Capitulo Seis

1882 Words
'What is he doing here?' Nilibot ko ang paningin ko sa kuwadra at baka dito siya unang dinala ni Mang Felipe sa paglilibot ng rancho, ngunit wala akong nakitang bakas ng matanda. Asan si Mang Felipe? Bakit mag-isa 'to? Baka nagkasalisi sila. Parang naramdaman nito na may nakatitig sa kanya. I was suddenly taken a back when he turned his head towards my direction that made our eyes meet. "Hey."He plastered a smile on his face showing his fair white teeth. "H-hey... Uhm di ba kayo nagkita ni Mang Felipe? I can see you're all alone." Nilingo ko pa ang ulo sa magkabilang direksiyon na parang may hinahanap. "Yeah, I'm all alone. You left me on the track remember?" Nabigla ako sa pagka-straightforward nito. Para naman akong napipi at biglang hindi alam kung ano ang sasabihin. "U-uhm, A-a-ano kasi..." Yati. I'm stuttering. Napakamot ako sa aking batok. Natigilan lamang ako nang bigla na lang itong humalakhak. "I was just kidding." Ako nama'y napatitig na lang dito. "O-okay." Pinagmamasdan ko ito nang ipinagpatuloy nito ang pagpapakain kay Alastor na tila tuwang-tuwang pa ito dito. "I used to feed him before when I have the chance to and you're lucky to have him, and he's lucky to have you too as his owner, Beatris." Nang lumingon ito sa akin ay nag-abot ang aming paningin na bigla ko namang ikinabaling ng aking tingin sa ibang direksiyon. "Nga pala, pasensiya na sa nangyari kanina, Arturo. I apologize for my bad behavior." Nakakunot na ang noo nito nang balingan kong muli. "Seriously? 'Arturo'?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito sa akin na para bang namali lang siya ng narinig. Napahalakhak naman ako. "You're calling me 'Beatris'. Why did you over react when I called you 'Arturo'? You're Thaddeus Arthur right? Arturo?" Seryosong mukha ang pinaplastada ko habang kausap ito, sa loob-loob ko ay sobrang natatawa na ako dahil sa reaksiyon nito. Ipinagdiinan ko pa ang pagtawag sa kaniya ng "Arturo" dahil natutuwa ako sa ekspresyon nang kaniyang mukha. Hindi ko na napigilan at tuluyan ng napahalakhak nang lalong lumalim ang kunot sa noo nito. "Seriously, woman?" I just shrugged. "It's okay," aniya. "Anyways, you're good in track." Noo ko naman ang napakunot ngayon dahil sa sinabi nito. Ah, pinapanood nga pala ako nito kanina. "Salamat. But why are you watching me a while ago when you should've been at the mansion talking about your new business venture with the other visitors?" "Well... I just want to look around." Iniwas nito ang tingin sa akin at inilibot sa buong kuwadra. Nanliit ang mga mata kong pinanood ito. "Oh, okay..." Nakita kong hindi na kinakain ni Alas ang natirang dayami. "Tapos ng kumain si Alas, ipapasok ko na siya sa kaniyang kuwadra." Naglakad ako papalapit kay Alas at hinawakan ang tali nito nang maramdaman kong may pumatong sa ibabaw ng kamay ko. A big and calloused hand were on top of mine. Nanlaki ang mga mata kong tiningnan ang magkapatong na kamay namin ni Arturo. Mabilis kong binawi ang aking kamay at yumuko nang maramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mga pisngi. "Ako na ang bahala sa kaniya." Wika nito sa malalim na boses. Tumango nalang ako bilang sagot dahil sa hiya. Why am I acting like a teenager? Wake up, Deborah. Don't be such a corn. Nang hinila nito si Alas at iginiya papunta sa kuwadra nito ay nakayuko lang akong sumunod sa likuran nito, habang naglalakad ay bigla naman akong napatigil nang mabangga ako. Nang iangat ko ang tingin ko ay nasa harap na pala namin ang kuwadra ni Alas, hindi ko napansin na huminto si Arturo kaya nabangga ako dito. Isa sa napakaraming katangahan na ginawa ko para sa araw na ito. "I'm sorry," turan ko pa. Nagpatuloy lang ito sa pagpapapasok kay Alas sa kuwadra nito. Tinanggal ni Arturo ang tali na nakakabit sa kabayo at inilagay sa sabitanan. Nang isarado nito ang pintuan na hanggang balikat ko ay nilapitan ko si Alas at hinaplos ito. "I'll go ahead, Alas." The horse neighed as we turned our backs and walked our way back to the mansion. The healthy green grass we're stepping on looks so vibrant. Ang sarap din ng hangin at hindi gaanong mainit dahil naglalakad kami sa lilim ng mga nakalinya na puno. We were silent for a while walking our way back until I choose to break the silence. I cleared my throat. "H-how old are you by the way?" Yeah, yeah I know. I'm lame when it comes to conversation. I'm not good at conversing with people I just met. "27." "O-oh..." He's 6 years ahead of me. "I'm currently working at my grandfather's company in Manila. I just recently came back here in Las Cosas." "Why didn't you took politics?" "I'm not into it, I have found my passion in the business industry that's why I'm studying how to run a ranch with the help of you father back then. Balak kong magtayo ng rancho at dito manirahan sa Las Cosas, I love the Rural Life." "Then why are you in Manila? And you mentioned about wanting to build your own firm." "Hmm. Partly, yes. I want to build my own firm I want to build it here in Las Cosas, sa bayan. I want to help our small province to somehow develop and help our people have a nice paying job." Tiningnan ako nito at ngumiti. "I thought you want a city life." Nakakamangha sa isang katulad niya na gustong manirahan dito sa probinsiya kaysa sa lungsod. Maybe I judged him a little? 'Talaga ba? Kaunti lang?' usig ng konsensiya ko sa'kin. Mas lalong nakakamangha ang nais nitong makatulong sa aming probinsiya. He may not join his father in politics but just like his father he's nurturing the value of helping people which is very rare for a man with a golden spoon. "How about you, Beatris?" "Hmm?" "What are you passionate about?" Napaisip ako sa tanong nito. I actually am happy with what I'm doing right now. I'm helping papá run this ranch but I wanted to try and help papá in handling our company too. I graduated with the Bachelor of Science in Business Management though I know I can use it more if I work in our company pero ayaw naman ni papá. We own a company but papá doesn't want me to work in there, ayaw din naman nitong mag trabaho ako sa ibang kompanya dahil baka ipapahiya ko lang daw ang pangalan ng aming pamilya kapag pumalpak ako. Sabi pa niya dito na lang daw ako tumulong sa pagpapatakbo ng rancho. Minsan na rin akong napaisip na para bang kinukulong ako ni papá dito sa rancho. I once dug for an answer but I found nothing. Ayoko namang tanungin si papá dahil baka lalong uminit ang ulo niya nang dahil sa akin. I don't want him to hate me more. I understand papá's harsh rants towards me whenever I do something wrong. At least, I'm trying to. "Masaya naman ako sa pamamahala ng rancho," sagot ko kay Arturo. Ilang segundo ang lumipas na walang nagsasalita ni isa sa amin nang bigla itong huminto, so I also stopped on my tracks. Nagtataka ko itong tiningnan. "Are you really happy, Beatris?" Mariin akong tinitigan ng magaganda nitong mga mata. I gulped. "O-ofcourse, bakit naman hindi?" Tumawa pa ako ngunit natigil din nang makita kong wala pa rin itong reaksiyon. "Stop pretending to be happy when you know you're not. You're very transparent, woman. Just so you know." Sandali akong nabigla sa sinabi nito. 