Chapter 47 Series 09: Lunova Santos Magdidilim na nang mabakalik sina Lu sa ospital ni Tad, agad nalang inihinto ang kotseng dala nila sa tapat ng entrance ng ospital na agad ikinalapit ng guard. Sabay na lumabas ang dalawa at ibinigay ni Tad ang susi sa guard upang dalhin sa parking lot ang kotse niya na agad naman nitong ginawa. Sabay narin silang dalawa na pumasok sa loob ng matigilan si Lu paglalakad na hindi napansin ni Tad kaya deretso itong nabunggo sa likuran ni Lu. “Oh fvck!”mura ni Tad na napahawak sa noo nito dahil napauntog ito sa likuran ng ulunan ni Lu. “Langya naman Santos, bakit naman bigla-bigla kang huminto diyan.”singhal na reklamo ni Tad na napatingin kay Lu na deretsong nakatingin sa isang direksyon na kunot noong sinundan niya kung saan nakatuon ang tingin ni Lu.

