Chapter 46 Series 09: Lunova Santos “Santos, kalma ka lang okay? Baka pagkakita mo kay Doc. Paterno tapusin mo agad ‘yung tao.” “Kalmado ako, Han.”seryosong sagot ni Lu na saglit na ikinalingon ni Tad sa kaibigan na bahagya niyang ikinangisi dahil hindi niya nakikita ang sa presensya ni Lu ang pagkakalmado na sinasabi nito. Simula ng umalis sila sa ospital hanggang sa pagbiyahe nila papuntang Makati upang puntahan ang Doctor na nakuha sa CCTv na nagtangkang kuhanin si Lorraine, ramdam na ramdam ni Tad ang galit sa presensya ni Lu na anumang oras ay handa na itong manakit para sa babaeng mahal nito. Expected na niya ang mga ganitong tanawin sa mga kaibigan niyang tinamaan ng pana ni kupido, sanay na siya na makita ang galit na presensya ng mga ito pa gang babaeng mahal nila ang involved

