Kabanata 3: Hints Everywhere

2007 Words
Halos dalawang linggo narin ang pamamalagi ko dito at natutunan ko naring makisama sa mga taong nakakasalamuha ko. Si Tiyo at Tiya Linda, ganoon parin, pero hindi ko parin tinitigilan ang paghanap sa libingan ng mga magulang ko pati narin ang babaeng kasama ko sa litrato. Si Belle, naaadik na sa pagbabasa ng mga libro. Si Luke, palagi ko paring binabantayan pero ibang Luke ang nakakasama ko ngayon dahil napakabait niya. “Then I'll come back to you, oh Larry Evans such an angel of ideas," napatigil naman ako sa pagkain dahil sa mga sinasabi ni Belle. Kakatapos lang ng klase namin and lunch time ngayon kaya nandito kami sa student building para kumain. "Magbabasa ka lang ba diyan o kakain ka ng lunch?" wika ko naman kaya napatawa siya, "You are really back, Cass. Anyway, I have noticed something between you and Luke. Is there something going on with the two of you?" bigla namang napataas ang kilay niya. "Wala naman. Ano bang ibig mong sabihin?" pagtataka kong tanong, "I think, you like him." Nasamid naman ako sa mga sinabi niya kaya napatigil ako sa pagkain. "What? Walang nangyayaring ganoon," ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at sabay na umiwas kay Belle. "Hi Belle! Hi Cassy!" napatingin naman ako sa mga taong tumawag sa amin ni Belle sa bandang likuran niya, "Oh, kayo pala Abby, Jess. Umupo kayo rito," wika pa ni Belle habang pinipilit kong kilalanin silang dalawa. "Ilang linggo narin tayong hindi nagkita ah," wika ng lalaking si Jess. Maputi at matipunong lalaki na nakasuot ng salamin, "Oo nga Jess, busy rin kasi tayo sa kanya-kanya nating mga buhay. Nga pala kamusta na kayong dalawa?" tanong ni Belle na parang silang tatlo lang yung taong naka-upo dito sa mesa. "We're doing better. Anniversary nga namin noong nakaraang araw, binigyan ako ng Mom ni Jess ng necklace." Pinakita ni Abby ang gintong alahas na nasa leeg niya. "That's pretty! Kami naman ni Cass ay nag-aaral ng mabuti dahil baka ma move yung midterms before Christmas break and that would be awful." "Nag-aaral o nagbabasa?" biro ko naman sabay tawa. Habang nagtatawanan kami ay biglang pumasok sa isipan ko ang mga alaala na kasama ko sina Abby at Jess. "Cassandra!" tawag ng isang pamilyar na boses, "Luke?" nagtaka naman ako kung bakit siya pumunta dito samin. Kinurot naman ako ni Belle sabay kindat. "Can we talk? It is about the upcoming camp," pahayag niya, "Hmm, sige na Cass. Hihintayin ka nalang namin dito," dagdag pa ni Belle. Tumayo na ako at sinundan si Luke. Nakarating kami sa Faculty room at nadatnan naming kumakain ang mga Professors, "Excuse me! Nandito na kami Sir," wika ni Luke kaya napatingin sa'min ang mga guro. "Why are you together Mr. Rodriguez and Ms. Madeléine? You two seem to be ignoring one's presence if I'm not wrong," wika naman ni Professor David, guro namin sa Music. "Don't be harsh to my students, David. Magiging partner sila ngayon because after exam ay magkakaroon ng Summit Camp sa December," ani ni Professor David. Napakunot-noo na lamang ako sa narinig ko. Napatingin agad ako kay Luke, "Anong summit camp?" pagtataka kong tanong sa kanya ngunit tiningnan niya lang ako at umiwas na ulit. "Mr. Rodriguez, Ms. Madeléine, ito ang reviewer para sa quiz bee, kailangan pag-aralan niyo yan ng mabuti," wika ni Professor David sabay bigay ng isang makapal na handouts sa amin. "Thank you, Sir!" pahayag ni Luke at tumayo na sa kinauupuan. Sumunod naman ako sa kanya, "Luke, teka lang! Bakit tayo ang pinatawag ni Professor David?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalakad at lumingon sa kinaroroonan ko, "You're acting weird these days, Cass. Ano bang nangyayari sa'yo?" kunot-noo niyang tanong sa'kin. Napa-isip naman ako bigla, "Wala naman. Gusto ko lang itanong," nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi niya ako pinansin at deritso nang naglakad sa hallway. "Hoy, paano ako mag-aaral niyan kung nasa sa'yo ang reviewer?" sigaw ko sa kanya ngunit parang wala siyang narinig kaya hinayaan ko nalang at bumalik na sa kinaroroonan nila Belle. Pagkatapos ng klase namin ay niyaya ko si Belle na samahan ako sa lugar kung saan nakalibing ang mga magulang ko. Habang abala kasi ako sa paglilinis ng bahay namin noong nakaraang araw ay may nakita akong kahon kung saan nakapaloob ang litrato at lugar kung saan inilibing ang aking mga magulang. "Haybridge Cemetery," basa ni Belle sa isang malaking gate sa harapan namin ngayon, "Bakit tayo nandito Cass? libingan ito ng mga kilalang tao sa bansa natin. Huwag mong sabihin na isang makapangyarihang tao ang mga magulang mo?" pagtataka niya pang tanong. Kahit ako ay hindi makasagot sa kanyang tanong kaya pumasok na lamang kami sa loob at hinanap ang kanilang puntod, "Belle, malamang ito na 'yon!" wika ko at lumapit sa dalawang magkatabing puntod. "Carmine Madeléine, Louis Madeléine. Ito nga ang mga magulang mo, Cass!" hindi makapaniwalang pahayag ni Belle, "Alam mo, mukhang marami talagang itinatagong sikreto 'yang mga nag-aalaga sa'yo ngayon," sabi pa ni Belle kaya napatingin ako sa kanya. "Gan'on nga rin ang iniisip ko ngayon eh. Kailangan malaman ko talaga kung anong nangyari sa mga magulang ko," wika ko sabay tingin sa kanilang lapida. Taong 2008 sila namatay. "Kung dito inilibing ang mga magulang mo, bakit hindi ko manlang narinig ang family name niyo na isa sa makapangyarihang pamilya sa bansang ito?" nakakunot-noo niyang tanong. "Hindi ko alam, Belle. Kailangan na nating umuwi tara na," lumabas na kami ng sementeryo at umuwi. Nang makarating ako sa bahay ay agad kong nadatnan ang aking Tiya Linda na nanunood ng TV. "Cassandra, magluto ka na ng hapunan dahil kanina pa ako nagugutom," bungad na wika sakin ni Tiya, "Opo, magpapalit lang ako ng damit sa kwarto," hindi na niya ako pinansin kaya tumungo na ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay agad kong nilisan ang kusina at dali-daling naglock sa kwarto ko. Alam kong hindi narin naman ako sisigawan ni Tiya Linda dahil wala na naman siyang kailangan. Hindi parin naka-uwi si Tiyo Gilbert na hindi ko alam kung saan pumunta kaya medyo tahimik ang buong bahay. Inilabas ko na ang lumang kahon na nahanap ko sa silid nila Tiya Linda. Tinago ko ito dahil baka mahuli nila ako, alam ko naman kasi na may tinatago sila sa akin. Nang binuksan ko ito ay bumungad sa akin ang mga lumang papel at mga litrato. Nakita ko ang litrato namin ng mga magulang ko kasama ang isa pang babae na nakita ko rin noong isang linggo. Magkahawig din kami kaya napagtanto kong kapatid ko siya. Kung kapatid ko ang babaeng 'to, nasaan siya ngayon? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Kailangan ko talagang malaman kung ano ang nangyari sa mga magulang ko. Kinuha ko ang isa sa mga papel at nakita ko ang will & testament na nilagdahan ng isang Romero Adecer, isang abogado. Ibinalik ko na muna ang mga papel sa kahon. Bukas ko nalang ito babasahin lahat kasama si Belle sa school. "Ibig sabihin itong will & testament ng mga magulang mo ay itinago sa'yo?" di-makapaniwalang sabi ni Belle. Nasa room kami ngayon, vacant time rin naman namin. "Marahil ay gan'on na nga. Nakuha ko ito sa kwarto nila Tiya, mabuti nga at hindi ako nahuli dahil siguradong lagot na naman ako kapag nalaman nilang nasa akin na ito ngayon," nababahala parin kasi ako dahil baka malaman nila ang mga ginagawa ko. "Sandali, pamilyar sakin 'tong babae na kasama mo sa litrato ah," biglang tigil naman ni Belle. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot, "Oo, si Celestina Verde. Ang nag-iisang anak ng may ari ng pinakamalaking jewelry business dito sa bansa," gulat niyang wika. Halos hindi rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kay Belle, "Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Belle?" pagtataka kong tanong sa kanya. Baka kasi magkamukha lang yung Celestina at ang kasama ko dito sa litrato. "Hindi ako pwedeng magkamali, Cass. Ilang beses ko na siyang nakita sa mga gatherings sa kompanya. Mas matanda rin siya sa atin ng ilang taon, hindi nga lang halata sa kanyang mukha dahil para siyang bata," wika pa ni Belle. Halos hindi ako maka-imik sa mga nalalaman ko ngayon. Napakakomplikado masyado ng buhay na pinasok ko dito sa mundo ng mga tao. "Cass, makinig ka sakin. Huwag kang mag-alala dahil mamaya pag-uwi ko sa bahay, kakausapin ko si Mom about sa pamilya ng mga Verde, baka may koneksyon ka sa kanila. I will help you, okay?" nakagiting pahayag ni Belle sabay pat sa balikat ko. "Salamat talaga Belle ha, hindi ko kasi talaga alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon," tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. "Sige na, kanina ka pa hinihintay ni Luke oh. Magrereview pa pala kayo para sa darating na summit camp. Excited na nga ako eh," tumili naman sa tuwa si Belle ng maalala ang tungkol sa summit camp. Tumungo na ako sa kinaroroonan ni Luke na kanina pa nakasimangot, "Bakit ngayon ka lang? Hindi ba na 3:00pm ang usapan natin?" walang-ganang pahayag ni Luke sakin. Chineck ko naman agad ang oras at napatingin nalang sa kanya. "Grabe naman 'to. Ilang minuto lang akong late, galit na galit?" biro ko naman sa kanya. Hindi na niya ako pinansin at binuksan na ang makapal na handouts at nag-umpisa nang magbasa. Habang nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ay hindi ko namalayang kanina ko pa pala siya tinititigan, kaya nagulat ako ng bigla nilang initiklop ang handouts. "Anong gusto mong pag-aralan, ang reviewer o mukha ko?" tanong niya sakin sabay lapit ng mukha niya. Ilang agwat nalang at halos magdikit na ang aming ilong. Napa-iwas naman agad ako ng tingin, "Anong pinagsasabi mo diyan, may naalala lang ako at hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sayo," palusot ko naman. Napangiti naman siya ng nakakaloko, "Huwag mong sabihin na nahuhulog ka na sakin? Akala ko ba ako yung pinaka-ayaw mong tao sa mundo, pero bakit ngayon halos sundan mo na nga ako kung saan ako pumupunta?" wika niya sabay akbay sakin. Tumayo naman agad ako para maka-iwas sa kanya. Nagiging abnormal narin ang nararamdaman ko kaya minabuti ko nang lumayo. "Bilis niyo namang matapos ni Luke," wika naman ni Belle habang naglalaro sa cellphone niya, "Nakakainis kasi siya eh, nawalan tuloy ako ng gana mag review," sagot ko sabay baon ng ulo ko sa desk. "Hindi parin talaga maalis sa'kin ang mga nalaman ko ngayong araw. Alam mo yun, tila ba sobrang dami ko pang dapat malaman tungkol sa sarili ko," wala sa sariling hinaing ko. Napatigil si Belle sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin, "Ako rin, girl. Sa ilang taon nating magkasama, ngayon lang ako nag doubt sa pagkatao mo. Nakilala kitang isang scholar at matalinong tao pero ngayon hindi ko alam, I think you're more than that," pahayag niya. Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga pangyayari. Lumabas narin kami ni room ni Belle dahil hapon na, "Cass, mauna na 'ko sayo ha. We have a family dinner with a client ngayon eh. Ingat ka!" sumakay na si Belle sa kanilang sasakyan at tiningnan ko na lamang ito hanggang sa hindi na maabot ng aking paningin. Nag-umpisa narin akong maglakad patungo sa istasyon ng tren. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan kong may kausap sila Tiyo at Tiya Linda sa loob, "Cassandra, nandito ka na pala. Pumunta ka muna sa kwarto mo," sabi ni Tiyo Gilbert. Bago ako tumungo sa kwarto ko ay sinulyapan ko muna ang kausap nila. Isang babaeng nasa mid-40's na, punong-puno ng mga alahas ang kanyang katawan. Halatang mayaman at makapangyarihan ang babae kaya nagtaka na ako kung bakit siya nandito sa bahay. Hindi kaya may kinalaman siya sa tunay kong pagkatao? Nagbihis na lamang ako at nagkulong sa aking kwarto ng ilang minuto. Nang mapansin kong tahimik na sa labas ay lumabas na ako, "Cassandra, kumain ka na ng hapunan," pahayag ni Tiyo Gilbert. Hindi naman ako pinapansin ni Tiya Linda kaya tumungo na lamang ako sa kusina para kumain. Haring Kupido, tulungan niyo naman po akong maghanap ng mga sagot sa mga katanungang bumabagabag sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD