AJ POV "K-Kuya A-Andy... A-Ano ba---" Bago pa niya tuluyang ilapit 'yung mukha niya sa'kin ay bigla siyang tumawa ng malakas habang hawak pa niya 'yung tiyan niya. "Tignan mo mukha mo, AJ! Nakakatuwa! Hahaha!" Pang-aasar niya habang patuloy na tumatawa. "Ano bang nakakatawa 'dun?! Hindi 'yun nakakatawa!" Sigaw ko sa kanya sabay palo ko sa kanya ng malakas. Tumayo na ako at aalis na sana nang hilain niya ako paupo. "Sorry na. Haha! Chill ka na d'yan. 'Di ko na uulitin." Sabi niya nang nagpipigil pa rin ng tawa. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagmasdan nalang 'yung ilog na medyo lumalakas na rin ang pag-agos ng tubig. "Hindi ka pa rin nagbabago. Hanggang ngayon ba pipigilan mo pa rin akong gustuhin ka?" Pagbasag niya ng katahimikan. Matalik kong kaibigan si Kuya Andy mula pagka

