Chapter 62 Series 09: Lunova Santos “Try to pull the trigger, Felipe, sa ating dalawa ikaw ang babagsak na walang buhay.”saad ni Lu na ang bahagyang gulat nito ay naging masamang tingin para kay Lu. “Pedro!”galit na pahayag ni Felipe kay Lu na ikinangisi nito sa kaniya. “Ako nga, long time no see, Felipe.”ani ni Lu. “Paano mo nalaman na narito kami?!”galit na diin na tanong ni Felipe na mas ikinangisi ni Lu dito. “Walang imposible sa isang gaya ko, Felipe, lalo na kung may kaibigan kang magaling sa hanapan. Nagulat ka ba? Hindi ba at ganito ang ginawa mo sa safe house ko na nakita niyo? Ginaya ko lang, ang pagkaka-iba lang ako ang nakahuli sayo.” “Ang lakas ng loob mong pasukin ang balwarte namin at magpanggap na kakampi upang makuha ang pinaka-iingatan ng aming boss. Ginamit mo pa

