot ko ang aking kutsilyo at dugoang isinuksok ko ulit sa aking buhok. Hinila ko si Margauxx ngunit ayaw tumabi ng mga lalaking 'to. "Get out of my way" sambit ko. Tinitigan lang ako ng walang emosyong mukha nitong nasa harapan ko. Ang isa ay parang manyak sa gilid. Sa huli ay tumabi na sila sa pinto kaya naman naka daan kami. Hanggang sa makalabas kami ay parang yelo lang si Margauxx, nakatulala na lamang hanggang sa makauwi kami sa condo ko. Bukas pa ang mga ilaw at nahagip agad ng mga mata ko si Seia na may hawak-hawak na chichirya, nanonood ng TV. Lumingon siya sa amin at kumunot ang kaniyang mga noo. "Anong nangyari sainyo? para kayong mga namatayan" usal niya at hinila sa sofa si Margauxx ngunit walang sumagot kay Seia. Tahimik lamang ang paligid. Tumunog ang aming telepono mula sa ibabaw ng cabinet nilingon ko ito at tinungo bago sinagot ang linya. "I know you killed him. Bakit ka pumatay ng tauhan ko? may usapan ba tayong gano'n?" Ramdam ko ang inis ng matandang lalaking ito mula sa kabilang linya dahil gumaragalgal ang kaniyang boses. Napalingon ako kina Margauxx at Seia na naka tingin sa akin. Habang sumisenyas si Seia at walang boses na tinanong ako ng 'bakit, anong problema?' nilakihan pa niya ako ng mata. "Kung hindi siya naunang naglabas ng baril ay hindi sana mangyayari 'yon" saad ko. "Hindi naglalabas ang mga tauhan ko ng kahit anong baril o kutsilyo. Unless...pinakialaman ang kanilang gusto" siguradong sagot niya. Pinatay ko ang linya at hindi na sumagot. Ngayon alam ko na na pinaglalaroan mo ako Tymothy Guevarra. Pinalipas namin ang gabing ito ng walang umiimik sa aming lahat kahit pa si Seia ay nanahimik ang bibig dahil sa hindi niya na alam ang nangyayari pa at ayaw niyang magtanong nang magtanong sa gan'tong sitwasyon. SEIA POV. *Kinabukasan* Kahit pa hindi ko nalaman kung ano ang nangyari sa dalawang ito kagabi ay minabuti kong masarap ang kanilang umagahan. Kinatok ko na kanina ang bawat kuwarto nila ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding lumalabas. Kaya naman ay muli akong kumatok at tinawag ang mga pangalan nila. "Margauxx, Ja bangon na kayo. Brekfas ar redi" sambit ko. Habang inihahanda ko ang mga plato sa lamesa at mga kutsara ay lumabas si Ja. Nakasando ito ng itim at walang bra bakat na bakat tuloy ang bilugan niyang hinaharap at naka tback lang ito ng itim din. Gan'yan siya palagi kung matulog habang si Margauxx naman ay palaging satin sleepwear dress ang suot. "Goodmorning, kamusta ang tulog? may nahanap ka na ba sa panaginip mo na wawarak sa petchay mo?" Natatawang sabi ko ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin "joke" pambabawi ko. Napansin ko kay Ja ang namumula at may sugat niyang tuhod at may iba pa siyang mga galos. Hindi ako nagtanong dahil alam kong aamin din naman ito. Ano nanaman kaya ginawa nitong kagagahan? Habang tumitikhim ng kape si Ja ay lumabas naman mula sa kuwarto si Margauxx at dumeretso dito sa lamesa. Walang anong nagsalita na si Ja. "Nagkaharap kami ni Tyjher kaninang madaling araw" saad ni Ja. Napatingin tuloy kami sa kaniya. "Napatay mo na ba siya?" Tanong ni Margauxx. "Hindi. Nakialam ang lalaking naka harap natin sa Hello Clubs sa mga plano ko" tumikhim ulit ng kape si Ja matapos niya itong sabihin. "Ano? Ibig mong sabihin e hindi mo nga napatay si Tyjher?" Muling nagsalita si Margauxx. Habang ako ay pirming nakaupo lamang at nakikinig sa usapan nila napapadami tuloy ang pagkain ko ng pandesal dito. "Sinaksak niya ako sa likod, hindi ko inaasahan iyon. Pinipigilan niya akong mapatay ang buwesit na Tyjher" naiinis na kuwento ni Ja. "Ano?" Gulat kong usal, tumayo ako at tinignan ang likoran ni Ja sumilip din si Margauxx. "Maayos na, hindi na masakit-" naputol ang sasabihin ni Ja ng umangil ako at nagsalita. "Anong maayos na?! sariwang-sariwa pa oh? dumudugo pa nga, nakaka-inis ang mga pinag gagawa niyo!" napuno ng luha ang aking mga mata at tuloyan nagsituluan na ito. "Huwag kana umiyak, maayos naman ako" ani Ja. "Kering-keri ni Ja 'yan ano ka ba Seia" saad naman ni Margauxx. Kahit pa anong sabihin nila ay hindi ko pa din maiwasang hindi mag-alala dahil sila nalang ang natitira sa buhay ko at walang magulang na guma-gabay sa amin. Kami-kami na lamang ang magkakasama kaya hindi ko makakaya kung may masamang mangyari sa kanila. "Tsk. Lumabas ka pa din pala kaninang madaling araw" pagmamaktol ni Margauxx kay Ja. Muli ko ng pinunasan ang aking mga tumulong luha. "Hindi ko mapapalampas ang ginagawa sa akin ni Tymothy Guevarra. Alam ko na hindi totoong dahil lang sa pagpatay ko sa tauhan niya ang dahilan kung bakit gano'n na lamang ang galit niya, may kutob akong sinadya niyang idamay si Margauxx sa plano niya" walang emosyon ang mukha ni Ja pero nararamdaman ko ang kaniyang galit. "Para ako naman ang papatayin niya o gagantihan kapag natapos ko patayin ang anak niya" Dagdag nito. Noong nakaraang araw na tumawag ng gabi si Tymothy Guevarra ay inihatid na din ang perang napagusapan nila. Kasabay ng isang karton kung saan nakalagay ang mga address at mga business ni Tyjher kung saan siya maaaring matagpuan at iba pang tungkol sakaniya. Mukhang kabisado ni Ja ang mga gan'tong pangyayari dahil ilang taon na niya itong trabaho. Hindi nila kilala si Ja sa mukha, ang mga kiss mark sa iba't ibang katawan ng pinapatay niya ang tanging ebidensiyang hawak ng pulisya. Kilala si Ja sa iba't-ibang lugar bilang Lady Killer ngunit hindi nila nakikita ang kaniyang mukha dahil laging may takip na itim na panyo ito kada may tinutugis siya. Kahit kailan ay hindi pa nahuli ng pulis itong gaga na 'to. Kinuwento nila sa akin ang nangyari kagabi sa Hello Clubs at sa pagpasok ni Ja sa building ng Guevarra. "Siguro bored lang si Timoti Gevara kaya naglalaro siya ng mga tao sa kamay niya" saad ko. "Tigas naman. Timoti Gevara talaga?" naiinis na sabat ni Margauxx "Parehas din naman 'yon" inirapan ko pa siya. Madalas Jollibee talaga itong si Margauxx e, bida-bida. Maya-maya pa ay naisipan ko ng gamotin ang sugat ni Ja ngunit ng makita niyang dala ko ang Emergency Kit ay tumayo ito sa kinauupuan niya kaya naman hinabol ko siya at pinaupo muli. "Tatakbo ka pa ha, kupal ka talaga" usal ko at sinimulan ng gamotin ang sugat niya. "Ayoko nga, okay na 'yan gagaling din naman 'to e- aray!" Hindi pa siya natatapos magsalita ng idiin ko ang bulak na may vetadine sa sugat nito at hindi pa siya natapos magsalita "Kasi naman e, gagamot-gamot ka pa kasi" pagrereklamo nito sa akin. "Manahimik ka d'yan!" Usal ko sakaniya. Talagang nababagot siya kapag ginagamot ang sugat niya dahil hindi siya sanay pero hindi siya umuubra sa akin. "e kung saksakin kaya kita ng isa pa?" Nakisali si Margauxx. "Tsk!." Naiinis na sinamaan siya ng tingin ni Ja. Lumipas ang maraming oras at ngayon ay andito kami lahat sa terrace habang pinapanood ang mga record sa camera na iniwan ni Ja sa office ni Tyjher. "Hindi siya madalas sa office niya, saan pa kaya siya naglulungga?" Tanong ni Margauxx. "Pumunta ako sa mansyon niya kaninang madaling araw" usal ni Ja. "Sa bahay niya? grabe ka naman sa katapangan Ja anlakas naman ng loob pumasok sa bahay ng lokong 'yon!" saad ni Margauxx. "Tiyak akong may iba pang lugar si Tyjher na pinupuntahan maliban sa mga clubs" siguradong ani Ja "Gusto kong makita kung saan nila dinadala ang mga kababaihang bini-bihag nila ngunit alam kong ando'n parati si Tymothy kaya kailangan mapatay ko na muna si Tyjher ng mabawasan ang kalat" tugon niya. "Kung kailangan mo kami puwede naman kami sumama ni Seia" Pag prisinta ni Margauxx at nagpapa kyut pa ito. "Hoy! Ayoko 'no, ayoko pang mamatay tyaka ano? virgin na machuchugi ganern? Heel naw" pairap-irap ko pang sambit. "Heel naw talaga ano?" Sarcastic na saad ni Margauxx. "Gusto niyong sumama?" Nakangising tanong ni Ja na para bang may binabalak itong kagagahan nanaman. "No, hindi ako puwede-" naputol ang sasabihin ko ng sumagot si Margauxx. "Yes!!" Masiyang aniya. "Okay, wear your mafia outfit later" ani Ja. Sinamaan ko sila ng tingin. "Sana'y mapasukan kayo ng tig tatatlong hotdog sa petchay niyo! hmm d'yan na nga kayo!" Naiinis kong sabi at pumasok sa kuwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD