Nasa b****a na ako ng mansyon nang sinalubong ako ni Linda, isa sa mga kasambahay namin at kaibigan ko. Dali-dali itong tumakbo palapit sa'kin.
"Deborah, jusko kang babae ka kanina ka pa hinahanap ni Don Severino at mag-aagahan na daw kayo."
Tumawa ako dahil mukhang nagpa-panic ito sa paghahanap sa akin but I felt sorry too. Tumango na lamang dito saka nagsimula ulit na maglakad.
Nang makarating kami sa kabisera nakita ko si papa na nakaupo at nagbabasa ng dyaryo. Tumikhim ako upang makuha ang kaniyang atensyon na nakuha ko naman.
Bumaling ito sa akin matapos ilapag ang dyaryo sa mesa at tinanggal ang kaniyang salamin.
"Sa'n ka nanggaling ng sobrang aga?"
Tanong nito na biglang nagpakaba sa akin. Hindi maaaring malaman ni papá kung saan ako nagpupupunta ng madaling araw dahil tiyak na pagbabawalan niya akong pumunta doon lalo pa't sa may bangin iyon. I can't afford to lose my secret haven.
"D-dyan lang po sa tabi-tabi papá, n-naglilibot sa kuwadra." Mahinang sagot habang nakayuko.
Natahimik ang paligid ng ilang sandali.
"Umupo kana. Linda, ilapag mo na sa mesa ang mga almusal."
"Masusunod po."
I sighed. Lumakad na ako at umupo sa may bandang kaliwa ni papá. Ito ang posisyon namin noon pa man kahit noong nabubuhay pa ang mamá. Kakaupo ito noon sa kanan, ako sa kaliwa at si papá naman ang nasa gitna bilang padre de pamilya.
Inilapag na ng mga kasambahay ang mga pagkain. Nang inilapag na sa aking harapan ang aking plato nagsimula na akong magdasal. Turo sa akin ni ina na kailangang magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap. Thanking Him is the best thing we can do to show Him our gratitude maliit man o malaki ang biyayang natatanggap we should be thankful because we are still blessed.
Wala kaming imikan ni papá habang nag-aalmusal. Dati kapag nasa hapag kaming mag-pamilya hindi nawawala ang tawanan dito naguusap-usap kami habang kumakain. Ngunit tila naglaho ito na parang bula nang mawala ang aking ina.
"May inaasahan akong bisita mamaya, magsuot ka ng presentableng kasuotan." Pagtapos ni papá sa ilang sandaling katahimikan.
"Mga kasamahan ko sila sa negosyo, pupunta rin dito ang mayor ng ating bayan kaya sabihan mo ang mga kasambahay na maghanda para sa kanilang pagdating."
"Opo papá."
"Wag kang gagawa nang ikahihiya ko at ng ating pangalan Deborah." Tila natauhan ako at umayos ng upo nang magsalitang muli si papá.
"Kung wala ka namang magagawang tama mamaya mas mabuti pang magtigil ka sa iyong silid. I don't want to you to embarrass me in front of my visitors, so watch your actions carefully, entender?"
"S-sí Padre." (Yes, papá)
Kinuha ni papa ang table napkin at nagpunas saka tumayo.
"Bueno, aakyat na ako at maghahanda para sa kanilang pagdating."
Tumango nalang ako. Nang nakaalis na si papá sa hapagkainan mabilis akong sumandal sa aking inuupuan at huminga ng malalim.
I really hate visitors. When there are people around the mansion I always have to act like a goody-good-shoes even though I hate it. I have to act or else ako ang lagot kay papá. Kailangan daw 'kuno' naming ipakita na matatag kami kahit na kaming dalawa nalang ni papá kahit na alam naming pareho na matagal nang wasak ang pamilya namin hindi lang dahil nawala ang aming ilaw ng tahanan kundi dahil hindi nagpakatatag ang haligi ng aming tahanan.
Si papá mismo ang gumuho ng tahanan namin, because he chose to left the pieces of our home wrecked and scattered on the floor. I tried to reach him as I tried to build our home back but he bacame cold, distant and out of reach, and the once loving and compassionate father has banished. He left me with the broken pieces of our home and my soul.
It was then I realized how weak I am, hindi ko nabuong muli ang aming pamilya kahit kaming dalawa nalang ni papá ang natitira. I was alone, broken and weak. I lost my family and myself in the middle of the battle without anyone helping me. And now, I have to wear my greatest weapon ever—façade. I have to do this. I am weak but I have to look strong. I have to, I need to.
Nang natapos na ako sa pagkain ay tumayo na ako at kinuha ang platong pinagkainan ko at ni papá saka naglakad papunta sa kusina dala-dala ang mga kinainang plato. Nakita ko roon si Linda at Nana Esther.
Si Linda ay halos kaedaran ko lang. She's 22, just a year older than me habang si Nana naman ay matagal nang nagtatrabaho dito. Siya ang mayordoma ng mansyon ngunit tumutulong din siya sa kusina at siya ang nagluluto ng aming pagkain dahil magaling at masarap itong magluto. Nanlaki ang mga mata ni Nana nang makita akong bitbit ang mga plato.
"Ay sus marsyosep kang bata ka, oo! Akin na nga iyan."
Kinuha ni Nana sa akin ang mga plato at tinawag si Linda. Napangiti naman ako sa reaksyon ni Nana.
"Linda, ilagay mo nga itong mga pinagkainan sa hugasan pakiusap."
"Sige po."
Napatawa din si Linda sa reaksyon ni Nana. Nana Esther is like a mother to me lalo na nung mawala si mamá. Si Nana din ang tumulong kay mamá sa pag aalaga sa akin noong bata pa ako kaya malapit ako sa matanda at kaya gano'n na lang sobra kung makareact si Nana at ka over protective pagdating sa akin na pati pagbibitbit ng plato ay inaakala niya na ang pinapasan ko ay isang sakong bigas.
"Nana, kaya ko naman na po." Wari ko dito
"Ah, siya nga pala Nana, sabi ni papá darating daw mamaya ang mga kasamahan niya sa negosyo at ang mayor natin dito sa Las Cosas, maghanda daw po ng makakain para sa mga bisita."
"Ay ganoon ba hija? Oh siya, sige, maghahanda na ako at baka padating na ang mga iyon."
"Tulungan ko na po kayo."
"Huwag na at maiinitan ka lamang dito sa kusina, maghanda ka nalang sa iyong sarili."
"Mamaya na po ako mag-aayos tulungan ko nalang po muna kayo. Sige na po, please..."
"Payagan niyo na yang si Deborah, Nana tingnan mo po ang mukha, o! Parang inabandonang tuta." Tawang tawa ito sa sinabi at ako nama'y napasimangot.
"Nana o, inaaway ako ni Lindarisma." Ako naman ngayon ang napahalakhak. Alam ko kung gaano ka kinasusuklaman ni Linda ang kanyang buong pangalan.
Patuloy kami sa pag-aasaran ni Lindarisma ng biglang sumabat si Nana Esther.
"Oh siya panalo ka na Deb, halika na kayo at tulungan akong maghanda ng mga rekados. Tigilan niyo na rin yang pag aasaran niyo at malalaki na kayo."
"Yes! Salamat Nana." Sa tuwa koy hinalikan ko sa pisngi si nana at niyakap ito sa bewang at benelatan si Linda.
"Oh siya!siya! Lindarisma kunin mo ang mga sangkap sa pridyider. Ikaw naman Deborah kunin mo ang mga gagamitin sa pagluluto, bilisan niyo at nang makapagsimula na tayo."
"Nana naman, eh" kunwaring naiinis na napakamot ng ulo si Linda.
"Bilisan mo na daw, Linda." Pigil tawa kong asar dito.
Lumingon ito sa akin at masama akong tiningnan
"Kilos na mga bata."
"Opo, Nana."
"Opo."
Magkapanabay na wika namin ni Linda.
Nagsimula na kaming maglakad nang biglang magsalita ang katabi ko.
"Deborah alam mo ba na darating rin mamaya ang anak ni mayor?"
Nangisay ito na tila ba kinikilig.
