"Kupal! Bastos!" patuloy kong pagmumura sa bastos na chef na 'yon pagkauwi ko ng bahay.
"Lintek ka! Huwag kang magpapakita sa'kin habang buhay!"
Kumukulo talaga dugo ko kapag naaalala ko 'yong kupal na 'yon!
"I think, your lips are enough to thank me, Aiden."
Bigla na naman akong kinilabutan 'don kaya biglang nanginig 'yong kamay ko at bigla ko siyang nasapak ng malakas sa pisngi.
"Damn! What the hell?!" sigaw sa'kin ng kupal na humalik sa'kin.
Bago pa siya makalapit ulit sa'kin ay sinapak ko ulit siya.
"Boksingero ka ba?!" sigaw niya ulit sa'kin habang hinihimas niya 'yong panga niya.
"Huwag ka nang magpapakita sa'kin kahit kailan! Kalimutan mo na ring magkakilala tayo!" sigaw ko sa kan’ya at tumakbo paalis mula roon.
"Paano 'pag ayoko?! Kahit ilang beses mo ko sapakin, makikita pa rin kita, Aiden!" dinig kong sigaw niya sa'kin.
"Mangarap ka! Kupal!" sigaw ko pabalik sa kan’ya.
Nag-iinit talaga ulo ko sa lalaking 'yon! Guwapo nga bastos naman! Ayoko na siyang maalala pa!
"Papatayin kitang kupal k---!"
Naputol 'yong pagsisisigaw ko nang bumukas 'yong pinto ng kwarto ko kaya nabato ko ng unan ang bumukas no'n.
"Ate? Ano bang trip mo at ang ingay mo? Natutulog pa 'ko eh!" reklamo sa'kin ng nakababata kong kapatid na si Jake at binato pabalik sa'kin 'yong unan.
"Eh ano naman ngayon?! At isa pa, wala ka bang klase ngayon? At isa pa ba't wala sila Mama rito?" dire-diretso kong tanong sa kan’ya.
Pagkauwi ko kasi kanina akala ko may madadatnan agad akong sermon pero wala. Sa’n kaya si Mama?
"Nasa'n ba utak mo ngayon, Ate? Holiday ngayon kaya walang pasok! Pero si Papa pumasok na sa trabaho. Pero akala ko ba kasama mo na si Mama kasi ginising niya ako kanina para lang sabihin na susunduin ka niya sa bahay nila Ate Gabby,” paliwanag ng inaantok ko pang kapatid.
"Ano?! Pumunta si Mama kila Gabby?!” sigaw ko.
Hindi na ko pinansin ni Jake at lumabas na ng kwarto ko.
Anak ng! Kung gano’n pumunta si Mama kila Gabby?! Ano ba naman 'yan! Siguraduhin lang ni Gabby na may maganda siyang palusot sa nanay ko.
"Tatawagan ko na lang si Gabby para malaman ko kung nando'n ba talag---"
"AIDEN!"
Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ng malakas 'yong pintuan ko. At tumambad na nga sa'kin ang matatalim na tingin sa'kin ng aking nanay.
"M-Ma! Bakit po?" kinakabahan kong tanong sa kan’ya. Mas nataranta pa 'ko nang naglakad siya palapit sa'kin.
"Anong bakit?!" sigaw niya. "AIDEN! Gan’yan ba ang uwi ng isang dalaga?! Pinayagan kita kahapon dahil sabi mo maaga ka ring makakauwi at kasama mo ‘yong si Sanchez. Pero ngayon, anong oras na?!"
Pinagsisigawan niya ako habang dinuduro sa mukha. Napapalunok na lang ako at patagong kinakabahan.
"Pinuntahan kita roon kila Sanchez pero wala pala akong madadatnang Aiden Jean Garcia do'n! Hindi ba uso sa iyo ang i-text o tawagan ako para naman malaman kong pauwi ka na?! Ano?! Sumagot ka!"
Si Mama 'yong tipong hindi makaalala ng pangalan ng iba lalo na kung 'di importante at wala siyang interes sa taong 'to. Madalas sa last name niya tinatawag 'yong mga nakakalimutan nitang pangalan, gaya na lang ng bestfriend kong si Gabriella Sanchez.
Hindi ko alam sasabihin ko kaya napatitig na lang ako sa sahig dahil sa ayokong tingnan 'yong mukha niya.
"Eh nawala kasi kanina 'yong cellphone ko kaya---"
"Ano sumasagot ka na, Aiden?!"
Natahimik na lang ako. Edi 'wag!
"Baka naman may boyfriend ka na? Naku! Sinasabi ko talaga sa'yo 'pag nalaman kong may boyfriend ka, titigil kami ng Papa mong bigyan ka ng pera at ibabalik ka sa all-girls school,” dagdag na sermon ni Mama.
"Ma! Wala akong boyfriend! Paulit-ulit na lang ba tayo sa isyu na 'yan? Sinusunod ko mga utos niyo lalo na 'yong bawal pa kong mag-boyfriend at mag-aaral ako ng maayos. At sorry kung nakatulog ako kila Gabby kagabi nang hindi nagsasabi sa inyo,” hindi ko na napigilan 'yong sarili kong magsalita.
Mula kasi noong namatay ang nakatatandang kapatid namin ni Jake na si Ate Jasmine dahil sa inatake siya ng hika ay doon na nagsimulang pagsabihan ako ng paulit-ulit nila Mama na huwag daw akong magbo-boyfriend. Pero ang hindi ko lang maintindihan kung anong koneksyon ng pagkamatay ni Ate at sa pagkakaroon ng boyfriend?
"Siguraduhin mo lang na wala kun'di malilintikan ka talaga sa'king bata ka,” paalala niya sa’kin.
Naglakad na siya palayo kaya napabuntong-hininga na lang ako.
"Maglinis ka nga ng kwarto mo! Kababae mong tao, ang kalat ng kwarto mo!" sigaw ni Mama at tuluyan nang isinara 'yong pinto.
Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko at ngayon ko lang napansin na ang kalat pala. Puro papel at librong nagkalat sa sahig. Ugh!
Mabuti na lang hindi gaanong masakit na sermon mga natanggap ko kay Mama. Pero 'pag dumating si Papa mamaya, hindi ko na talaga alam gagawin ko.
Naisipan ko na lang maglinis ng kwarto ko para mawala lahat ng inis ko sa bastos na chef na 'yon. Hindi ko talaga siya mapapatawad.
Maya-maya ay may pumasok ulit sa kwarto ko.
"Pagtapos mong maglinis dito, magluto ka ng makakain niyo ng kapatid mo mamayang tanghali,” bungad sa'kin ni Mama.
"Eh saan ka pupunta?"
"May pupuntahan akong lamay. Namatay 'yong isa sa mga kakilala ko sa kabilang bayan,” sabi niya bago tuluyang umalis.
Lamay na naman. Lagi na lang siyang pumupunta ng lamay kahit kapitbahay lang namin.
"Makapagluto na nga lang."
---
Matthew POV
"Damn that girl! Mababawian din kita, marami akong sisingilin sa'yo,” kausap ko sa sarili ko habang pabalik sa Pharmacy ni Tita Sally.
Pagkababa ko ng kotse ay dumiretso agad akong pumasok sa Pharmacy.
"Tita, pahiram ng emergency kit,” paalam ko at kinuha 'yong kit sa may kabinet.
"Matt?! Anong nangyari sa'yo?! Sinong gumawa sa'yo nito? Si AJ ba naihatid mo nang maayos? Baka dinamay mo pa siya kung sino mang nakaaway mo,” sunod-sunod na tanong ni Tita Sally.
"Wala 'to, Tita. Safe na nakauwi 'yong babaeng iyon. May baliw lang na biglang sumapak sa'kin malapit sa bahay nila Aiden," pagdadahilan ko sa kan’ya.
Tinulungan naman ako ni Tita na gamutin 'yong mga sugat ko.
"May trabaho ka pa mamaya, pero mukhang papasok kang maga 'yang labi at pisngi mo," sabi ni Tita.
Napapikit na lang ako at napasandal sa upuan habang ginagamot niya mga sugat ko.
"Oo nga pala, bumisita pala ang Daddy mo kanina rito. May iniwan siyang mga damit, para raw sa'yo,” sabi ni Tita.
Napamulat ako ng mata nang matapos akong magamot.
Daddy, eh?
"Pasok na 'ko sa trabaho,” paalam ko.
"Paano 'tong mga bigay ng Daddy mo?"
"Daanan ko na lang mamaya pagkatapos ng trabaho ko o kaya itapon mo na lang,” sagot ko sa kan’ya at ngumiti.
Damn, that geezer. Magpapakita lang sa'kin kung kailan niya gusto.
---
"Bro! Anong nangyare d'yan sa mukha mo?" bungad sa'kin ng kaibigan kong chef din na si Drew pagkadating ko rito sa restaurant.
"Sinapak,” simpleng sagot ko.
"Sinapak? At sino naman?" tanong ulit ni Drew.
"Babae,” sagot ko.
"Huh? Babae? Seryoso ka ba diyan, pre? Baka naman bakla o tomboy? Eh hindi ka nga kumakausap o pumapansin ng kahit isang babae,” pang-aasar niya na may kasamang pagtawa.
"Shut up, Drew. Makakabawi rin ako sa kan’ya,” sabi ko sa kan’ya nang nakangisi.
"Okay! Pero seryoso? Sino ba itong babaeng malakas ang loob na sapakin ka" curious niyang tanong habang tumatawa pa rin.
"Well, hindi mo rin kilala,” sabi ko.
Naglakad ako papunta sa locker ko para magpalit ng damit.
"Makikilala ko rin 'yan, Chef Bro,” pang-aasar niya.
"Pero maiba tayo, may nangyari pala rito kagabi? Usap-usapan ng mga tao roon sa kusina. May magandang babae raw na naglakas loob na sumuka sa loob ng CR ng boys? Sayang wala ako 'non! Laughtrip siguro 'yon!” sabi niya habang tumatawa.
"At isa pa, ikaw daw ang huling kasama no'ng babae. At sa’n mo naman siya dinala? Malinaw pa naman sa memorya ko na may galit ka sa mga babae. So, change of heart na ba yan, pre?" dagdag niya pa nang may halong pang-aasar.
"Tigil-tigilan mo 'ko! Pinunta ko lang 'yong babaeng 'yon sa Pharmacy sa may tapat natin, iyon lang ‘yon. Ayoko lang mag-eskandalo siya rito sa restaurant lalo na't lasing siya,” paliwanag ko naman sa kan’ya.
"Wait! Magandang babae, eh?" taas kilay niyang tanong habang ‘tila nag-iisip.
"Anong bang problema mo?!" sita ko sa kan’ya at itinulak palayo 'yong mukha niya.
"Iyong babae ba kahapon dito at 'yong babae na sumapak sa'yo ay iisa?" Curious na tanong habang tumataas 'yong kilay niya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan? S'yempre hindi! Kanina ko lang nakuha 'tong pasa ko at hindi ko na nakita 'yong babaeng nandito kagabi."
"Okay! Sabi mo eh," sabi niya at tuluyan na ngang umalis si Drew habang tumatawa pa rin.
Such an annoying friend.
Pagkatapos kong magpalit ay iiwan ko sana 'yong phone ko nang may maalala ako.
I actually took a picture of her last night.
Maya-maya ay hindi ko namalayan na nakatitig ako 'don sa kinunan kong picture niya habang nakatulog siya kagabi. Naalala ko naman tuloy 'yong itsura niya kanina no'ng hinalikan ko siya kanina.
It's true that I honestly hate girls except kay Tita Sally just because of one certain reason.
But that Aiden girl is something. Hindi ko alam pero I don't think I hate her or will hate her. Pakiramdam ko lang, iba siya sa ibang mga babaeng nakikita ko.
"At mukhang hindi mo 'ko matatakasan this time, Aiden. Magkikita pa rin tayo dahil babalikan mo 'to,” kausap ko sa picture niya habang hawak ko ang isang susi na pagmamay-ari niya.
"Siguro mamaya o kahit anong oras, hahanapin mo 'ko at sisiguraduhin kong masisingil ulit kita."