Chapter 61 Series 09: Lunova Santos Sa isang bakanteng lote kung saan may ilang sirang buildings ang nakatayo doon, ay kararating lang ng Phantoms di kalayuan sa pinaka loteng ‘yun upang hindi sila agad mapansin ng mga kalaban na naroon. Agad silang bumaba sa van na sinakyan nila at hindi nalang mga nagreklamo sa naging masikip at maingay na biyahe nila dahil ayaw na nilang makatanggap ng malutong na mura mula kay Taz. Sa biyahe palang nila ay busog na busog na sila dahil habang nasa biyahe sila kaniya-kaniyang reklamo ang pumuno sa loob ng van, nangunguna na doon sina Blue, Sergio, Travis at Demon kaya lahat sila ay namura ni Taz. Gusto man nilang magreklamo sa siksikang naganap ay hindi na nila nagawa at sinarili nalang at tinatapunan ng masamang tingin ang isa’t-isa. “Ilan ba ang m

