"Beatris, takbo! Takbo anak! Takbo!"
"Mamá!"
Napabalikwas ako at mabilis na bumangon.
That nightmare again...
Umupo ako sa kama at idinantay ko ang aking noo sa aking tuhod habang sinasabunot ang sariling buhok.
"Ugh! Tama na! Please... Stop!"
Nang tingnan ko ang oras ay alas-cuatro pa pala ng madaling araw. Lumapit ako sa side table at nagsalin ng tubig galing sa pitsel at diretsong nilagok. I inhaled deeply and exhaled the nightmares that caught me.
Napabuntong hininga nalang ako at tiningnan ang kawalan.
Habang nakatulala naramdaman ko ang malamig na hangin kaya't napatingin ako sa bukas kong teresa. Tila sumasayaw sa hangin ang puting kurtina nito.
I welcomed the cold wind of the dawn as I stepped a foot on the balcony. Sinandal ko ang aking kamay sa malamig na bakal ng balkonahe.
Tumingin ako sa itaas at ipinikit ang aking mga mata, dinadama ang malamyos na haplos ng malamig na hangin sa aking balat habang isinasayaw ng hangin ang aking itim na itim na buhok at ang aking puting bestida na pantulog. Nang iminulat ko ang aking mata napansin ko ang napakadilim na kalangitan. Itim na itim ito na tila nagbibigay daan upang maipakita sa lahat ang handog ng kalawakan—ang napakaningning na mga bituin na tila kumukuti-kutitap sa napakadilim na langit.
The surrounding was deafening with silence and the stars were brightly shining in the sky, and the moon was on its crescent shape. Palagi akong nagigising ng ganitong oras, araw-araw dumadalaw sa akin ang bangungot ng aking nakaraan tulog man o gising sinusundan ako nito na tila wala itong planong lubayan ako at gusto nitong makita ang mga pagdurusa ko.
Sometimes, I feel like I'm living just to exist...just to breathe, to eat, to go through the motions of life... Like half the time I'm in a waking nightmare and the half when I'm not asleep.
Kita mula sa aking balkonahe ang lawak ng aming lupain. Rancho el Turizo is a land with thousands of meters.
Nilingon ko ang kabalyerisa nang marinig ko ang salingsing ng mga kabayo. Dali-daling kinuha ko ang roba at sinuot ito habang naglalakad palabas ng mansyon. Nang makarating ako sa kuwadra pinuntahan ko agad si Alastor. He neighed when I came near him.
"Hello there, Alas. How are you boy?"
I caressed the stallion's mane as I pressed my cheek on his neck. Alastor was a gift from my mamá when I was 15. I remembered the first time I saw him. He was the most beautiful stallion I've ever seen.
"Mamá! Mamá!" I excitedly shouted at my mother. I saw a horse beside her, his pale locks was swaying against the wind and his ashen gray skin was glistening under the sun.
"W-who is he mamá?" I warily asked my mother
"He's yours, dear." She said while smiling widely.
"Really?" Para akong kiti-kiti na binudburan ng asin at hindi mapirmi dahil sa narinig.
She nodded that made me jump in excitement. I cheekily smiled at her before I run towards the horse and caressed his pale skin.
"Mamá, can I name him Alastor?"
"Of course, my dear." She smiled surprisingly at me.
"Deborah dear, did you know that the name 'Alastor' was the pale horse from the Bible and his name that sat on him was Death, Hell or also known as Hades followed with him?"
"Really mamá?!" Namamangha kong tanong
She nodded and said..."Take care of him okay?"
"Sí, mamá." (Yes, mamá)
I came near her and wrapped my arms around her waist and whispered...
"Gracías mamá. Te quiero mucho." (Thank you mamá. I love you so much)
"De nada, estimada." (You're welcome, dear)
She kissed my temple and I hugged her tighter.
Tinitigan ko si Alastor at niyakap.
"You're the only family I have, Alas... Because my papá doesn't treat me as one anymore... I feel like an I'm only a passing air to him." Malungkot kong kwento sa aking kabayo.
"Tama na nga ang drama," pagsaway ko sa sarili.
Ngunit natigil ako nang may maalala ako... I smiled.
"Are you up for a ride, Alas?" I looked at my horse. He neighed and I smirked. Sumampa ako sa likod ni Alas at mahinang hinampas ang lubid.
"Heeyaaah!"
The thump of the horse killed the silence of the dawn as Alas' neighs echoed around Rancho el Turizo. Pumasok kami ni Alas sa masukal na gubat ng rancho. Hinila ko ang lubid upang mapatigil si Alas ng marating namin ang bangin. Sumalingsing naman ito.
