Medyo nahilo ako noong nabunggo ako sa isang napakatigas na pader kaya iniangat ko ang tingin ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang bigla kong pagkalunod...
I think I just found the most beautiful pair of gray orbs in the world. It's the most tantalizing eyes I've seen in my whole life that I got easily drowned into their depths.
His eyes are so mesmerizing. It's as if they are hypnotizing me to look into them and appreciate their wonders. Ngunit sa kabila ng gandang taglay nito tila ba parang may kulang dito. And they seem familiar, very familar pero iwinaksi ko nalang ang parteng yon at hindi nalang ito pinagtuonan ng pansin.
Tunay na napakaganda ng kanyang mga mata at nakakahalina. Biglang napadako ang tingin ko sa kanyang matangos na ilong pababa sa kanyang medyo nakaawang na mapupulang labi na tila nanghihikayat na mahalikan ito. Napakagwapong nilalang! He got that rugged look and edgy face structure. Lalaking-lalaki ang dating.
Nahagip ng tingin ko ang nakasilip nitong dibdib. May mumunting balahibo sa kanyang kayumangging balat na sa tingin ko ay mas lalong nagpalakas ng kanyang dating. Nakasuot ang lalaki ng puting long sleeves polo na nakabukas ang unang tatlong butones, at may necktie itong kulay asul na nakatabingi pa dahil sa mga nakabukas na butones.
I stared at him dreamily nang bigla kong narinig ang baritono nitong boses.
"Are you okay, miss?"
He was looking at me weirdly like I'm some kind of unidentified flying object and then... Jeez! I looked like a love sick puppy a while ago, wasn't I?
Ibinalik ko kaagad ang composure ko, tumuwid ako ng tayo at tumikhim. "Uhm... yes, I-I'm okay."
Tumikhim ako. "I'm okay."
Inulit ko ito para papaniwalain ang sarili ko na okay lang talaga ako. Well, hindi naman siguro ako nagmukhang tanga kanina diba? Diba?! Ugh! Sino bang niloloko ko?
"Shuta!" Mahinang bulong ko dahil sa pagkainis ko sa sarili.
"You were saying?" Nalilitong tanong nito.
Yati! Sino ba ang lalaking to? Anak ba siya ng isa sa mga kasosyo ni papá sa negosyo? O baka driver siya ng isa sa mga ito?
Teka! May ganito ba kagwapong driver?
Hala! Baka sinusubukan ako ng Diyos kung magpapadala ba ako sa makasasalang temptasyon ng mundo?! Mabilis ako na napa sign of the cross at pumikit.
"Dios mio, Maria Santisima mahabaging langit!"
"What are you do-"
Hindi ko na ito pinatapos at nagsalitang muli.
"Oh, Ginoo! Ilayo niyo po ako sa temptasyon ng mundo! Oh Mahabaging Diyos." Nagkadaup pa ang mga kamay ko at nakapikit ang mata habang nagsasalita.
Ilang segundo pa akong nanatiling nakapikit ngunit hindi ko na narinig pang muli na nagsalita ang lalaki kaya unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit halos pagsisihan ko ang ginawa ko nang nalunod na naman ako ng makita kong muli ang mga mata ng lalaki.
What a wonderful pair of globes, so beau-
'Teka! Hindi! Wag kang magpapadala sa magagandang mata ng lalaking 'yan. Isa siyang sugo ni lucifer!' Iniiling-iling ko ang ulo ko para iwaksi ang larawan ng mata ng lalaki sa utak ko.
"What the hell! Do I look like a damn ally of lucifer to you?!"
Naisatanig ko ba 'yon?
"E-eh a-" hindi na ako pinatapos ng lalaki at pinutol ang sanay sasabihin ko.
"Seriously?!"
"K-kasi a-ano eh.." nauutal ko pang saad.
"What?!"
"Eh kasi naman— Patapusin mo muna ak-"
"Deborah Beatris!"
Naputol na naman ang sana'y sasabihin ko nang biglang may dumagundong na galit na tinig sa buong mansyon.
Tiningnan ko ang nagsalita at nanlaki ang mata ko nang makita ang aking ama na tila umuusok na ang ilong sa galit at nakakuyom pa ang kamay. Patay!
Nang makalapit si papá sa amin ay saglit ako nitong binigyan ng matalim na titig at agad ibinaling ang tingin sa lalaking nasa harap ko.
"P-papá"
"What is happening here, hijo?"
Tiningnan ako ng lalaki na ikanayuko agad ng aking ulo dahil sa hiya.
Ramdam kong nanatili ang titig nito sa akin ng magsalita itong muli. He's all composed now, as if he didn't yell at me a while ago, as if nothing happened.
"Nothing, Don Severino. We're all good in here."
Mabilis kong inangat ang tingin ko dito dahil sa sinabi nito. Nagsinungaling ito, napagkamalan ko pa naman siyang sugo ni lucifer!
'Estúpida, Deborah! Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo.'
Tiningnan ako ni papa at tumango-tango na parang hindi naniniwala.
"I see.."
