Capitulo Cinco

1911 Words
Nang matapos ang pananghalian ay nagpunta sa sala ang mga kasosyo ni papá habang ako nama'y tumulong kina Linda at Nana sa pagliligpit ng mga kinainan bago pumunta sa kuwadra. Nang makarating ako roon ay nagmadali akong puntahan si Alastor. Nakita ko ang aking kabayo na nagpapahinga sa dayami sa papag ng kanyang kuwadra. I whistled and he stood up. Our stable is quite big, I can say. Pinanamamahayan ang kuwadra namin ng higit kumulang labing-lima na mga kabayo and Alas is one of them. May pangalawang palapag ito pero hindi nangangalahati ang ginawan ng pangalawang palapag dahil parang balkonahe sa loob ng kuwadra lang naman ang ginawa rito, at may railings ito na hanggang bewang for safety purposes. Kita mula sa itaas ang mga kuwadra. Sa ilalim naman ng ginawan ng pangalawang palapag ay mga nakatambak na dayami at d**o. When I heard a him neighed nilapitan ko ito at hinaplos ang kanyang leeg. "What can you say about a few lapse, boy? Hmm?" When he neighed again I took that as a yes and smirked. Kaya mabilis akong sumakay dito. Medyo maluwag naman ang saya ng damit ko kaya nakasakay ako ng maayos kay Alas, though my thighs were a bit exposed but it's okay. Nasa mansiyon naman ang mga bisita at saka wala naman sigurong mapapadpad dito. But I guess I'm wrong. Alas and I were on our fourth lap and only one lap left. "Go boy! Speed up!" I ducked my upper body a bit when I felt Alas' speed increase. While the skirt of my dress keeps on hiking up exposing my legs further. "Last lap. Let's go Alas!" I shouted and kept on encouraging my horse. Alastor is a 6-year-old stallion. He is quiet fast and I like it 'cause it gives me thrill, the adrenaline that I need to let my frustrations out. Alas and I have a very strong connection maybe because he was a gift from my beloved mamá that's why I treasure him as a family. O baka dahil siya ang nasasabihan ko ng mga sama ko ng loob noong nawala si mamá. He saw me cry all night long. He saw me broken. He saw me when I break-down seeing my family slowly tearing apart. I was with Alas when in the first place I should've been with my father but unfortunately he was nowhere to be found when I needed him the most. Hinila ko ang tali ni Alas para huminto ito nang may makita akong bulto sa may puno malapit sa pinaghintuan namin. Nang nilingon ko ito laking gulat ko nang makitang si Thaddeus ang nakasandal sa may puno habang nakapamulsa. Nailang ako bigla nang makitang titig na titig ito sa akin—or maybe I'm just assuming too much? 'Yeah, right. Dream on, Deborah Beatris. That hot and gorgeous man with a pair of captivating gray eyes standing meters away is not staring at you.' Wait, what did I just say? I sounded like a flirt. At teka, ba't andito yang lalaking 'yan? 'Andoon dapat siya sa loob ng mansiyon having some business chitchat with the other visitors. 'Yun naman yung rason kung ba't nandito siya diba? So much thoughts for that man. Hindi ko nalang ito pinansin at inalis ang paningin mula rito at bumaba na kay Alas. "Good job, boy." I patted him. Hinahaplos ko ang buhok nito habang iginigiya ito papunta sa kuwadra para pakainin ngunit habang naglalakad ay nararamdaman kong sumusunod si Arturo. Is it fine to call him that? He called me 'Beatris' earlier. We're on a second name basis now, huh? Now, what does this man want? "W-what are you doing here?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong ito at patuloy na naglalakad. "That was a nice show," he replied. Huminto ako sa paglalakad at tiningnan ang lalaki na ngayon ay may pilyong ngiti sa kaniyang labi. "Anong ginagawa mo rito?" Ulit ko. "What's wrong with me watching you, Beatris?" Ipinagdiinan pa nito ang pangalan ko. Only my mom calls me Beatris. I used to be called as Deb or Deborah and it's been a while since I've been called as such. I've prohibited them from calling me by my second name at wala naman nang nagbalak na tawagin ako sa pangalang yan... Maliban sa kanya. "I said what are you doing here, Del Marcial?" Binalewala ko ang tanong nito bagkus ay nagkibit-balikat lang ito. "Just wandering. Care to tour me around?" Hah! Why would I? Baka ano pang gawin niya. 'Tsaka sa nangyari kanina nahihiya ako sa mga nasabi ko, and I don't trust the man. I mean, he's handsome I'll give him that and he has a good body structure, his body muscles were quiet defined but not too bulky like those of the wrestlers have and... I don't really know him. All I know is that he's the only son of Mayor Lucas Del Marcial and Señora Soledad Del Marcial. "Hahanapin ko lang si Mang Felipe, he'll be the one to tour you around." Mabilis kong hinila si Alas at naglakad papalayo, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya dahil sa mga inasal ko na pinagkamalan ko siyang isang temptasyon. Well, he is but just cut the part where I thought he was the devil's ally. And besides, I'm not comfortable around him. I've been feeling something unusual since our little accident a while ago, my heart keeps beating faster and it's weird. Really weird. Nang makarating ako sa kuwadra agad kong hinanap si Mang felipe na nakita kong kumukuha nga mga dayami para sa mga kabayo. Nilapitan ko agad ito para sabihin ang aking sadya. "Magandang araw po, Mang Felipe." Nakangiting bati ko dito. "Ikaw pala, Deborah. Magandang