"Easy, boy, easy..."
Nang kumalma na ito ay bumaba na ako.
The smell of the morning breeze filled my nostrils as I inhaled the scent of the refreshing mountain air while watching the panoramic view of the meadows and plains. May mga kambing, baka at kabayo na ipinastol sa 'di kalayuan.
This place has been my safe haven since then. It was an accident when I found this out. Namamasyal kami ni Alastor noon at hindi ko namalayan na napalayo na pala kami sa rancho at napasok na ang gubat. Bago ko palang nakalaro si Alas noon kaya't sa sobrang pagkaaliw sa pagsakay sa kabayo ay hindi ko na namalayan ang aming tinatahak.
But I was thankful I found this place dahil dito ang takbuhan ko kapag nalulungkot ako o nagagalit. Dito ko inilalabas ang mga hinaing ko sa buhay at ang lugar na ito ang saksi kung paano ako nawasak. Hinila ko Alas papunta sa may puno at itinali ang lubid at nang natapos ako sa ginagawa ay umupo ako at isinandal ang aking likod sa katawan ng matandang puno ng mangga.
Hinayaan ko muna si Alastor na kumain ng mga d**o malapit sa puno na pinagtalian ko ng kaniyang lubid, habang ako nama'y pinagmasdan ang pagsikat ng haring araw.
The hue of the sky was breathtakingly exquisite with the colors of purple, pink, baby blue and lightly oranged clouds. Hinihintay ko ang pagsikat ng haring araw at nang ito'y unti-unting lumalabas mula sa kaniyang sinilangan, unti-unti ring umuusbong sa akin ang pag-asa. But it died as soon as the memories of the past dawned me.
"I wish I was brave enough to protect you like how the sun fought against the darkness. By then, I should've saved you. Sana ngayon kasama pa rin namin kayo."
When the wind howled isinama nito ang bulong na hinaing ko, mga sana, mga pagsisi at isinama nito ang sakit na matagal ko nang dinadala. I heaved and sighed at medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"You never failed to help me ease the burden and the heavy feelings I've been carrying. Patawad kung sa'yo ko naipapasa ang mga bagahe ko sa buhay at maraming salamat dahil sumikat kang muli upang bigyan kaming mga tao ng liwanag." Bulong ko sa hangin.
Tumayo ako at pinagpag ang aking bestida. Nilapitan ko si Alastor at tinanggal ang pagkakabuhol ng tali nito sa puno.
Sumampa ako dito at tiningnang muli ang malawak na lupain at ang ngayo'y maliwanag na na kalangitan, ngumiti ako dito bago tumalikod.
"Let's go home boy."
Nilisan ko ang lugar na iyon at tinahak ang daan pauwi sa bahay. Nang makarating na kami ni Alas dumiretso ako sa kuwadra at nakita si Mang Felipe na pinapakain ang iba pang mga kabayo. Si Mang Felipe ay matagal nang tagapamahala ng rancho. Binata pa lang ang papá ay nandidito na si Mang Felipe, siya din ang inaasahan ni papá sa pagbabantay ng mga kabayo at pagpapanatili ng magagandang mga kalusugan nito.
"O Deb! Magandang umaga. 'Andyan na pala kayo ni Alas."
Pinahinto ko si Alas at bumaba dito. I touched his mane and murmured my thanks to him.
"Ah, manong. Magandang umaga din po." Ginawaran ko siya ng ngiti.
Lumapit ako sa matanda habang nakangiti na nagmano dito. Alam ni manong na palagi nalang akong inuumaga ng uwi galing sa may bangin kasama si Alas at naiintindihan ito ng matanda sapagkat alam nito ang mga nangyari sa buhay ko. Noong una ay nag-alala ito ng makita kami ni Alas na umalis ng madaling araw at umuwi sa villa na tirik na ang araw, ngunit nang naglaon ay nasanay na si manong at sabi pa nito na mag-iingat na lamang daw ako. Napangiti ako sa pag-aalala ng matanda at least mayroon pa palang nag-aalala sa akin.
"Oh siya, akin na si Alastor nang mapakain at maligo ko na. At ikaw nama'y mag-almusal na sa mansiyon baka hinahanap ka na din ni Don Severino." Wika nito.
"Ah sige po, mag-almusal na din po kayo pagkatapos niyan. Salamat po."
"Walang anuman hija, humayo ka na."
Tumalikod na ako dito at naglakad papunta sa mansyon.