bc

Heiress’ Resonance

book_age16+
887
FOLLOW
4.3K
READ
revenge
reincarnation/transmigration
goodgirl
brave
heir/heiress
drama
twisted
bxg
bisexual
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Cassandra Madeleine is given a chance to live again. She thought that everything is simple until she came back to where she really belongs and started to know the truth slowly about her true identity. And now, she must fight for everything that really belongs to her in the first place...even his first love who is the sole reason of her death.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Parusa ni Cassandra
Wala paring bumibisita dito sa bulwagan pagkatapos akong bigyan ng parusa ni Haring Kupido noong nakaraang araw. Pangatlong beses ko na itong babala dahil sa mga palpak na nagawa ko sa buong palasyo. Isa ako sa tagapagbantay ng mga mortal na tao. Kami na mga anghel ni Kupido ang nagsisilbing gabay sa mga tao, malas nga ako dahil isang basagulero at tarantado ang ginagabayan ko sa loob ng pitong taon na ngayon. Hindi naman siya basagulero nang nag-umpisa akong gumabay sa kanya, nag-umpisa lang noong tumuntong siya nga kolehiyo. "Cassandra Madeléine!" tawag ng isang pamilyar na boses sa buo kong pangalan, "Ano na naman ang kailangan mo, Aidan Levinston?" wika ko sabay bitaw ng walis. "Ilang beses ka na bang pinarusahan sa mga walang kwenta mong mga plano Cassandra? Sa tingin ko kapag pumalpak ka pa, ipapadala ka na talaga ni Haring Kupido sa mundo ng mga mortal," pang-aasar niya sabay gulo ng buhok ko. Dito sa buong Quintiana, si Aidan lamang ang nag-iisa kong kaibigan. Isa rin siya sa mga tagapagbantay pero mas matanda siya sakin ng isang taon, "Kung pumunta ka lang naman dito para sirain yung araw ko, pwes bumalik ka nalang bukas kasi hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon," kinuha ko agad yung kamay niya sa ulo ko. "Biro lang Cass, pinuntahan talaga kita dito para sabihin na may bago na namang dating na libro mula kay Irènèe Earhardt sa silid-aklatan," akma na sana siyang aalis pero pinigilan ko agad si Aidan dahil sa sinabi niya. Si Irènèe Earhardt ang tanging gumagawa ng mga nag-gagandahang mga libro sa buong Quintiana. Tanging ang angkan lamang nila ang may ganitong uri ng kapangyarihan para gumawa ng nakakakilig at nakakatakot na mga istorya tungkol sa iba't-ibang bahagi ng mundo. "Talaga Aidan? Tara puntahan natin ngayon din," kinaladkad ko agad siya palabas ng bulwagan at tumungo sa library. "Hindi mo pa nga natatapos ang mga pinapagawa sayo Cass, tapusin mo muna," wika niya sabay tigil sa paglakad, "Ano ka ba naman Aidan, ilang oras na akong naglilinis doon, atsaka wala rin naman dito sa palasyo si Haring Kupido eh. Tara na kasi!" Nang makarating kami sa silid-aklatan, nilibot ko ang aking paningin sa buong gusali. Gumagaan din ang pakiramdam ko sa tuwing naaamoy ko ang pahina ng mga libro. Tumungo agad si Aidan sa kanang bahagi nito upang kunin ang sinasabi niyang libro, sinundan ko siya sabay ng pagkuha ng mga paborito kong babasahin. "Ang pamagat ng bago niyang libro ay 'Amarante' mula sa mundo ng mga mortal na ang ibig sabihin ay 'hindi kumukupas'. Sa tula, ito ay hindi makatotohanang bulaklak na hindi kumukupas at namamatay," napanganga naman ako sa mga sinabi niya. "Halata nga namang hindi mo pa nababasa ang librong yan, Aidan," kinuha ko na sa kanya ang libro at tumungo sa mesa para basahin. Kumuha rin siya ng libro at umupo sa tabi ko. Tinitigan niya ako habang nagbabasa kaya napatigil naman ako. Ngayon ko lang napagtanto na napakaganda pala ng kulay abo niyang mga mata. Hindi ko rin namalayan na sa paglipas ng panahon, ang dati niyang itim na buhok ay nagiging kulay abo narin, "Baka matunaw na ako sa kakatitig mo Cass," sabi niya kaya napabalikwas ako sa kina-uupuan ko, "Ikaw kaya ang naunang tumitig sa akin. Tigilan mo nga ako," wika ko pa sabay yuko. "Nga pala Cass, kamusta naman ang ginagabayan mong mortal? Rinig ko kay Haring Kupido lalo lamang itong lumalala ah," napa-ayos naman ako ng upo sa pagsambit ni Aidan sa ginagabayan kong mortal. Natulala naman ako ng ilang segundo bago makasagot sa kanya. "Magmula nang namatay ang kanyang unang naging kabiyak kasabay ng pakikipaghiwalay ng kanyang ama sa kanyang ina, kaya siya naging basagulero. Valedictorian din siya noong high school pero nang tumuntong ng kolehiyo, mabuti na ang makapasa," nakayuko kong pahayag. Halos isang taon narin magmula nang nag-umpisa siyang mag rebelde. Isang taon narin na hindi ko nakita ang mga ngiti sa mga mukha ni Luke. Isang beses ko narin na sinagip ang kanyang buhay sa kamatayan na alam kong ipinagbabawal sa amin pero ginawa ko parin. Ayoko na mawala siya sa mundo na may hinanakit sa puso, "Sa tingin mo ba, makakaya mo siyang gabayan patungo sa mabuting daan?" tanong ni Aidan sabay ng pagtayo ko. Kumawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita. "Oo naman. Alam ko na hindi pa huli ang lahat para kay Luke, ano pa ba ang silbi ko na maging tagapagbantay niya kung hindi ko naman siya matutulungan," ma-awtoridad kong sabi, "Mabuti naman kong ganoon, Cass. Sige bumalik ka na sa bulwagan dahil baka maabutan ka pa ni Haring Kupido sa palasyo," tumayo narin si Aidan at ibinalik ang mga libro. "Saan ka tutungo pagkatapos nito?" tanong ko sa kanya nang lumabas na kami ng silid-aklatan, "Bibisitahin ko ang aking ginagabayang mortal. Ilang araw narin kasi siyang malungkot eh," malumanay niyang sagot sabay yuko. "May problema rin pala yung ginagabayan mo Aidan. Sige mauna na ako sayo, kita nalang tayo mamaya pagkatapos," kumaway na ako sa kanya at dali-daling tumakbo patungo sa bulwagan. Hingal na hingal ako nang makarating sa bulwagan. Kinuha ko agad ang walis at nagpatuloy sa paglinis ng sahig kasabay ng pagpunas ng mga naglalakihang litrato sa gintong dingding ng palasyo, "Cassandra, bakit ngayon ka lang bumalik dito sa bulwagan? Saan ka nanggaling?" Halos hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga katagang binitawan ng Duke, "Mahabaging Duke, nanggaling po ako sa silid-aklatan, may kinuha lamang pong libro," nanginginig kong sagot sa kanya. Nangangamba ako sa susunod na mangyayari, dahil kung nandito na ang Duke, malamang nandito narin sa palasyo si Haring Kupido. Kilala bilang isang mabait na Hari si Haring Kupido, pero pagdating sa pamamahala niya sa buong Quintiana sinisigurado niya rin na dapat tama ang aming ginagawa. "Ilang ulit mo na ba kaming binigo sa mga kilos mo dito sa Quintiana, Cassandra? Oras narin siguro para bigyan ka ng leksyon. Tumungo ka ngayon din sa opisina ng kataas-taasan," pahayag niya na ikinagulat ko. Nahulog din ang maduming basahan na hinahawakan ko kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko. Mangiyak-ngiyak ko itong pinulot at nilagay sa tabi at nag-umpisa nang maglakad sa likuran ng Duke. Sa dalawampung taon ko nang pamamalagi dito sa Quintiana, ngayon lang ako nahatulan na tumungo sa kataas-taasang opisina. Nang makapasok kami sa loob, una ko agad na nasilayan si Haring Kupido kasama ang iba pang may mataas na ranko sa palasyo, "Narito na po si Cassandra Madeléine, mahal na Hari," ani ng Duke. Pina-upo ako sa napakalaking gintong upuan sa gitna ng silid. Pinalilibutan ako ng mga opisyales kasama ng Hari, "Ano na naman ba ang ginawa mo, Cassandra?" mahinang tanong ni Haring Kupido. "Patawad po mahal na Hari, hindi ko na po uulitin ang mga kasalanan ko," yumuko