"Dio! Severino is this Deborah? Such a beautiful young maiden just like her mother, isn't she?" Nakangiting sambit ni mayor habang mukhang namamangha na nakatingin sa akin, habang ako nama'y nahihiya na tumungong muli.
"Sí, Martin. This is my daughter."
"Buenos Diaz Señores, I am Deborah Beatris."
"Such a fine young lady."
"She's beautiful, Severino."
Rinig ko pang sambit ng mga bisita ni papá.
"Oh! And this is my son, Thaddeus Arthur Del Marcial," pakilala ni Mayor Lucas sa lalaking nabangga ko kanina.
A-anak siya ni mayor?! Dios mio! Ba't hindi ko naisip 'yon? Nasabi nga pala sa akin ni Linda kanina na isasama ni mayor ang unico hijo nito.
"Deborah, alam mo ba na darating rin mamaya ang anak ni mayor?" Linda's voice echoed inside my head.
Damn it! Damn it! Nakakahiya. P-pero talaga bang siya yung anak ni mayor? I haven't seen him until now but I heard a lot about him from the towns people. I didn't know he was this handsome. Dio, what have I done?!
"Everyone, let's proceed to the dining, the lunch is ready."
Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko kanina habang nakayuko.
"Hey there, Dear Beatris."
When I look up to him I saw a smirk plastered on his handsome face.
"Mind you, sweetheart, I'm Thaddeus Arthur Del Marcial, not an ally of lucifer." He winked at me and left.
Sumunod na din ako sa kusina pero bago paman makarating ay may biglang humablot sa braso ko at kinaladkad papunta sa may hardin. Napa-igik ako nang naramdaman kong medyo humigpit ang pagkahawak sa braso ko.
"¿Que infernus estás, mujer joven?!" (What the hell did you do, young lady?!)
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nagngingitngit na tingin ni papá.
"L-lo siento, n-no quise auer gonzarte papá y siento haber m-montado esa escena. Lo siento." (I-im sorry, I didn't mean to embarrass you papá and I'm sorry that I m-made a scene. I'm sorry.)
"Te dije que no hideras una escena!" (I told you not to make one!)
Pabarag na binitiwan nito ang ang braso ko. Agad nagmarka ang kamay ni papá dito dahilan ng pamumula ng aking braso kaya mabilis ko itong tinakpan.
Galit si papa sa akin dahil naipahiya ko na naman siya dahil sa pagiging estupida ko.
"I-m really sorry, papá."
"I saw what you did, Deborah. Hindi lang ako kundi pati si Thaddeus pinahiya mo!"
Napayuko na lamang ako
"Don't make me hate you more, Deborah! Remember that."
Nang tumalikod si papá kasabay niyon ang pagtulo ng luha ko, agad ko naman itong pinalis at umayos nang tindig bago sumunod dito papuntang kabisera. He's overreacting. Why does my father always over react?
Nang makarating ako doon ay kumakain na ang mga bisita and they seem to be occupied with their business and political topics. Nang may makitang bakante ay agad akong umupo dito.
Kumukuha ako ng pagkain nang biglang may naglagay ng ulam sa plato ko, paglingon ko ay nakita ko ang anak ni mayor na seryoso ang mukha habang patuloy na naglalagay ng ulam sa plato ko.
"A-anong g-ginagawa mo?"
Seryoso ang mukha nito nang mag-angat ng tingin sa akin.
"Kumain ka ng totoong pagkain, wag puro d**o, Beatris."
Ipinagdiinan pa nito ang pangalan ko.
"At anong pakialam mo doon?"
Tinitigan lang ako nito na ikinailang ko naman. Err... He's acting like we've known each other since then na para bang kilala na namin ang isa't-isa kung pagsalitaan niya ako. He's weird.
"F-fine, quit staring at m-me and just continue eating."
Binawi ko ang tingin ko dito at nagsimula nang kumain, I saw him on my peripheral vision as he continued eating his food.
God... This man!
Habang patuloy na kumakain naririnig ko ang pag-uusap ng mga kasosyo ni papá at ni mayor.
Pinag-uusapan nila ngayon ang gusto ni mayor para sa anak nito.
Nais ni mayor para sa anak na pumasok sa politika at sumunod sa yapak niya ngunit biglang sumabat si Thaddeus.
"Dad, stop that. I told you already I want to build my own firm."
Narinig ko naman si papá na humahalakhak, tila tuwang-tuwa ito sa sinabi nito.
"See Martin, your son wants to become a business man and besides, he's fit to be in the corporate world. He belongs with us," wika ni papá na sinang ayunan naman ng mga kasamahan nitong mga negosyante rin. My father looks so proud with the man sitting beside me.
Napabuntong hininga naman si mayor at nagsalita. "I was just trying my luck, na baka nagbago na ang isip niya at na baka gusto na palang pumasok sa politika. But whatever his decision will be I'll always support him. I always give my full support on whatever he does. I trust my son." He smiled afterwards.
I wish papá was like him, supporting me on my decisions and accepts me on whatever I love to do in this lifetime. But I never had any support from my father, not even a peck of it. None.