Lahat naman kami ay natulala sa boses ni Luke. Maya-maya pa ay tumigil na siya sa pagkanta at tumayo sabay bigay ng microphone at gitara kay Jess. "It's been years since we heard you sing, Bro," wika naman ni Jess sa kanya. "I can't believe that Luke has such a nice voice. He's an ideal man for me," wika ni Brenda sabay tawa kasama ng mga kaibigan niya. Napatingin naman ako sa kanila kaya kinalabit ako ni Belle. "It's okay, Frenny," wika niya. "Luke doesn't like imbeciles." Agad ko naman siyang tinapik sa balikat. "Tumigil ka nga, Frenny. Baka marinig ka nila, 'wag ka naman maghanap ng away," sabi ko naman kaya napatawa nalang kaming dalawa. Pagkatapos ng activity ay isa-isa na kaming nagligpit ng mga ginamit namin at itinapon ang mga basura. Magkasama naman si Brandon at Belle na mas