'Ang maldito pakinggan, ah.' Nang bumalik ako sa huwisyo ay agad kong sinalubong ang mga titig nito at nagwikang, "I'm happy Arturo. I really am." Sinubukan kong pagtagpuin ang aking kilay upang magmukhang tigasin ngunit bigo. Ilang sandali kaming nagkatitigan, una akong nagbawi nang tingin. "Malapit na tayo, bilisan na nating maglakad," ani ko. Naglakad akong muli at sumunod naman ito. Nanatili nalang kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa mansiyon. "Thaddeus is here we can now start the meeting." Salubong sa amin ni papá. Agad nitong dinaluhan si Arturo at iginiya papunta sa library ang mga bisita, ni hindi man lang nito pinansin ang aking presensiya. Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo sa kusina. Nakita ko doon si Nana at Linda na nagkukulitan kasama sina Manang Letty at Ate Terry na kapwa mga kasambahay namin. "Magandang hapon," nakangiting bati ko sa mga ito. "Deb! Halika!" Humahagikhik pa si Ate Terry habang pinapalapit ako sa gawi nila. "Mukhang nagkakasiyahan kayo dito, ah. Anong meron?" Lumapit naman ako sa mga ito at nakita ang nakabusangot na mukha ni Linda. Pinagkaisahan na naman to sigurado. "Ba't nakabusangot 'tong isa?" tanong ko sabay turo kay Linda. "Eh kasi, may gwapong bisita kanina na sa hindi sinasadya 'daw' ay natapunan ito ni Linda ng juice," si Manang Letty. "Naku, naku. Hindi pa daw sinasadya. Eh kaya ayun napagalitan nung gwapong ma-ma. Mga nasa bente-singko pa yun. Gwapo, bhe 'tsaka yummy..." Sabi pa ni Ate Terry na kinikilig pa habang kinukuwento ang lalaki. "Ay oo nga ate truelalu ka diyan," segunda pa ni Linda. Sabay pang humagikhik ang dalawa nang bigla silang binatukan nang sabay ni Manang Letty at Nana Esther na siyang ikinatawa ko ng husto. Napabusangot ang mukha ng mga ito. "Santisima! Ikaw Linda ha umayos-ayos ka! Namantsa pa tuloy yung polo no'ng tao dahil sa kagagawan mo. Buti sana kung aksidente, halatang sinadya mo naman. Susko ka, halika ka nga dito at nang makurot kita!" Tumakbo naman si Linda at nagtago sa likod ko. Ayun, takot kay Nana. "Ikaw naman, Terry 'wag mong sabayan 'tong si Linda. Kaya ito lalong nagiging suwail eh!" Pagpapatuloy pa ni Nana na sinegundahan naman ni Manang. "Oo nga." "Eh, hehe pasensiya na Nana at nadala lamang ako sa bugso ng aking damdamin." Nakadaup pa ang mga kamay ni Ate Terry sa dibdib at nakapikit ang mga mata habang nagsasalita. "At talaga namang-" "Oh! Chill ka lang, nay! Chill..." Pagpipigil pa ni ate terry sa nanay nito na si Manang Letty. "Kaya ikaw Deborah, 'wag kang gumaya sa dalawang iyan ha? Naku tatanda ako nang maaga dahil sa inyo." Iiling-iling pa na wika ni Nana. "Oh siya, halika na Letty at may gawain pa tayo sa likod-bahay. 'Wag kayong gagawa nang kabalastugan ha, Terry, Lindarisma." Tumingin ito sa akin matapos pagsabihan ang dalawa. "Bantayan mo yang mga iyan, Deborah." Bilin ni Nana na ikinailing ko. Nang makaalis sina Nana at Manang ay nagsalita na ako na may pagka-eksahedera habang tinuturo sina Ate Terry at Linda. "Itong dalawang 'to walang gagawing kabalastugan? Isang malaking kasinungalingan!" Tawang-tawa ako sa mga mukha nila. "Sige lang pagtawanan mo kami De-borah the explorer. 'kala mo sinong hindi kasama ang anak ni mayor kanina." Mungkahi ni Linda na ikinatawa nila ni Ate Terry. Napakurap ako. "H-hoy nakita ko lang yun na nagawi sa kuwadra. Nilalagyan mo naman agad ng malisya, Lindarisma." "Ay sus, gwapo naman yung boylet, bhe. Inggit lang 'tong si Linda dahil sinungitan siya nung crush niya." Tumatawa kami ni Ate Terry nang biglang sumabat si Linda. "Tse! Ang ganda ko kaya! Sadyang bulag lang 'yong si Mr. Pogi." "Grabe! Ikaw na dai a-" Naputol ang sasabihin sana ni Ate Terry nang may biglang nagsalita sa intercom na nasa kusina dahilan nang pagkatigil nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD