Chapter 48 Series 09: Lunova Santos Ang pagmamahal na kayang tanggapin ano man ang nakaraan mo ay isa sa pinakamasarap sa pakiramdam, dahil kahit may mga bagay na hindi kayang tanggapin ng iba ay may isang bukod tangi parin na kayang yakapin at mahalin ka nang hindi tumitingin sa nakaraan. Sa nangyari kay Lorraine, mula sa kaniyang pamilya na nasira dahil sa kapangyarihan ay nakaranas parin siya ng hirap ng mundo, siya ay ilang taong binihag at binaboy ng taong nagbigay ng takot sa puso niya at nagbigay ng dahilan upang tingnan niya ang kaniyang sarili na isang maduming babae at hindi katanggap-tanggap. Muntik na siyang mawalan ng pag-asa pero sumating si Lu sa buhay niya, hindi lang siya sinagip nito sa kamay ng mga taong ‘yun kundi niligtas din siya ni Lu sa kalungkutan at takot na n

