Kabanata 27: Normal Day Ahead

1097 Words

"Congrats, Frenny!" bati naman sa akin ni Belle ng makarating ako sa school. Nang makita ko kasi ang result kanina agad akong nag text sa kanya na nakapasa ako. "Thank you, Frenny," sagot ko. Inikot ko naman ang paningin ko sa buong classroom at hindi ko naaninag si Luke. Mas nauna kasi akong umalis sa kanya kanina sa bahay ng mga Pedregosa. Ayoko rin namang makausap siya dahil mas lalo lang akong maiilang kaya mas mabuti na nga itong wala pa siya. Napatingin din si Belle sa paligid dahil sa ginagawa ko. "May hinahanap ka, Frenny?" tanong niya. Napa-iling agad ako at napa-upo nalang sa desk ko. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko pa ba kay Belle ang natanggap kong text galing kay Luke kagabi. Napa-ayos naman kaming lahat ng pumasok sa loob si Professor David. "Good morning class!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD