AJ POV
Ugh! Sakit ng ulo ko...
Napabangon ako habang hinihimas ang sintido ko dahil para itong pinupukpok sa sobrang sakit. Pero nagulat ako pagkamulat ko ng mga mata ko nang mapansin kong nasa ibang lugar ako.
"Huh?! Hindi 'to 'yong kwarto ko, ah? Sa’n ako?!" gulat kong sigaw habang natatarantang tinitingnan ang silid kung saan ako ngayon.
Paano ako napunta rito? Ano bang nangyare?
"Nasaan ba ‘yong phone ko?" tanong ko sa sarili ko.
Napatigil ako sa paghahanap ng phone ko nang napansin kong iba ang suot kong damit.
Teka! Ba't iba suot kong damit? Asan ba 'ko? Ang huli kong natatandaan eh inaya ako ni Gabby sa isang restaurant.
"Si Gabby! Asan na 'yong babaeng 'yon?! Lagot ako nito pagkauwi ko!"
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at napaupo sa kama at taimtim na nagdasal na sana hindi ako masyadong pagalitan pagkauwi ko mamaya.
Pero naputol ang aking seremonya nang may pumasok sa kuwartong tinutuluyan ko.
"Kamusta ka, hija? May masakit ba sa'yo?"
Nagulat ako sa pagpasok at paglapit sa'kin ng isang magandang ginang habang may dala siyang pagkain.
"Pinagluto kita ng sopas at dinalhan na rin kita ng gamot nang mawala 'yong hang-over mo,” sabi ng Ginang.
Inayos niya 'yong dala niyang pagkain sa may lamesa.
Napalapit naman ako sa kan’ya at umupo sa upuan.
"Nasaan at paano po ako napunta rito, Ginang?" tanong ko sa kan’ya.
"Tita Sally o Tita na lamang ang itawag mo sa’kin," natatawa niyang pakilala sa sarili niya.
"Dinala ka rito ng pamangkin kong si Matthew,” dagdag niya.
"Matthew?" nagtataka kong tanong sa kan'ya.
Sino naman kaya 'yon?
Bigla namang kumirot 'yong sintido ko nang may bigla akong maalala.
"Chef Matt? Ayos ka lang b--- P**a! Ba't may babae rito?"
"Hindi ko siya kilala. Bigla na lang siyang pumasok at tinulak ako. At ayan nagsususuka."
"Paano na 'yan Chef Matt? Hinimatay na ‘ata siya. Wala ba siyang kasama?"
"Sa’n mo 'ko dadalhin? Sino ka? Asan si Gabby?"
"Just sleep and rest. Wala akong gagawin sa'yong masama."
Nagulantang naman ako sa naalala ko kaya bigla akong napatayo.
"Hija? Ayos ka lang ba?" gulat na tanong sa'kin ni Tita Sally.
Hindi ko siya sinagot at napainom na lang ng tubig.
"Iyong M-Matthew po bang tinutukoy niyo ay si Chef Matt?" nahihiya 'kong tanong.
"Oo siya nga. Magkakilala ba kayo? Dinala ka niya rito mula sa restaurant dahil----"
"O-Okay na po, tita,” pagputol ko sa sinasabi niya dahil ayokong dinggin ang mga katangahan ko kagabi.
“Ano ka ba naman, Aiden Jean Garcia? Ano ba 'tong napasok mo? Nakakahiya ka!” pabulong kong sita sa sarili ko.
"May problema ba, hija?" nag-aalalang tanong ni Tita. Pero napailing na lang ako.
"Wala po, Tita." sagot ko at kinain 'yong inihanda niyang sopas.
"Pagtapos mo d'yan, inumin mo 'tong gamot para mawala ang sakit ng ulo mo. Titingnan ko lamang sa labas baka may customer. Tawagin mo lang ako 'pag may problema, hija," sabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
"Customer?" mahina kong bulong. Pero pinagpatuloy ko na lang munang kumain bago pa lumamig itong sopas.
Pagkatapos 'kong kumain ay ininom ko na 'yong binigay niya sa'king gamot.
'Musta na kaya sa bahay?'
Napatayo ako ng biglang pumasok sa isip ko na kailangan ko na palang umuwi. Malilintikan ako kila Mama nito eh.
“Sa'n na ba kasi 'yong cellphone ko? Tanungin ko na lang si Tita Sally sa labas.” kausap ko na naman sa sarili ko.
Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang isang guwapong lalaki.
"Hey. Are you alright? May masakit ba sa'yo?" tanong niya at bigla niyang sinipat 'yong noo ko.
Napatitig lamang ako sa kan’ya at gano’n din siya sa'kin.
"Layo," sabi ko sa kan’ya. Naintindihan niya naman agad at lumayo siya.
"Sino ka?" agad kong tanong sa kan’ya.
"Matthew," simple niyang sagot.
Siya pala ang nagdala sa’kin dito?
Tinalikuran ko na siya dahil bigla kong naalala ang kahihiyang pinaggagawa ko kagabi sa harap niya. Lalabas na sana ako nang bigla siyang may inabot sa'kin.
"I believe that this is your phone. Ibigay ko raw sa'yo sabi ng kaibigan mong si Gabby,” sabi niya at inabot sa'kin 'yong cellphone ko.
"Thanks," simpleng sagot ko at nag-aalanlangang bumalik muna roon sa inupuan ko kanina.
Pagkabukas ko ng phone ko ay tumambad sa'kin ang 48 missed calls at 39 messages na karamihan ay galing kila Mama at Papa.
'I'm doomed. Ito na nga ang sinasabi ko eh.'
Pagkabukas ko ng mga messages ay tumambad ang sari't saring mga mura at sermon mula sa mga magulang ko lalo na si Mama.
"May problema ba? Naiiyak ka ‘ata,” tanong ni Matthew.
Hindi ko pinansin siya at pinagpatuloy ang pagbabasa. Naiiyak na 'ko. Hindi ko alam kung uuwi pa ba ako o hindi muna.
Bago pa ako tuluyang umiyak ay tinawagan ko si Gabby. At buti na lang sinagot niya agad.
"Hello, Bessy! Musta tulog mo?" natutuwang sabi ni Gabby sa kabilang linya.
At bakit masaya itong gagang 'to?
"Sa’n ka? Ba't mo naman ako iniwan kagabi?!" sigaw ko sa kan’ya.
"Gaga! 'Di kita iniwan, ikaw ang nawala. Malay ko ba namang mage-eskandalo ka dun sa restroom ng mga boys, ‘no? Tsaka isa p---"
"Shhh! Okay na, ayoko nang maalala 'yon," pagpapatigil ko sa kan’ya.
"Epic fail ka rin kasi, Bessy! Si AJ lang malakas!" pang-aasar niya pa sa'kin.
"Manahimik ka nga! At isa pa malilintikan ako pagkauwi ko. Alam mo namang mapapagalitan ako, ba't mo pa kasi ako dinala roon sa restaurant?" Sita ko sa kan’ya.
"Oy! Oy! Teka lang, ah? 'Di ba pumayag ka naman?" sabi niya. "Speaking of mapapagalitan, tinawagan ko na mama mo kahapon at sinabing nakatulog ka rito sa bahay. Akala ko nga bigla siyang susugod dito sa bahay buti na lang umulan."
"Humanda ka raw pagka-uwi mo," dagdag niya na may halong pang-aasar.
"Huwag mo 'kong takutin!"
"Ibababa ko na, may kumakatok sa may pinto eh,” sabi niya.
Pero bago pa niya binaba ay may sinabi pa siya.
"Kwentuhan mo 'ko tungkol kay Matt, okay Bessy? Bye!" At tuluyan na niyang binaba ang tawag.
Hindi ko alam kung mas mae-stress ako sa pag-uwi ko o sa best friend kong baliw.
Napatayo ako at napansin ko namang nakahiga na si Matthew doon sa tinulugan ko at mukhang nakatulog pa 'ata.
Dahil wala naman na akong pakialam sa kan’ya ay naisipan kong umalis na.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa'kin, Missy?" dinig ko bago ko mabuksan ang pinto.
Missy?
Napalingon naman ako sa kan’ya at nagulat ako nang nasa may tabi ko na siya.
"Paano ka nakapunta rito?" gulat kong tanong sa kan’ya.
"Paa,” simple niyang sagot.
"Pilosopo," bulong ko.
"Hindi mo man lang ba ako papasalamatan?" taas kilay niyang tanong.
Aba! Mataray!
Tinaasan ko nga rin siya ng kilay.
"Paano kung hindi?" taas kilay ko ring sagot sa kan’ya.
"Then. Sisingilin nalang kita ng..." sabi niya habang dahan-dahan siyang lumalapit sa mukha ko.
"N-Ng? Anong sisingilin? Oy! Ilayo mo iyang pagmumukha mong kupal ka!" kinakabahan kong pagtataboy sa kan’ya habang tinutulak ko siya palayo.
Pero ngumisi lamang siya at mas inilapit pa 'yong mukha niya. Napasandal na lang ako sa may pinto dahil sa ginagawa niya. Mas nanindig ako at kinilabutan nang biglang dumako 'yong mga mata niya sa katawan ko.
Pero tuluyan ko na siyang natulak nang pareho kaming kaming nagulat sa pagkatok mula sa pinto. Hinila niya naman ako palayo sa pinto at siya ang nagbukas nito.
"Tita Sally,” casual lang na tawag sa kan’ya ni Matthew.
"Ininom mo na ba 'yong gamot mo?" tanong ni tita pagkalapit niya sa'kin.
"O-Opo, Tita,” nauutal kong sabi.
Nahagip naman ng mga mata ko ang kupal na tumatawa sa likuran ni Tita. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin.
“Humanda ka sa'kin mamaya. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kanina,” sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan siya ng masama.
"Tita. Sorry po sa abala at thank you po sa lahat pero kailangan ko na 'pong umuwi. Hinahanap na rin po kasi ako sa amin," paalam ko at ngumiti sa kan’ya.
"Gano’n ba? Ipahatid na kita.”
"Hindi na po, Tita. Kaya ko na po. Sasakay na lamang po ako ng dyip,” magalang kong sabi sa kan’ya.
"Hindi ako papayag,” casual niyang sabi.
"Po?"
"Hindi maaari dahil ayoko,” parang bata niyang sabi sa'kin.
Seryoso ba siya?
"Matt, ihatid mo siya. Gamitin mo 'yong kotse ko,” diretsong sabi ni Tita kay Matthew at binigay sa kan’ya ang susi ng kotse niya.
"Eh ayaw niya ngang magpahatid. Hayaan mo na lang, Tita,” reklamo ng kupal.
Tinitigan lang siya ni Tita hanggang sa napabuntong-hininga na lang siya at kinuha ang susi.
Ngumiti naman sa'kin si Tita at tinapik ang likod ko. Wala na rin akong nagawa at sumunod na lang sa kan’ya dahil mahirap ngang tanggihan ang kan’yang mukha.
Pagkalabas namin ng kwarto ay nagulat ako dahil pharmacy pala ito.
"Pasensya ka na at dito ka dinala ng pamangkin ko. Ito kasi ang pinakamalapit mula sa restaurant kung saan nagtatrabaho si Matthew,” sabi ni Tita Sally.
Napansin ko naman na magkaharap lang pala 'yong restaurant at itong pharmacy.
"Okay lang po ba talagang magpahatid? Baka po may trabaho pa si Matthew, makaistorbo pa 'ko,” sabi ko.
"Mamayang tanghali pa trabaho ko kaya halika na," sagot naman ni Matthew at hinila ako palapit sa kotse.
Magrereklamo pa sana ako sa kan’ya eh pero pinagbuksan na niya ako ng pinto. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang ngumisi siya.
Kumaway na 'ko kay Tita Sally bilang paalam pero bigla siyang lumapit sa'kin.
"Bakit po, Tita?"
"Nakalimutan mo ‘atang magpakilala, hija?" nakangiti niyang tanong.
"Aiden Jean Garcia po, Tita,” pakilala ko sa kan’ya. "AJ na lang po ang itawag niyo sa’kin."
"Magandang pangalan,” sabi niya at lumayo na siya mula sa kotse habang kumakaway.
Nakakatuwa si Tita Sally. Kahit papaano gumaan ng kaunti 'yong takot kong umuwi.
"Stop smiling,” sabi ng katabi kong si Matthew.
Napa-irap naman ako sa kan’ya at hindi siya pinansin.
"Tatahimik ka na lang ba diyan o ituturo mo kung saan patungo sa pinakamamahal mong bahay?” mataray niyang tanong sa'kin.
Ayaw ko man sana pero tinuro ko na lang 'yong daan baka saan pa niya 'ko dalhin.
"Itabi mo diyan banda,” sabi ko sa kan’ya.
"Ito ba bahay mo?" tanong niya habang turo ang katapat na bahay.
"Hindi. Doon pa banda. Ayoko lang makita nila akong may kasama,” sagot ko. "Sige, bababa na ako."
Pagkababa ko ng kotse ay bumaba rin si Matthew.
"Hindi mo ba talaga ako pasasalamatan?" bigla niyang tanong sa’kin.
Hindi ko na siya pinansin at nagsimulang maglakad palayo sa kan’ya. Pero nagulat ako nang bigla niya akong tinawag.
"Aiden...” napalingon naman ako sa kan’ya dahil sa pagtawag niya sa'kin ng mismo kong pangalan.
Ngumisi naman siya at lumapit sa'kin. Ano bang problema nitong kumag na 'to?
"Walang thank you?" parang bata niyang tanong. Pareho sila ni Tita Sally.
"Wala,” sagot ko at tumalikod pero hinila niya ako paharap sa kan’ya.
"Wala?" Nang-aasar niyang tanong.
"Wala nga! Ano bang problema mo?! Pauwiin mo na nga a---"
Hindi ko na natuloy ang reklamo ko sa kan’ya nang bigla niyang sunggaban 'yong labi ko.
Eh?
Siniil niya 'yong labi niya sa labi ko at 'di ko alam kung anong nangyayari. Biglang naging blanko ang utak ko.
Patuloy pa rin siya sa paghalik sa'kin pero hindi ako makagalaw.
Para akong malulunod lalo na nang bigla niya akong hapitin habang patuloy ang paghalik niya sa'kin hanggang sa sinandal niya ako sa may kotse.
"I think, your lips are enough to thank me, Aiden."