Napakunot naman ang noo ko. "Saan mo naman narinig yan? Hindi naman nabanggit sa akin ni papá ang pangalan ng mga bisita."
"Narinig ko kay Nestor nang mag-usap sila kanina ni tatay. Narinig ni Nestor ang pag uusap ng Don at mayor. Nabanggit daw ni Don Severino na sinabi ni mayor na isasama nito ang unico hijo nito."
Napapailing nalang ako kay Linda at isa-isa ng kinuha ang mga gamit.
"Hay Linda, ang tsismosa mo talaga. Ano naman ngayon kung darating ang anak ng mayor eh hindi lang naman siya ang inaasahan nating bisita? Marami sila. 'Tsaka tigil tigilan mo nga yang pag ngisay diyan para kang may sakit."
Nang makuha na ang lahat ng kakailanganin tumalikod na ako tumawa ng malakas nang makita ang pagsimangot ni Linda.
Naglakad na ako palapit kay Nana para masimulan na ang gawain habang si Linda ay nakasimangot parin na nakatingin sa kaniyang mga bitbit na rekados at bumubulong bulong na tila kinakausap ang mga gulay at karne. Natigil lamang ito sa ginagawa nang nagsalita si Nana.
"Tigil-tigilan mo nga 'yang pagnguso ng labi mo Linda para kang ibon na may mahabang nguso diyan sa ginagawa mo."
Tumatawa kami ni Nana na lalong nagpasimangot ng mukha ni Linda.
Binuhay ni Nana ang stove at nilagay ang kalan upang painitin ito, habang ako namay naghihiwa ng sibuyas.
Naman, o! Para tuloy akong umiiyak dahil sa sibuyas nato, sana pala kamatis yung inuna ko. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawang paghihiwa habang sumisinghot singhot at nagpupunas ng luha.
Maya-maya pa'y natapos din kami sa ginagawa. Tinulungan ko ngayon si Linda sa pag-aayos ng mesa ng biglang lumapait sa akin si Nana.
"Deborah, pumunta kana sa kuwarto mo at mag-ayos maya-maya lang ay darating na ang mga bisita ng papá mo."
"Sige po. Maiwan ko muna kayo."
Nararamdaman ko na din ang panglalagkit ko kaya mabilis akong pumunta ng kwarto para maligo.
Pagkatapos maligo ay isinuot ko kaagad ang damit na nakuha ko. Hindi naman ako mapili sa kasuotan but my wardrobe is kinda err... Classic? My dresses were in 80's style pati ang mga burda nito ay medyo makaluma. Minsan akong naging human doll ni abuela noong bata pa ako. She's into fashion lalo na noong kapanahunan niya but she sticked with the classic fashion, vintage fashion, but nevertheless I adapted my Abuela's taste in fashion and loved it. We have our own taste in everything and mine used to be old but never outdated. Fashion has its perks.
Kinuha ko ang mapusyaw na lilang damit na lagpas ng kaunti sa aking tuhod. The upper part is designed with white tulip flowers habang ang ibaba naman ay plain it also has a ribbon that perfectly hugs my tiny waist.
Nilugay ko ang buhok ko ng pahati at nilagyan ng hair pin na may leaf design sa kaliwang bahagi.
Hindi ko na nilagyan ng make up ang mukha ko since I don't know how to put such thing on my face. Natural nang mapula ang aking mga labi and my eye lashes were thickly long and naturally curled upward. Medyo makapal din ang kilay ko at natural na maganda ang hulma kaya hindi ako nagpapakilay, while I got my aristocratic nose from my mother.
Actually, I got my mother's features and some says that I look like her exact replica, but I got my father's creamy white skin though I like it tan better like my mother's latina skin pero gusto ko din naman ang kulay ko.
Nang natapos ay nagsuot ako ng simpleng sandalyas at muling tiningnan ang sarili sa salamin at bumaba na.
Habang pababa ng hagdan ay may naririnig akong ingay ng mga nag uusap, I think the visitors just came. Binilisan ko ang pagbaba, nasa huling bahagdan na ako ng bigla akong nabunggo sa pader... Teka bakit may pader?