ako sa harapan niya. Nag-umpisa naring mahulog ang aking mga luha sa kanang bahagi ng mata at pumatak sa aking puting damit, "Napagkasunduan naming lahat ang parusang ibibigay sa iyo, Cassandra. Nawa ay matuto ka sa mga pagkakamali mo," Tumayo na ako at bumalik sa kina-uupuan ko. Kailangan ko nang harapin ang mga nagawa kong pagkakamali sa loob ng ilang buwan, "Kahit ano pong parusa tatanggapin ko." "Ipapadala kita sa mundo ng mga mortal upang matutong mabuhay kasama nila. Ikaw na mismo ang tumuklas sa mga bagay na matutunghayan mo," pahayag niya kaya ako napatayo, "Pero mahal na Hari, paano po ako mabubuhay sa mundo ng mga mortal?" pangangamba kong tanong. Batay sa mga nasaksihan ko, mapanganib ang mortal na mundo dahil sa taglay na ugali ng mga mortal, "Wala kang dapat na ikatakot Cassandra, dahil kung ano man ang iyong kapalaran ay dapat buong puso mo itong tatanggapin. Bukas na bukas ay ipapadala kita doon. Maaari ka nang lumabas," ma-awtoridad na sabi ni Haring Kupido kaya napa buntong-hininga na lamang ako. Wala ako sa sarili habang naglalakad pabalik sa gusali kung saan kami namamalagi, "Cass!" nabuhay naman ang diwa ko nang ginulat ako ni Aidan, "Huwag ngayon Aidan, malungkot ako," wika ko at deritso na naglakad. Batid kong sinusundan ako ni Aidan kaya tumigil ako sa paglakad, "Ano ba ang kailangan mo?" inis kong giit. "Sabihin mo nga sakin kung ano na namang kapalpakan ang nagawa mo Cassandra?" mariin niyang tanong sabay hawak ng magkabila kong balikat. "Ipapadala ako ni Haring Kupido sa mundo ng mga mortal bukas," mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya. Napatulala naman siya ng ilang segundo bago nag-umpisang magsalita, "Kakausapin ko ang Hari, ipapaliwanag ko kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito Cassandra." akma na sana siyang aalis pero agad ko itong pinigilan. "Huwag mong gagawin ‘yan Aidan, tatanggapin ko ang parusa at wala ka nang magagawa," dali-dali akong naglakad patungo sa aking silid at umiyak. Ayoko mang umalis dito sa Quitiana pero kailangan kong harapin ang mga kasalanan kong nagawa. Kinaumagahan ay tumungo ako sa palasyo para harapin ang aking kapalaran. Buong umaga ko ding hindi nakita si Aidan sa paligid, "Handa ka na ba Cassandra?" tanong ni Haring Kupido. "Opo," mahina kong sagot. Unti-unti namang gumamit ng kapangyarihan si Haring Kupido at tumambad sa harapan ko ang nakakasilaw na puting pinto, "Buksan mo na ang pintuan Cassandra." Hindi na ako nagdalawang-isip at binuksan na ang pinto. Napapikit naman ako dahil sa sobrang nakakasilaw na liwanag. Nakarating ako sa isang lumang kwarto na halos walang gamit, tanging isang higaan lamang at isang mesa ang nakikita ko. "Cassandra! Cassandra!" tawag ng isang boses galing sa labas. Nandito na nga ako sa mundo ng mga mortal. Bumukas ang pinto sabay luwal ng isang matabang babae na halos kainin na ako sa tingin, "Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa labas, malilintikan ka talagang bata ka sakin," nagulat na lamang ako nang bigla niya akong nilapitan at sinampal ng sobrang lakas. Natumba naman ako dahil sa taglay na lakas ng kanyang kamay. Hindi ko rin napansin ang dugong lumalabas sa kaliwang bahagi ng aking ilong, "Oh ano, hindi ka pa ba diyan tatayo para ipagluto kami ng agahan, o gusto mo talagang tadyakan pa kita?" tinakpan ko naman ang mukha ko gamit ng aking kamay dahil akma na niya sana akong tatadyakan. "Ano ba naman Linda, umagang-umaga pinapagalitan mo na naman si Cassandra," napatingin agad ako sa pintuan at nakita ang isang malaking lalaki na may sigarilyo pa sa kanyang bibig, "Eh itong pamangkin mo kasi, wala nang naidulot na mabuti dito sa bahay, tayo na nga ang nagpapakain at nagpapa-aral sa kanya," mariin na sabi ng babaeng si Linda. Ano bang klaseng gulo itong napasok ko dito sa mundo ng mga mortal? "Tumayo ka na diyan Cassandra at ipagluto kami ng agahan. Pagpasensyahan mo na ang tiya Linda mo ha," wika ng lalaki na tila ba kasalungat ang ugali sa babae. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Pinunasan ko agad ang mga dugo sa ilong ko gamit ang aking kamay. Hindi ko na rin namalayan na nandito na ako sa kusina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero parang mayroong sumasanib sa katawan ko para gumalaw at kumuha ng mga lulutuin, "Bilisan mo na Cassandra kung ayaw mong mahuli sa klase," sigaw ng babae sa akin. Anong pinagsasabi niyang klase? Nag-aaral ako? Makalipas pa ang ilang minuto ay nakita ko na lamang ang aking sarili na inihahain ang dalawamg putahe ng ulam, "Aba! Kailan ka lang ba natutong magluto? Bakit parang may pista naman dito sa bahay dahil sa pagluto mo ng pritong isda at sinigang na baboy," wika naman ng babae pagkakita ng mga niluto ko. Hindi ko rin alam kung paano ko ito ginawa at paano ko naiintindihan ang mga kakaibang salita ng mga mortal, "Ano pa bang hinihintay mo Cassandra, kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase," dagdag pa ng lalaki. Umupo na ako kasama nila at kumain. Parang hindi lang ako sinaktan ng babae kanina dahil sa pangyayari ngayon. Pagkatapos kumain ay iniligpit ko na ito at hinugasan ang mga pinggan. Tumungo agad ako sa kwarto kahit na hindi ko alam kung anong susunod na gagawin, pero parang mayroong ibang nilalang sa sarili ko na tumutulong sa akin kung ano ang gagawin. Pagkatapos kong maligo ay agad kong binuksan ang maalikabok na baul at kinuha ang aking uniporme. "Teka lang, bakit alam ko ang lahat ng mga ito?" mahina kong bulong sa aking sarili na tila ba wala aa sariling isinusuot ang itim na hanggang tuhod na palda at puting damit na may itim din na kurbata. Nang lumabas ako ng bahay dala-dala ang isang maliit na bag ay agad akong naglakad pakanan. Nakarating din ako sa relis ng tren atsaka nagbantay, "Cassandra!" lumingon agad ako sa likuran dahil sa pagtawag ng pangalan ko. May isang babae na maikli ang buhok at nakasuot din ng kapareho ng umiporme ko. Naghugis patanong naman ang mukha ko nang tumigil siya sa harapan ko na hingal na hingal. "Happy Birthday!" hingal niyang pahayag sabay bigay sa akin ng isang cupcake na may kandila. Nagulat naman ako sa mga naiisip ko na bagay. Hindi ko alam kung paano ko ito nalaman. Tren, cupcake, ang lalagyan ng uniporme, ang pagluto ng pritong isda at sinigang. Namanhid ang mga tuhod ko kaya bigla na lamang akong natumba, "Cassandra, ano bang nangyayari sayo? Ayos ka lang ba? May lagnat ka ba ngayon?" sabi ng babae sabay hawak ng noo ko, "Sino ka?" kunot-noo kong tanong. Nakita ko naman kung paano siya nagulat at agad na tumawa sa harapan ko. Ganito ba talaga ang mga mortal? "Wag mo nga akong pinagloloko Cassandra. Hindi ka magaling magbiro, tandaan mo 'yan," tinulungan niya agad akong makatayo, "Seryoso rin ako, sino ka ba talaga?" tanong ko ulit sa kanya. "Wala akong panahon sa mga biro mo Cassandra. Ayan na yung tren, bilisan mo baka hindi pa tayo makasakay mamaya," kinaladkad niya agad ako at pumasok na kami sa loob. Siksikan din kaya hindi na kami naka-upo. Walang sino man ang kumikibo sa aming dalawa. Napagtanto na niya siguro na seryoso ako sa mga tanong ko. Tumigil na ang tren kaya lahat kami lumabas. Hindi niya parin ako kinaka-usap habang naglalakad kami sa gilid ng daan. Habang sumusunod ako sa likuran niya, bigla na lamang may pumasok na pangalan sa isipan ko. "Belle Cendrine!" tanging sambit ko kaya lumingon ang babae, "Akala ko pati pangalan ko hindi mo na natatandaan, atsaka Belle lang, huwag na yung Cendrine, ang pangit," sagot niya naman. Bumungad naman sa akin ang napakalaking gusali na may pangalang 'Regal High School.' "Nasaan na naman ba yung ID mo Cass?" napatingin naman ako kay Belle, "Ha, ID?" nag-isip muna ako dahil baka tulungan akong alamin ng ibang nilalang sa loob ng aking katawan. "Oo, ID-Identification card. Alam mo naman na hindi ka makakapasok dito kung wala kang ID hindi ba?" sagot niya pa, "Teka lang, nandito yata sa bag ko," agad akong naghanap ng ID sa bag ko at mabuti naman dahil nakita ko ito. Nakita ko namang itinapat ni Belle ang ID niya sa umiilaw na litrato kaya sinunod ko nalang din ang ginawa niya, "May ilang minuto pa naman tayo bago mag ring ang bell. Tara Cassandra, pag-usapan muna natin yang nangyayari sayo," wika niya naman kaya napangiti ako. Nakarating kami sa isang lugar na pinalalabutan ng upuan. Umupo naman kami doon sabay hawak niya sa magkabila kong balikat, "Okay! So tell me what the hell is happening to you?" tanong niya sakin. Hindi narin ako nagulat na naiintindihan ko ang mga sinasabi niya dahil sa mga nasaksihan ko kanina pa, "Hmm sa tingin ko kasi Belle, nakalimutan ko na ang lahat eh, mabuti nga at nakilala pa kita. Pwede mo bang ma kwento sa akin yung buong buhay ko?" nakayuko kong sabi. Umupo muna siya sa tabi ko na hindi maipinta ang mukha, "Weird mang pakinggan pero sige. Ganito kasi yun, noong first semester lang tayo nagkakilala dito sa school then ang alam ko lang tungkol sayo, nakatira ka sa kapatid ng ina mo. Si Tita mo Linda at Tito Gilbert, mga walang puso mong kadugo na hindi naman nagpapa-aral sayo, at yung pera na ginamit nila ay mula pa sa savings ng mom at dad mo bago sila namatay noong bata ka pa," paliwanag niya naman na halos hindi ko mapaniwalaan. Hindi ko alam kung anong napasok ko dito sa mundo ng mga mortal, pero nawa'y gabayan niyo po ako Haring Kupido, "Ganun ba. Paano naman dito sa paaralan?" tanong ko pa, "Nakapasok ka dito dahil isa ka sa sampung scholar na biniyayaan ng free tuition para makapasok sa paaralang ito. Classmates tayong dalawa at ikaw ang palaging top one sa klase," dagdag pa niya. "Salamat Belle. Sapat na itong nalalaman ko tungkol sa aking sarili," nakangiti kong sabi, "Walang problema Cass, tara bumalik na tayo sa room," tumayo na kami at nag-umpisang maglakad patungo sa classroom namin. Hindi narin ako ngayon nagugulat sa tuwing may babanggitin akong bagong salita dahil nasanay na ako. Nahagip naman ng mga mata ko ang hindi ko inaasahang makita, "Luke?" gulat na gulat kong sabi. Nakikita ko ngayon si Luke na naglalakad patungo sa kabilang bahagi ng building, "Bakit nagulat ka nang makita mo si Luke, Cass? Eh yan yung mortal enemy mo pagdating sa academics eh," napatingin naman ako kay Belle, "Mortal enemy?" "Oo, kayong dalawang palagi ang nagtatagisan sa loob ng classroom lalo na pagdating sa Mathematics at Science," pahayag pa niya. Lumalayo na ngayon si Luke sa amin. Kailangan ko siyang puntahan, "Sandali lang Belle ah, hintayin mo ako dito. Pupuntahan ko lang si Luke," dali-dali akong tumakbo para maabutan siya. Bakit ko siya nakita dito? Sa ilang taong paggabay ko sa kanya, wala naman akong natatandaang dito siya nag-aaral. Nakarating ako sa hardin sa likurang bahagi ng paaralan. Hindi ko na siya makita ngayon, kahit anino ni Luke wala na rin. Bakit ko nga pala siya sinundan dito? Anong gagawin ko kung magkita kami? "Looking for me?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
970.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
454.5K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.5K
bc

NINONG III

read
363.5K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook