Kabanata 2: Buhay ng Isang Mortal

2618 Words
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko akalain na magkikita kami ni Luke sa personal. Nasa likuran ko na siya ngayon dahil nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg. "Why did you follow me here Cassandra?" nakakapangilabot niyang tanong. Lumayo agad ako at deritsong tumingin sa kanya, "Dito ka ba talaga nag-aaral?" tanong ko. “Ano bang nakain mo ngayon at yan ang tinatanong mo sa akin?" kunot-noo niyang tanong sabay ngiti. Dumating naman agad si Belle na hingal na hingal. "Nandito lang pala kayong dalawa. Ano pa bang hinihintay niyo diyan, nandoon na sa room si Professor Lopez!" nauna namang maglakad si Luke at sumunod na lamang ako at si Belle. "Ano bang pinag-usapan niyo Cass?" bulong sa akin ni Belle habang nakasunod kami sa likuran ni Luke, "Mamaya na Belle," sagot ko naman. Nang makarating kami sa tapat ng room ay nagkatinginan silang lahat na parang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Pumasok na si Luke na parang walang nakita umupo narin kami ni Belle at nakinig sa guro. "Cass, tara libre ko na lunch natin birthday mo naman ngayon eh," yaya naman sakin ni Belle habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, "Ilang taon na ba ako ngayon Cassandra?" tanong ko pa. "Seryoso? Pati edad mo hindi mo na matandaan?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot, "Seventeen," pahayag pa niya kaya nagulat ako. Sa pagkaka-alam kong dalawampung-taong gulang na ako, pero bakit dito seventeen pa lamang ako? "Anong petsa na ba ngayon?" tanong ko ulit sa kanya, "November 4, 2017," mas lalo pa akong nagimbal sa mga sinabi niya. "2017?" "Bakit mo naman naitanong yan?" pagtataka niyang tanong, "Wala naman. Tara na!" "Saan ba gusto mo? Mall nalang tayo," dagdag pa niya, "Ikaw ang bahala." Lumabas na kami ng classroom at naglakad palabas ng paaralan. Sobrang laki nga talaga nitong pinapasukan ko ngayon. Kung nandito lang rin sana si Aidan, siguradong mamamangha din yun. "Wag kang titingin sa kanan Cass," bigla namang sabi ni Belle pero napatingin na agad ako. Napatigil naman ako dahil sa nasaksihan ko ngayon sa hardin kung saan kami nagkita kanina ni Luke. May tatlong babae na binubugbog ang kawawang estudyante, namamaga na at maraming dugo narin ang dumadaloy sa katawan ng babae. "Bakit nila yan ginagawa Belle?" mangiyak-ngiyak kong pahayag. Hindi ako makapaniwala na pati babae ginagawa din pala ang bagay na ito, "Stay out of it Cassandra. Isipin mo nalang na wala kang nakita," nagulat naman ako sa isinagot sa akin ni Belle. "Walang nakita? Hindi mo ba nakikita yang pang-aabuso na ginagawa nila? Baka mapatay nila ang kawawang babae," tumakbo agad ako sa kinaroroonan ng mga babae at tinulungan ang babae, "Tama na!" sigaw ko sa kanila. Hindi ko akalaing nagagawa nila ang mga bagay na 'to, "Who the hell are you?" tanong ng isang babaeng may hawak na matulis na bakal sa kanyang kamay. "Hindi na importante ang pangalan ko, ang importante, hindi niyo na siya masaktan pa," mariin kong sabi sa kanila pero tumawa na lamang sila. Wala naring buhay ang babae sa mga kamay ko nang tingnan ko ito. “Look at her, you killed her!" sabi pa nila sabay tawa. Punong-puno narin ng dugo ang uniporme ko ngayon. Tanging mga patak ng mga luha ko sa mukha ng babae ang naririnig ko. “Stop that Brenda, tara na Cass, pabayaan mo na sila," kinaladkad agad ako ni Belle patungo sa isang locker room, "Mamamatay tao sila. Hindi nila dapat yun ginawa Belle, at hindi ko dapat hinayaang mamatay ang babaeng yun," humagulhol na ako sa iyak. Hindi ko mapagtanto na sa mga kamay ko pa mismo mamamatay ang babae, "Here, maligo ka muna doon at isuot mo 'to," binigyan niya ako ng uniporme at tuwalya. "Ano nang mangyayari sa kanilang tatlo, Belle?" hindi parin ako mapakali sa mga pangyayari, "at bakit parang wala lang sayo na pinatay nila ang babaeng yun?" dagdag ko pa. “Bata pa ako, palagi nang sinasabi sa akin ni Dad na kapag tumuntong ako ng kolehiyo at makapasok dito sa paaralan na 'to, hinding-hindi raw dapat ako mangingi-alam sa ibang mga estudyante dahil napakadelikado ng maaring mangyari. Anak ng mga makapangyarihang negosyante at mga politiko ang tanging nakakapag-aral dito, marami ring sabi-sabi na pati anak ng mga drug dealer sa bansa ay dito rin nag-aaral," paliwanag niya pa. "Pero hindi parin yun tama ang ginawa nila Belle. Alam mo yun!" “If you don't cheat your life, your life will cheat on you. Tandaan mo yan Cassandra," sabi siya sabay labas ng locker room. Hinubad ko na ang uniporme kong punong-puno ng dugo at naligo. Agad narin akong nagbihis at pumunta sa labas ng locker room. Pero nagulat naman ako ng nakita ko si Brenda na kausap si Belle, kaya nagtago muna ako sa likod ng pinto. Ano kayang pinag-uusapan nila? "Kanina ka pa ba diyan Cassandra?" nagulat naman ako ng makita kong nandito na sa harapan ko si Belle, "Hmm hindi naman Belle, tara na?" sabi ko at pilit na ngumiti. Nang makarating kami sa mall ay agad niya akong dinala sa mamahaling restaurant at kumain, pagkatapos ay bumalik na kami sa school. Anong subjects natin ngayong hapon, Belle?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, "Music and Philosophy," sagot niya naman. Pagkatapos ng klase ay naunang umuwi si Belle dahil sinundo siya ng kanyang driver kaya mag-isa ako ngayong uuwi sa bahay ngayon. Habang naglalakad ako sa hallway ng paaralan palabas ay nadaanan ko ang lugar kanina kung saan pinatay ang babae. Parang wala lang nangyari dahil sobrang linis ng paligid, kahit bahid ng dugo wala ring akong mahagilap. Agad ko namang natandaan ang mga sinabi ni Belle kaya deri-deritso akong naglakad palabas ng paaralan. Nakita ko agad si Luke na naglakad sa ibang bahagi ng daan. "Teka, hindi dito ang daan patungo sa bahay nila ah," pabulong ko sa aking sarili. Napakagat labi na lamang ako ng mapagtanto kung bakit alam ko kung saan nakatira si Luke. "Bahala na, basta gagabayan ko parin siya kahit nandito na ako sa mundo ng mga mortal," sinundan ko agad kung saan pupunta si Luke. Nakarating naman ako sa isang lumang sementeryo, lugar kung saan inilibing ang kanyang lola. Pinagmasdan ko siya mula dito sa pinagtataguan kong maalikabok na pader sa labas ng sementeryo. "Cassandra?" napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ko. Nasa harapan ko ngayon ang dalawang estudyante mula din sa paaralan na pinapasukan ko. "Hmm bakit?" pagtataka kong tanong sa kanila, "Ikaw yung dapat tanungin namin kung bakit ka nagtatago diyan?" pahayag ng isang babae kaya napatayo na lamang agad ako. "Ah ano kasi, uhmm yung ano may pusa kasi kanina dito mahilig kasi ako sa pusa kaya hinanap ko kung nandito pa ba," palusot ko namang sabi sabay kamot ng ulo ko, "Ganun ba, sige Cass mauna na kami malapit narin kasing dumilim eh," wika nila at agad nang naglakad palayo. Lumingon agad ako sa kinaroroonan ni Luke pero wala na siya doon. Makulimlim din ang kalangitan kaya napag-isipan ko na lamang na umuwi, "Ano ba naman 'tong kalokohang ginawa ko, sasakay pa naman ako ng tren," pabulong kong sabi. Dali-dali akong naglakad patungo sa estasyon ng tren dahil nag-uumpisa nang pumatak ang ulan, "Great! Now my whole body is soaked with water," napatakip na lamang ako ng bibig sa mga katagang nabitawan ko. "Okay ka lang?" napatingin naman ako sa taong katabi ko, "Oo, ayos lang ako," sabi ko sabay lakad palayo sa lalaki. Puro kasi itim yung damit niya pati yung payong niyang dala, hindi ko rin maaninag yung mukha niya kaya natakot ako dahil baka ano pang gawin sa akin. Ilan nalang kasi kami ditong nagbabantay ng tren dahil narin sa panahon. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga. Alam ko kasi na sa pagpasok ko sa bahay ay malilintikan talaga ako. Nang pinihit ko ang doorknob ay agad na tumambad sa akin ang galit na galit na mukha ni Tiya Linda. "Magandang gabi Tiya Linda," bati ko sa kanya. Ilang segundo pa ay agad niyang hinawakan ang buhok ko at sinabunutan gayundin, ang pagsampal niya sakin ng pagkalakas. "Dis-oras na ng gabi pero ngayon ka lang dumating. Hindi mo ba alam na gutom na gutom na ako dito sa kakahintay ng pagkain? Wala ka talagang ka kwenta-kwenta," galit niyang sabi sabay hampas sa akin sa sahig. Iyak lamang ako ng iyak sa p*******t niya at sa mga binibitawang niyang salita pero hindi manlang ako makagalaw para dipensahan ang aking sarili. "Anong tini-tingin mo diyan? Hindi ka pa ba magluluto ng hapunan?" akma na niya sana akong hampasin pero agad akong tumayo at dali-daling tumungo sa kusina. Nilagay ko muna sa mesa ang aking bag. Kahit na basang-basa ako ay inuna ko munang magluto ng makakain namin ngayong gabi. "Cassandra!" tawag sakin ni Tiya Linda, "Po?" sagot ko habang naghuhugas ng mga gulay. "Hindi makakauwi ngayon ang Tiyo Gilbert mo, kaya bukas ng umaga ikaw ang pupunta sa palengke para mamili, naiintindihan mo ba ako?" pahayag niya. "Opo Tiya." Pagkatapos naming kumain ay tumungo na ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Sabi kasi ng Ina ni Luke, kapag nabasa ka ng ulan ay agad kang maligo para hindi ka lagnatin. "Haring Kupido nawa'y gabayan mo ako dito sa mundo ng mga mortal," bulong ko bago matulog. Nagising naman ako sa ingay ng malakas na ulan at kulog sa labas ng bahay. Agad akong tumingin sa orasan at nang makita kong malapit na sa alas-kwatro ay napabalikwas agad ako sa aking higaan at naligo, "Nako naman, mamamalengke pa pala ako," wika ko sabay kamot ng ulo. Nagbihis na ako at lumabas ng pinto dala-dala ang limang-daang piso at asul na payong. "Bumili ka ng isang kilong baboy, repolyo, kamatis, saging, mantika, itlog, daing atsaka paminta. Wag mo 'rin palang kalimutan ang pandesal kay Aling Martha," Madilim pa at sobrang lakas ng ulan kaya nangamba ako na baka ilang segundo ay may makakasalubong akong malaking aso o kaya naman masamang tao. Dali-dali akong naglakad sa masikot na daang puno ng mga basura at dumi. Naaninag ko naman ang isang bahay na nakabukas na ang ilaw na tila ba ay puno ng mga taong lasing, "Nako naman, sabi ko na nga ba eh," nakita kong umiinom ang apat na naglalakihang mga lalaki na puno ng tattoo sa katawan. Binilisan ko ang paglakad dahil baka ano pa ang mangyari sa akin, "Teka lang ganda, hinay-hinay lang sa paglakad," napahinto naman ako dahil hinarangan ako ng isa ka kanila. "Nagmamadali ka yata, Miss," dagdag pa ng isa, "Opo, nagmamadali nga po ako. Pasensya na mauna na ako," aalis na sana ako ngunit nahawakan ng isang lalaki ang braso ko, "Bitawan mo ako," pagpupumiglas ko. "Dito ka na muna sa amin ganda," wika ng lalaki sabay ngiti ng nakakaloko. Hinampas ko siya sa leeg gamit ang aking payong sabay tadyak sa kanyang p*********i at mabilis na tumakbo. Narinig ko namang sumigaw ang lalaki pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang papuntang palengke. Pag-uwi ko galing palengke, ibang daan ang tinahak ko para hindi na mag krus ang aming landas ng mga lasing kanina. Hindi rin ako natatakot dahil baka hindi rin naman ako nila namukhaan. "Bakit ngayon ka lang Cassandra? Kanina ko pa hinihintay yang pandesal mong dala. Bilis! Magluto ka na doon dahil ako'y nagugutom na," bungad na pahayag ni Tiya Linda ng makarating ako sa tapat ng bahay, "Tiya kanina noong umalis ako mula dito sa bahay may bumangga sakin na mga lasing doon sa kabilang kanto," mangiyak-ngiyak kong sabi sabay abot ng pandesal. "Ang landi mo talagang bata ka, kung hindi ka nagpapansin, hindi ka rin nila papansinin," sagot niya sabay pasok sa bahay. Naiwan akong nakatulala dito sa labas, bitbit ko pa ang mga pinamili ko sa palengke. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang sasabihin sa akin ni Tiya Linda. Pagkatapos kong magluto ay nagsuot na ako ng uniporme at nagpaalam kay Tiya Linda. "Aalis na po ako Tiya Linda," wika kong habang nakatayo sa tapat niya. Nanonood kasi siya ng balita sa TV. Hindi niya ako pinansin na para bang wala siyang narinig, "ah Tiya yung baon ko pala," dagdag ko pa. Napatingin naman siya sakin na para bang galit. "Wala dito ang Tiyo mo, sa kanya ka manghingi ng baon. Alis na," sagot niya at binaling ulit ang diwa sa pinanonood niya sa TV. Umalis na ako na walang dalang pera o pagkain, "Maglalakad ako nito patungo sa school," wika ko sabay alis ng bahay. Pagod na pagod ako ng makarating sa school. Malapit isang oras din akong naglakad dahil sa layo ng paaralan mula sa bahay, "Cass! Cass!" napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Belle. "Ba't ngayon ka lang dumating? Magbibigay daw si Professor Lopez ng quiz bukas about the book that was written by Grant Allen, and guess what I've found in myself today? I love to read novels." Dagdag pa niya sabay kuha ng libro sa bag niya. "Falling In Love." Basa ko sa librong hinahawakan niya, "Yup! This book is really amazing Cass. Kung naabutan mo lang sana yung klase ni Sir," ngumiti nalang ako at nagpatuloy na naglakad patungo sa susunod naming klase. "Bakit ka nga pala na late kanina, Cass? Was there something wrong happened back in your house?" bigla namang tanong ni Belle na ikinatigil ko, "Alam mo ba kung saan nakalibing ang mga katawan ng magulang ko?" tanong ko rin na ikinagulat niya. "Talaga bang kahit ang mga magulang mo nakalimutan mo narin, Cass? Ano ba talagang nangyari sayo?" sabi niya sabay hawak ng magkabila kong balikat, "Hindi ko nga rin alam Belle, para akong ligaw na kaluluwa na walang maalala kahit na ano," yumuko naman ako at bumuntong hininga. "Hmm, and to answer your question kanina, hindi ko alam kung saan nakalibing ang mga magulang mo kasi simula ng magkakilala tayo, umi-iwas ka kaagad kapag tinatanong kita tungkol sa kanila," sagot niya pa, "Talaga?" pagtataka kong pahayag. "Tara na, baka ma late pa tayo sa susunod nating class," hindi ko nalang pinansin ang mga tanong na bumabagabag sa isip ko at nagpatuloy na sa paglakad. Pagkatapos ng klase ay nauna na akong umuwi dahil wala rin naman akong pera pambayad sa tren. Habang naglalakad ako sa isang kanto papunta sa bahay, ay maayroon namang isang babae na humarang sa akin. "Cassandra!" tawag niya sabay lapit sa akin, "Bakit po?" kunot-noo kong sabi, "Kamusta ka na? Sinasaktan ka parin ba ng mga kasama mo diyan sa bahay niyo?" tanong niya sakin na ikinagulat ko. "Hindi naman po. Sige mauna na ako," dali-dali akong naglakad palayo sa babae. Parang hindi kasi mapagkakatiwalaan ang itsura. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko sina Tiyo at Tiya na nanonood ng teleserye sa TV. "Magluto ka na ng hapunan, Cassandra," pambungad na sabi ni Tiya Linda. Parang ganito na yung araw-araw kong parusa dito sa mundo ng mga tao. Tatanggapin ko itong lahat para makabalik na ako. Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at pumunta sa silid ko para maghanap ng kung ano para malaman ko ang nangyari sa mga magulang ko o magulang ng ginagamit kong katawan, "Nakakalito naman. Paano kaya kung gamitin ko yung kapangyarihan ko para malaman ko kung ano ang mga nangyari bago pa ako dumating dito?" wika ko pa sa sarili ko. May nakita naman akong dilaw na kahon sa ilalim ng cabinet kaya agad ko itong kinuha. Nasa loob nito ang mga litrato ko at litrato ng isang babae kaya nagtaka ako, "Sino naman 'to?" parang kasing-edad ko lang ang babae, "Ibigay mo sakin yan," nahulog naman ang kahon ng bigla itong binuklas at kinuha sa akin ni Tiya Linda. "Sino po yang kasama ko sa litrato, Tiya?" tanong ko pa sa kanya, "Wala!" sabi niya at agad na lumabas sa silid ko. Alam kong may tinatago sila sa akin na dapat kong malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD