AJ POV
Nandito kami sa kotse at tahimik na hinihintay na makauwi na ng bahay. Medyo hindi na rin ako mapakali baka kung ano nang nangyari sa kapatid ko.
"Aiden." Tawag ni Matthew sa tabi ko at hinawakan 'yung kamay ko.
"Calm down. Makakauwi ka rin." Sabi niya at napahigpit naman ako ng kapit sa kamay niya hindi dahil sa nilalamig ako kundi mas gumaan 'yung pakiramdam ko.
Pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at pinahiga sa may dibdib niya. Hihiwalay na sana ako pero mas hinigpitan niya 'yung yakap niya.
"Nilalamig at nanginginig ka dahil sa nabasa ka ng ulan." Hinimas niya 'yung buhok ko. "Huwag kang mag-alala hanggang sa makarating lang tayo sa bahay niyo. At isa pa, malapit na rin tayo."
Dahil 'dun ay yinakap ko na rin siya dahil sa init ng katawan niya. Kinuha niya naman 'yung isa kong kamay at hinihimas 'yun.
I feel warmed.
"Ano bang nangyari sa kapatid mo at ganyan ka nalang mag-alala? If you don't mind me asking." Tanong niya habang hinihipan 'yung kamay ko para uminit.
Hindi ko na mapigilang mapaangat ng tingin at mapatitig sa kanya habang ginagawa niya 'yun. Hindi ko rin alam pero napangiti ako.
"Mataas ang lagnat ni Jake dahil naulanan siya kanina. Sakitin siya kaya kahit konting patak lang eh magkakasakit na siya." Sagot ko sa kanya.
"Parehas kaming hindi hawak ang susi ng bahay kaya mas lalong tumaas lagnat niya dahil sa lamig." Dagdag ko pa.
"Wala ba kayong backdoor? O ano mang pwedeng pasukan." Umiling naman ako sa tanong niya.
"Bago kasi umalis si Mama ay sinisiguro niyang lock lahat ng pinto ng bahay. At wrong timing pa dahil parehas na pumuntang probinsya sila Mama at Papa ngayon ng biglaan dahil may nangyaring masama kay Lola." Dagdag ko pa.
Maya-maya ay natahimik na naman kami na nasa ganun pa rin ang posisyon. Medyo nagugustuhan ko rin naman siyang yakapin.
"Aiden." Napaangat ako ng tingin sa kanya nang tawagin niya ako.
"Hmm?"
"Sorry kung 'di ko naibalik 'yung susi mo." Sabi niya at humigpit 'yung kapit niya sa kamay ko.
Napatawa naman ako konti sa kanya hindi dahil sa sorry niya kundi sa cute niyang pag-iwas ng tingin.
"What?" Nahihiya niya pang tanong sa'kin.
Pero hindi ko alam pero napatitig ako sa mukha niya dahil sa pasa niya dahil sa'kin. Mukhang napalakas nga siguro ako 'dun.
Pero mas kapansin-pansin 'yung mapupungay niya na mata. Mahaba niyang mga pilik-mata at ang kulay kayumanggi niya mga mata. Matangos na ilong, mapulang labi, at 'yung itim na itim na buhok. It's just perfect!
"Your cute." Sabi niya. Hindi ko namalayan na nakatitig na rin pala siya sa'kin.
Pero mas nagulat ako nang bigla niyang halikan tungki ng ilong ko dahilan nang paghiwalay ko sa pagkakayakap sa kanya. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko.
"You're even cuter when blushing, baby." Pang-aasar niya at pinisil niya mga pisngi ko.
Napatigil naman kami nang may tumikhim.
"Ehem! Sir, Ma'am andito na po tayo. 'San ko po kayo ibababa?" Nakangiting tanong nung driver sa'min.
Mas lalo naman akong namula. Ngayon ko lang narealize na may kasama pa pala kami dito sa kotse. Nakakahiya!
"'D-Dun nalang po sa may pangalawang bahay, Manong." Nahihiya kong sabi kay Manong Driver.
Bago pa kami tuluyang makababa eh may sinabi pa si Manong driver.
"Bagay kayo. Nawa'y kayo hanggang sa dulo. Magpakatatag kayo." Sabi niya.
"Oo naman po. Invited kayo sa kasal namin soon." Natatawang sagot naman ng kumag kaya't napalo ko siya.
Nagmadali naman na akong lumapit sa bahay dahil sa lakas ng ulan ngunit nagulat ako dahil nakita kong nakasalampak na si Jake sa may sahig.
"JAKE! Jusko!" Inupo ko siya ay inaalog.
"Akin na siya. Buksan mo na 'yung pinto ng bahay niyo." Sabi sa'kin ni Matthew at binuhat niya si Jake.
Nagmamadali ko namang binuksan 'yung pinto ng bahay. At pinunta na agad namin siya sa kwarto niya.
"Kumuha ka ng mga damit. Bibihisan ko na siya." Utos sa'kin ni Matthew.
Kumuha naman ako agad at binigay sa kanya. At pumunta akong kusina para kumuha ng maligamgam na tubig. Tsaka ko ipinunta agad sa kwarto niya kasama ang bimpo.
"Magiging maayos din siya. Sige na, magbihis ka na rin muna baka ikaw rin ang magkasakit." Sabi niya.
Itinanong niya rin kung saan banda 'yung kusina. Magluluto daw siya para sa kapatid ko.
Mabilisang shower lang ang ginawa ko at nagbihis agad para makatulong ako sa chef na nasa baba. Nakakahiya din naman at siya pa ang magluluto.
Naamoy ko agad 'yung mabangong amoy na nagmumula sa kusina namin. Nakita ko naman agad ang chef na nagluluto.
Napansin ko naman na wala siyang damit pang-itaas at tanging apron lang 'yung suot niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa likuran niya.
He has a fair skin. Matangkad at may magandang katawan. Hindi rin makakatakas sa mata ang mga muscles niya.
"Damn, hot chef." Biglang sabi ng bibig ko kaya napatakip ako ng bibig.
Napalingon naman sa pwesto ko si Matthew at ngumiti sa'kin.
"Baby Aiden, tikman mo naman 'to." Pagtawag niya sa'kin.
"Stop calling me baby. Geez." Sabi ko pagkalapit ko. "Ano ba 'yang niluluto mo?"
"It's a macaroni soup." Sabi niya. "Niluto ko na since next month na expiration ng macaroni pasta niyo."
Hinipan naman niya 'yung soup at ipinatikim sa'kin.
"Hmm. Ang sarap." Sabi ko at kinuha 'yung kutsara at tumikim ulit. "Expected from a chef."
Paulit-ulit ko 'yung tinikman. Natigilan naman ako nang may tumawa sa tabi ko.
"You're really cute." Kinuha niya na 'yung kutsara sa kamay ko at tinakpan 'yung niluluto niya. "Hintayin nalang natin hanggang sa tuluyang kumulo."
"At ba't ka nakahubad?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Ayaw mo ba?" Pang-aasar niya at mas lalong lumawak 'yung ngisi niya nang tanggalin niya na 'yung apron na suot niya.
Damn, this guy is freaking hot. Those abs.
"You can touch it, baby." Sabi niya at natauhan naman ako nang mapansin kong nakatitig ako 'dun.
Umiwas agad ako ng tingin pero nagulat ako ng hilain niya 'yung dalawa kong kamay at inilapat 'yun sa mga abs niya. Damn. Ang tigas.
"You like it, baby?" Bulong niya sa tenga ko nang bigla niya akong hinapit.
Bago pa man ako malunod sa mga madumi niyang pag-iisip eh tinulak ko na siya at lumayo sa kanya.
"T-Tigilan mo nga ako! Magsuot ka ng damit!" Sigaw ko sa kanya habang ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.
"Nabasa mo iyong damit ko nung niyakap mo 'ko kanina sa may taxi." Sabi niya at pinakita ang basa niyang damit.
"Hoy! Ang kapal mo! Ikaw unang nangyakap sa'kin!" Sigaw ko sa kanya.
"Pareho na rin 'yun kaya basa ngayon 'yung shirt ko." Sabi niya.
"Edi sorry. Pahiraman nalang kita ng damit ng kapatid ko."
Aalis na sana ako nang bigla niya akong binuhat at iniupo sa mesa. Dahil sa gulat at napayakap ako sa kanya.
"Ano bang ginaga---"
"Sorry lang? Wala bang thank you?" Nang-aasar niyang bulong sa'kin at napatingin siya sa labi ko.
Nagsisimula na naman siyang akitin ako habang inilalapit 'yung mukha niya kaya napapalayo ako.
Bago pa man ako tuluyang mapahiga ay narinig naming nahulog 'yung kutsarang nasa tabi ko.
Dahil sa gulat ay napalayo na ako sa kanya.
"Luto na ata 'yung sopas." Sabi ko nang hindi makatingin sa kanya kaya natawa naman siya at ginulo 'yung buhok ko.
Nilagay na namin 'yung mga pagkain sa tray kasama 'yung gamot sa sakit ng ulo at ipinunta na sa kwarto ni Jake. Ipinasuot ko na rin sa kupal na chef 'yung nakita kong malaking damit ni Jake.
Nagising naman 'yung kapatid ko kaya kahit hirap siya ay kumain pa rin siya at pinainom na 'yung gamot niya pagkatapos.
"Sino siya, Ate? Boyfriend mo?" Nanghihinang tanong ni Jake habang turo si Matthew na nasa tabi ko.
"Oo, ako nga ang bo--- Aray! Ba't mo naman ako sinapak?!" Reklamo ni Matthew habang hawak 'yung pisngi niya. Inismiran ko nalang siya.
"Hindi ko siya boyfriend. Siya ang may kasalanan kung bakit 'di tayo makapasok ng bahay kanina." Sabi ko na ipinagtaka ni Jake.
"Oy! Nagsorry na nga ako eh tsaka kasalanan mo rin naman dahil 'di mo agad kinuha sa'kin." Balik niya sa'kin.
"Ano?! Gusto mo ulit masapak?" Sabi ko habang pinapapakita 'yung kamao ko.
"'Di ba ayaw nila mama na magboyfriend ka?" Tanong na naman ni Jake.
"Hindi ko nga siya boyfriend. Kakilala ko lang siya. Boyfriend siya ng Ate Gabby mo." Pagsisinungaling ko.
Magrereklamo pa sana si Matthew pero siniko ko siya para pigilan siyang makapagsalita pa.
"Tsaka siya 'yung bumuhat sa'yo papunta dito sa kwarto mo. At pinagluto ka rin niya." Dagdag ko pa.
"Ganun ba? Kung ganon, thank you po Kuya." Pasasalamat ng kapatid ko.
"Oo naman. Tsaka Kuya Matt nalang." Sagot niya. "Magpagaling ka para makapaglaro tayo minsan."
Napangiti si Jake at fist bump pa nga sila.
"'O siya! Sige na, magpahinga ka na para mawala na yang lagnat mo." Sabi ko sa kanya at inihiga siya.
"Saan sila Mama?" Tanong ni Jake kaya sinabi ko naman lahat sa kanya ang sabi sa'kin ni Mama.
"Goodnight na. Huwag ka munang maglalaro ng phone mo para mawala agad lagnat mo." Paalala ko sa kanya.
"Oo na. Goodnight. Goodnight din, Kuya Matt."
Lumabas na kami ni Matthew ng kwarto ni Jake pagkatapos.
"You have a cool brother." Sabi niya.
"Mabait yan kahit minsan medyo pasaway at maingay. Mula nang mamatay 'yung ate namin, ipinangako kong babantayan kong mabuti ang bunso namin." Nakangiti kong sabi.
"May kapatid ka pala. Sorry for what happened to her."
"Okay lang. Kahit papaano natatanggap na namin na wala na siya pero alam namin buhay pa siya sa mga puso namin."
Napatingin ako sa may bintana at nakitang hindi pa tumitila 'yung ulan at lalo pang lumakas.
"May bagyo ba? Ang lakas ng ulan." Bulong ko. Napansin kong nakatingin din si Matthew sa labas.
"Paano ka na makakauwi? Wala nang dumadaang sasakyan dito ng ganitong oras lalo na't umuulan. Kung meron man, sa kabilang barangay pa." Sabi ko nang makitang alas-otso na ng gabi.
"Edi dito nalang ako matutulog." Sabi niya nang may halong pang-aasar.
"Hindi pwede! Ano ka ba!"
"At bakit naman hindi pwede? Wala naman parents mo dito." Nakangisi niyang sabi at lumapit sa'kin.
"Tigilan mo nga ako! Umuwi ka na!" Sigaw ko sa kanya at lumayo nang hihilain niya sana ako.
"Malakas ang ulan at baka maaksidente pa ako dahil 'dun. At isa pa, hindi ko gusto 'yung pagsisinungaling mo sa kapatid mo na girlfriend ko 'yung kaibigan mo." Naiinis niyang sabi sa'kin.
"Bawal kasi talaga ako magboyfriend. 'Yun ang patakaran dito sa bahay. Kaya pasensya na kung 'yun ang nasabi ko. At isa pa, hindi naman talaga kita boyfriend o ano." Sabi ko sa kanya at umupo sa may sofa sa sala. Umupo din siya sa tabi ko.
"At bakit naman bawal? Hanggang sa makagraduate ka?" Tanong niya.
"Isa 'yung rason pero alam kong may iba pang dahilan kung bakit sobra nilang higpit sa'kin sa mga lalaki. At 'yun ang 'di ko alam." Sagot ko.
Nagulat ako nang bigla naman siyang lumapit sa'kin at niyakap. At 'di ko alam kung bakit 'di ko magawang itulak siya palayo.
"Whatever that reason is, para 'yun sa ikabubuti mo." Sabi niya at humigpit 'yung yakap niya.
Ramdam ko 'yung hininga niya sa may leeg ko at 'di ko alam pero nagugustuhan ko 'yung init niya.
"Baby? Bakit never kang nagpasalamat sa'kin? May problema ka ba 'dun?" Bulong niya sa'kin.
Hindi ko alam pero kusa nalang na gumalaw ang katawan ko at napaupo sa may lap niya. At hinila ko 'yung damit na niya palapit sa'kin.
"Aiden..." Tawag niya sa'kin.
Hindi ko na napigilan at hinalikan siya ng kusa. Humalik din naman siya pabalik sa'kin.
His lips. I want more.
"This is the gratitude that you want, baby." Bulong ko sa kanya hanggang sa bigla akong nawalan ng ulirat.