araw din." "Ah, eh, ano po kasi..." Napakamot pa ako sa aking batok bago nagsalitang muli. "May bisita po kasi si papá na gustong libutin ang lugar, p-pwede po bang kayo nalang ang maglibot sa anak ni mayor?" Medyo nahihiya akong magtanong kay manong baka marami pa kasi siyang gagawin, kaso nahihiya din naman akong samahan si Thaddeus lalo pa at may nasabi ako di kaaya-aya sa kanya. "Eh, si Thaddeus ba kamo?!" "O-opo." "Ay! Sige hija. Natutuwa akong napabisita ulit ang batang yon dito, matagal na 'yong di nagawi dito. Yung huli ata nung nagpaturo yung mangalakad ng rancho sa iyong ama. Ang galing nga nung batang 'yon eh napakabilis matuto, eh nasa negosyo yung hilig nun at hindi sa politika na siyang linya ng ama. Gusto pa naman yata ni Mayor na kung sakaling aalis na siya sa kaniyang posisyon, eh yung anak niya yung papalit dahil may tiwala siya dito. At 'saka tunay na mabait yang si Thaddeus lalong malapit din yan sa aming mga may edad na." Napahawak pa ito sa kaniyang tiyan at humalakhak, napatigil lamang ito nang parang biglang natauhan. "Ay susmaryosep napakuwento tuloy ako." Tumawa ulit ito at nagpatuloy. "Nasaan ba siya, hija?" "U-uhm andoon po malapit sa puno ng mangga malapit sa field." "Oh, siya sige, iiwan na muna kita dito ha?" "Ah sige po papakainin ko narin naman po si Alas." "Oh sige." Sinuot nito ang balanggot at nagsimula na itong maglakad papalabas ng kuwadra. Naiwan ako ditong puno ng napakaraming katanungan. Kilala siya ni Mang Felipe? nagawi na dito sa rancho namin si Thaddeus? Kailan? Wala naman akong naaala na nakita ko na siya sa loob o labas man ng aming hacienda, ngayon pa lang ang unang beses na nasilayan ko ang unico hijo ng mga Del Marcial. At saka malapit daw sila ni papá? At nagpaturo pa ito sa aking ama hinggil sa negosyo? I heard a while ago when we were having our lunch. Habang patuloy na kumakain naririnig ko ang pag uusap ng mga kasosyo ni papá at ni mayor, pinag uusapan nila ngayon ang gusto ni mayor para sa anak nito. Nais ni mayor para sa anak na pumasok sa politika at sumunod sa yapak niya ngunit biglang sumabat si Thaddeus. "Dad stop that. I told you already I want to build my own firm," wika ni Thaddeus. "See Severino your son wants to be a business man, and besides he's fit to be in the corporate world. He belongs with us." Thaddeus wants to be a business man though his father supports him, but mayor was hoping that his only son would follow his lead. Iniling-iling ko ang ulo ko para iwaksi sa isipan ko ang mga tanong tungkol kay Thaddeus at papakainin ko pa pala ang kabayo ko. Naglakad ako papalapit sa tambakan ng d**o at kumuha para ipakain kay Alas. "Here you go, bud." I was smiling while caressing his mane and at the same time feeding him. "Im sorry for tiring you, Alas. I just want to let my frustrations out. Napagalitan na naman ako like I'm some 10-year-old kid." Napaismid ako. This day is not yet done but it's exhausting me already. Napaisip ako bigla nang naalala ko na naman ang nangyari kanina sa pagitan namin ng anak ni mayor. May napansin talaga ako sa mga mata niya eh and it's so familiar. Kumuha ako ng maraming d**o at naglapag ng gabundok nito sa papag para madali lang ang pagkain ni Alas nang mga ito. Nang matapos sa ginagawa ay umakyat ako sa pangalawang palapag ng kuwadra at nang nakita ko ang hinahanap ko ay mabilis akong humarap dito at pinakatitigan ang aking mga mata. Then it doomed me. That's why it's familiar—the thing I saw in his eyes because they were somewhat like mine. Nakikita ko sa salamin na kaharap ko ngayon ang nakita ko kanina sa mga mata niya. I saw his broken soul, hindi ito kaagad mahahalata dahil ang makakakuha ng atensyon mo ay ang magandang kulay ng kanyang mga mata. I admit I was drowned by his beautiful globes it was like its beauty covers the sad and lonely soul inside but I easily found out that he was also broken because I am currently looking into them right now... The broken soul, his eyes mirrors mine but what could be the reason behind his breaking? Now I'm curious by the mayor's son. Bakit sa tagal na ni Mayor Lucas na nakaluklok sa puwesto bilang Mayor ng Las Cosas ay ngayon ko lang nakita ang anak nito? Na nagagawi din pala dito sa rancho namin noon? I've been locking myself in my room for years wala ng ibang ginawa kundi magmukmok doon. Going to school and coming back home, that's my routine for years. Baka nagkakasalisi kami ni Thaddeus kaya hindi ko siya nakikita noon. At isa pa, minsan lang din akong makadalo sa mga pagdiriwang sa bahay ni Mayor Lucas because papá doesn't let me come with him. Para bang hiyang-hiya siya na isama ako at makita ng iba na kasama niya ang ako. At sa mga beses na nakapunta ako sa kanilang mansiyon dahil sa miminsang pagdala sa akin ni papá sa kanilang mga pagdiriwang ay hindi ko din naman siya nakita doon. Tiningnan kong muli ang mga mata ko na kulay tsokolate katulad ng kay mamá. Napagdesisyonan kong itigil na ang pag-iisip sa misteryosong katauhan ni Thaddeus at bumaba na para tingnan si Alas ngunit ang bumungad sa akin ay ang lalaking kanina pa gumugulo ng aking isipan na hinahaplos ang buhok ni Alas habang may hawak na d**o at pinapakain ito sa kabayo ko. My forehead suddenly creased as I asked myself. 'What is he doing here?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD