Chapter 60 Series 09: Lunova Santos Malalim na ang gabi pero hindi parin makatulog si Lorraine kakahintay kay Lu, nakaupo lang siya sa mahabang sofa sa may sala habang nakahiga sa mga hita niya si Lilly na mahimbing ng natutulog. Sinamahan siyang maghintay ni Lilly sa pag-uwi ni Lu pero maga-alas onse na ng gabi ay wala parin ang hinihintay nila. Nakailang punta na sa kanila ang ina at ama ni Lu upang sabihin na sa kwarto nalang nila hintayin si Lu pero sinabi niya na gusto niyang salubungin ang pag-uwi ni Lu, hindi siya iniwan ni Lilly kaya walang nagawa ang mag-asawa kundi ang hayaan ang dalawa. Ayaw man mag-isip ng iba ni Lorraine ay hindi niya mapigilan lalo na at hindi mawala sa isipan niya ang boses ng babaeng narinig niya kanina nung kausap niya sa cellphone si Lu, may tiwala si

