JA POV.
*FLASHBACK*
Sinilip ko pa ang mga kuwarto nila Seia at Margauxx mahimbing na silang natutulog bago ko tuloyang iniwan ang aking condo.
Dala-dala ko ang mga sulat kung saan nakalagay ang address ni Tyjher na pinadala mismo ng kaniyang ama.
Narating ko ang mansyon ni Tyjher ng halos 30 minutes. Dahil nga mabilis ang aking patakbo ay narating ko ito.
Naglagay ako ng lipstick sa aking labi at pinasok ko na ang mansyon ni Tyjher. Nilagyan ko pa ng panyong itim ang aking mga mukha ng makita ko kung gaano karami ang mga tauhan na nagbabantay sa mansyon ni Tyjher. Andami nila maski dito sa likod, halatang takot mamatay dahil sa dami niyang kasalanan.
Hindi nila ako puwedeng makita ng kahit sinong tauhan niya dahil tiyak kong hahanapin nila ako at lalong dadagdagan ang mga nagbabantay dito.
Dahan-dahan akong pumasok sa pangalawang palapag gamit ang lubid ko. Hinila ko ito mula sa ibaba at ibinitin sa aking binti. Bumungad sa akin ang malawak at madilim na mga kuwarto. Iilan lamang ang mga laman ng palapag na ito ngunit napaka lawak. Tinahak ko ang balcony ng palapag na ito at sinilip ang mga tauhan na nasa ibaba, mga nagyoyosi at nag-iinoman pa ang iba.
Tinahak ko ang ginintoang hagdan at nagsimulang marahan na umakyat. Dahil nga naka high heels ang aking boots ay pinapanatili ko itong huwag tumunog.
Nang maabot ko ang pangatlong palapag ay dito tumambad sa akin ang mas madilim pang kuwarto. Pinagmasdan ko ang mga painting na nakasabit sa ding-ding. Napaka mahal ng bawat gamit na makikita mo dito ngunit napatingin ako sa ika tatlong pinto. Alam kong ito ang kuwarto ni Tyjher dahil ang pinto nito ay kulay ginto at naiiba sa mga pintong nadaanan ko.
Marahan kong hinawakan ang doorknob
"Anong ginagawa mo d'yan?"
Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang isang lalaki.
Tauhan ni Tyjher. Buwisit.
Napabuntong hininga ako nang sumugod ito papunta sa akin. Nilabas ko mula sa buhok ko ang isa kong kutsilyo at itinarak ito sa kaniyang noo. Binuhat ko ang kaniyang katawan at ipinasok ko sa isang silid. May nakita akong isang malaking cabinet at dito ko siya pinilit na isinuksok.
Marahan kong nilagyan ang kaniyang kamay ng kiss mark bago ko isinara ang pinto ng cabinet. Mula sa bintana ay may nakita akong aninong dumaan.
May iba pang tao dito.
Mabilis kong nilisan ang pinto at binalikan ko ang pinto ng kuwarto ni Tyjher at binuksan. Napalingon ako sa paligid nasa harapan ko ngayon ang maliit na opisina ni Tyjher. Pumasok ako dito at pinakialaman ang bawat gamit na nakikita ko dito. Ngunit wala akong kahit anong napaka dito kaya naman ay lumabas na ako muling marahan na nag-lakad.
Natungo ko ang isang malawak na kama at may mga nakabitin pang puti at manipis na tela. Sa pag silip ko ay napakunot ang aking noo ng wala dito si Tyjher.
"Who are you?" Isang boses sa aking likuran ang narinig kong nagsalita.
Lumingon ako at nakatutok na sa aking ulo ang kaniyang baril. Si Tyjher.
Ngumisi ako sakaniya habang masama ang aking titig. Sinugod ko siya at tinadyakan ang kaniyang kamay kaya tumalsik ang kaniyang baril. Pumalag siya at umamba siya ng suntok na agad ko namang naiwasan at sinilip siya sa dibdib. Ininda niya ito.
"Tangin* ka" malutong niyang mura sa akin.
Mabilis niyang binuksan ang cabinet niya at nag labas muli ng baril. Tinakbo ko siya at patalon ko siyang tinadyakan sa dibdib gamit ang dalawa kong para. Sa pagbagsak niya at itinarak ko ang aking kutsilyo sa kanan niyang balikat. Nagmula sa aking boots ang aking kutsilyong inilabas.
Muli kong iniamba ang aking kutsilyo ngunit hindi ito natuloy nang may kung anong malamig na isang bagay ang tumusok sa aking likuran.
"He's mine" malamig na tinig niya mula sa aking likuran. Sinaksak niya ako gamit ang kaniyang isang braso.
Tumayo ako at siniko siya ng malakas kaya naman nakawala ako sa kaniyang pagkaka sakali.
"Pakialamero" walang emosyong usal ko at inatake siya gamit ang kutsilyong hawak ko.
Lahat ay nailagan niya. Nakasuot ito ng itim na sumbrero at sandong puti, sa kaniyang pang ibaba ay pants na itim.
Hindi ko makita ang kaniyang mga mata ngunit kitang-kita ko ang nakakainis malalim niyang pag ngisi.
Tinitigan ko siyang mabuti habang nakatutok ang kutsilyo ko sa kaniya, umangat ang kaniyang mukha at nasinagan ng liwanag galing sa buwan ang kaniyang mga mata. Siya ang lalaking nakatagpo namin sa Hello Clubs.
Ano namang ginagawa ng lintek na 'to dito?!
"What the fvck" natatawang sambit ko.
Hindi ko alam kung namumukhaan niya ako ngunit napakunot din ang kaniyang mukha siguro ay inaalala niya ako o pamilyar ako sakaniyang mata.
Labis ang inis ko ng muli itong sumugod sa akin. Bawat amba niya ay iniilagan ko sa pagkakataong ito ay nasaksak ko ang kaniyang likuran.
"Walang ibang aangkin kay Tyjher kundi ako lamang" bulong ko sa kaniyang leeg ngunit sarcastic lamang itong natawa na ikinainis ko.
Tumakbo ako sa puwesto ni Tyjher ng makatayo ito. Sinugod ko siya ng suntok at mga tadyak, patuloy ito sa pag-ilag. Alam kong nagugulat siya sa bilis ko pero hindi ko na ito inisip. Nagulat ako ng bigla akong hilain ng lalaking naka sumbrero dahilan ng pagbagsak ko sa lamesang mamahalin ni Tyjher. Rinig na rinig ang pagbagsak ng ibang gamit dito sa kuwartong ito.
Inaatake niya na ngayon si Tyjher at naglabas pa ito ng baril.
*Bang!* Tumunog ito at kasamaang palad ay nakailag ang buwesit na lalaking naka sumbrero.
Sinugod ko siya mula sa kaniyang likuran at sinakal ng lubid na kinuha ko sa aking binti.
"You'll die" mahinang bulong ko kay Tyjher.
Bumulagta kaming parehas ni Tyjher ng tadyakan ako sa tagiliran ng lalaking ito. Nagsikalat ang mga hawak naming panaksak kasabay ng mga kalat ngayon dito sa kuwarto ni Tyjher.
Bakit ba 'to nakikialam!
Sinugod niya si Tyjher at sinakal din ito gamit ang kaniyang dalawang palad. Inis kong kinuha ang upuan sa aking tabi at inihampas ito ngunit nakailag ang lalaking naka sumbrero kaya't tumama ito kay Tyjher. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking naka sumbrero at naglakad siya papunta sa gawin ko kaya naman umatras ako ng umatras. Napahinto ang aking pag atras ng may naramdaman ako sa aking likod.
Si Tyjher
Mabilis na hinila ng lalaking nasa harapan ko ang aking kamay at tinadyakan ang mukha ni Tyjher. Ngunit sa tigas ng kaniyang bungo ay talagang nakatayo pa ang hayop.
"Mga hayop kayo, talagang pinagtutulongan niyo pa ako!" Sigaw ni Tyjher at naghawak ng baril at pinutok ito.
Sabay kaming nakailag ng lalaking naka sumbrero at nakita naming tumakbo si Tyjher. Inis na naibato ko sa pinto ang aking kutsilyo ngunit napatingin ako sa lalaking katabi ko ng sabay na tumusok sa pinto ni Tyjher ang aming kutsilyo.
Tumayo ako kasabay niya at tinungo niya ang bintana ni Tyjher.
"Buwisit, pakialamero ka kasi" mahinang bulong ko, ngumisi lamang siya sa akin at bumaba sa bintana.
*END OF FLASHBACK*
Umahon na ako sa bathtub matapos kong alalahanin ang lahat na nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung nakilala ba ako ng lalaking iyon at kung bakit siya nakikialam sa pagpatay may Tyjher.
Natapos na ako ng tuwalya at lumabas na sa banyo.
Nakita kong hawak nanaman ni Seia ang vibrator ni Margauxx at marahan niyang idinadampi ito sa kaniyang mukha.
"Seia ano nanaman ba ang nakain mo at pinakikialaman mo nanaman ang mga 'yan" pagsita ko sakaniya.
Lumingon siya sa akin at malaking ngumiti.
"Tulog pa naman si Margauxx balik ko nalang mamaya" sambit niya sa akin. "Minsan nagtataka ako Ja, kasya kaya limang hotdog sa petchay ni Margauxx?" Nagtataka niyang tanong.
"Hays" malakas na bumuntong hininga ako kay Seia. "Ibalik mo na 'yan bago pa siya magising" utos ko sakaniya at tumungo na sa aking kuwarto.
Namimili ako ng isusuot na lingerie ngayon at ito lamang ang komportable kong isuot na pang underwear at ayokong may mga garter ang aking panty.
Naisip kong magsando nalang katulad ng araw-araw kong isinusuot kapag nasa bahay lang at isang putting tback.
Inilagay ko sa aking buhok ang tuwalya at tumingin sa aking malaking salamin.
Hindi mawala sa isip ko ang lalaking nakatagpo ko hindi ko alam bakit pinag aaksayahan ko pang isipin ang gaya niya. Mabuti na lamang at nakaganti ako ng isang saksak sakaniya at talagang ma h-hunting ko siya kung hindi.
Naalala ko ang kaniyang matipunong katawan, ang maganda niyang mga panga, ilong at mata. Napagmasdan ko din ang makapal na kilay niya at napaka pula niyang mga labi. Napaka bango niya rin, amoy mayaman.
Nainis ako sa sarili ko bakit ko siya iniisip gayon wala naman akong pakialam sakaniya.
"Ja, try mo 'to" pumasok bigla si Seia at may hawak na-
what the hell
Sinampal-sampal niya sa akin ang malagkit na dildoow na kulay brown sa aking mukha.
"Seia!" Inis akong sumigaw.