Chapter 59 Series 09: Lunova Santos “Oi, SPO1 Endozo, baka naman matunaw si Ms. Siobeh sa matalim na titig na binibigay mo. Kanina mo pa hindi inaalis mga mata mo sa kanilang dalawa ni Captain ah.” Kumentong puna ni Lukas kay Monday na poker face na ikinalingon nito sa kaniya. Nasa isang sulok lang sila di kalayuan sa desk ni Lu habang kausap nito ang babaeng kitang-kita ni Monday na may interest kay Lu. Hindi niya mapigilang mainis dahil masyado itong halata na nagpapa cute ito sa captain nila, imbis na sila ni Joseph ang mag iinterview kay Siobeh ay nag request ito na si Lu ang mag interview dito upang masabi lahat ng pangyayari sa muntikan ng pagkakakuha dito ng mga di kilalang lalaki tulad ng mga sinabi nito sa kanila. “Pwede ba, Baquiran, manahimik ka diyan.”sita ni Monday kay Luk

