AJ POV "AJ?! Na-miss kita." Sabi niya habang yakap ako. Niyakap ko siya pabalik pero napabitaw na rin ako nang mapansin ko ang masasamang tingin na nakatingin sa'min. "Musta ka na? Halos dalawang taon na rin kitang 'di nakita." Masayang sabi niya sa'kin. "Oo nga eh. Ikaw nga ang biglang 'di nagparamdam." Sabi ko naman at natuwa sa kanya. Napatigil naman ako nang may biglang tumikhim sa tabi namin. At nakita ko naman na medyo naiipit siya sa pwesto niya dahil sa'min. "I didn't know that you had a guy friend." Kunot-noong sabi ni Matthew habang masamang nakatingin kay Andrew. "Hey Bro. Magkakilala pala kayo nitong si AJ." Natutuwang sabi ni Andrew. "Siya ba 'yung sinasabi mong kaibigan mong si Drew? 'Yung naikwento mo sa'kin 'nung nakaraan?" Tanong ko sa kanya. "Yeah. He's the one."

