Capitulo Dieciocho

2045 Words
Ang sasarap ng mga pagkain na nasa lamesa ngayon. Nakakatakam... "You're oozing me again," he said proudly. I rolled my eyes in annoyance. Pumitas nalang ako ng isang ubas at nishoot sa bunganga nitong lalaking kasalukuyang tumatawa sa harap ko. For three... and shoot! Tumayo ako at inilagay ang dalawa kong kamay sa magkabilang bewang habang nakataas ang noo. "Who's the MVP now?" I asked boastfully. Luckily he didn't choke. But he was giving me death glares while chewing the grape. Kami lang dalawa ni Arturo dito sa dining ngayon dahil iniinit ni manang ang mga niluto niya kaninang hapon bago kami nagsimba para sa Noche Buena. We helped her a while ago pero pinalabas lang niya din kami ni arturo dahil sa kakulitan namin, at baka daw walang maihain sa lamesa mamaya dahil panay ang pagtatalo namin ni arturo. It's his fault though. Lagi niya akong inaasar. Naging hobby kasi ni Arturo ang pakikisabay nang nood sa akin ng Tom and Jerry. Gusto niya sigurong sundin kaya sandali kaming naging sina Tom at Jerry sa kusina kanina. Kaya ayun napalo pwet namin kanina ni manang. Napabalik nalang ang ulirat ko sa kasalukuyan nang magsalita si Arturo. "Beatris..." Nakaupo ito at pumipitas ng ubas at dahan-dahang isinusubo habang nakatingin sa akin na parang may binabalak na masama. "Oh?" Pinaningkitan ko ito ng mata. Kinuha ko ang mansanas at kinagatan ng marahan. "Wala lang," kibit-balikat niyang tugon. Nakasandal ako ngayon sa pader ng dining at nakaharap sa lamesa. Dahil sa katahimikan ay naging okupado ako sa pagkain ng mansanas. Tinititigan ko ito at may isang katanungan na nabuo sa aking isipan habang tinitingnan ito. "Arturo?" tawag ko dito habang tinitingnan pa rin ang apple na para bang isa itong specimen. "What?" "Ang paraan ba ng pagpaparami ng Mansanas ay sa pamamagitan ng pakikipag ano nito sa Womansanas?" Ilang sandali na ang lumipas ay nakipagtitigan lang ito sa akin at hindi sumagot. Seryoso ang mukha nito kaya nagkibit-balikat nalang ako at kumagat ulit sa prutas na hawak. Ang gulo nang utak ko nitong mga nakaraang ar- Wait. What? Tamad kong binalingan ng tingin si Arturo. Nakaipit ang kaliwa kong kamay sa kanan na braso ko na hawak ang mansanas. I kept my fierce façade kahit na kinakabahan ako ngayon at kahit na paulit-ulit nalang 'tong eksenang 'to. Being caged isn't good when experienced often times. "What now?" Walang gana kong tanong sa kanya. Kung kanina'y nakaupo it, ngayon naman ay nasa harap ko na ito. Hindi ko namalayan ang paglapit nito pero ganun nalang ang pagrolyo ng mga mata ko dahil sa kinasasadlakan ko ngayon. Nakasandal ang kaliwang kamay nito sa dingding na tila kalahating kinukulong ako. Heto na naman siya. "Remember what I said at the car a while ago?" tila paos ang boses nitong nagtatanong. Napalunok naman ako ng makatlong beses at kinagatan ang mansanas ulit. "Ah, can you give me some space, Arturo? 'di ako makahinga eh." Itinaas ko ang dalawang palad at sumenyas ng patulak. "Saka ano bang pinagsasasabi mo? At isa pa. Huwag mo akong malandi-landi, Arturo ha. May nobya ka pa man ding tao." Aalis na sana ako ngunit idinikit din nito sa pader ang kanan nitong kamay. Ngayon naman nakakulong na talaga ako. Hindi lang kalahati. Now I'm fully trapped! Nang tingnan ko ang mukha nito ay nakaplastar doon ang kalituhan. "What girlfriend are you saying, Deborah Beatris?" Ay! Nakalimutan agad si Catherine? "Arturo. Bente siete-anyos ka pa lang pero para ka nang senior magsalita ngayon. Kilala mo pa naman siguro si Catherine 'no?" Umatras ito at nakapamulsang tumayo sa harap ko. "She's not my girlfriend," he said with a serious tone Ako naman ngayon ang nagtagpo ang kilay. Catherine's not his girlfriend? Kung ganoon bakit sinabi niyang girlfriend siya nito? Pinagbantaan pa nga ako no'n. And as far as I've remembered may nakita akong larawan niya at ni Catherine na magkayakap at tila mahal na mahal ang isa't-isa sa drawer nito sa opisina... Now is definitely not the right time to overthink about Catherine and the mysterious picture. I'll ponder about it next time. -- "Merry Christmas!" Sobrang ingay ng paligid at ang kalangitan nama'y napapalamutian ng mga makukulay na paputok. Hinipan ko ng malakas ang torotot ko habang tumatalon-talon. I'ts been a long time since I've felt this kind of adrenaline for Christmas. Ngayon na lang ata ulit. And it's so overwhelming. I looked at the sky and closed my eyes as I whispered my greetings to my mom to the wind. "¡Feliz Navidad y Año Nuevo Madre." (Merry Christmas and a Happy New Year Mamá.) "Merry Christmas,.Beatris." Agad kong nilingon ang nagsalita at hinandugan ito ng isang matamis na ngiti. "Merry Christmas, Arturo," I replied and plastered a smile. Nandito kami ngayon sa gilid ng kalsada kasama ang iba naming mga kapitbahay. Sabay-sabay naming sinalubong ang Pasko. Pinagmamasdan namin ngayon ang isang paputok na tinatawag nilang fountain. Para nga itong isang fountain kung pagmasdan. Ngunit sa halip na tubig ay apoy ang ibinubuga nito. I already greeted my father at sila nana sa Las Cosas kanina. Sobrang halata na miss namin ang isa't-isa base sa pag-uusap namin. "Bueno!" Miss na miss ko na sila, at ganun din naman yata sila sa akin dahil halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila. Lalo pa't nag-uunahan ang mga ito. Pero syempre mas nangunguna ang tinig ni Lindarisma na parang speaker ang bunganga sa lakas ng boses! "Debora--vfgahaujaoabtatnxoxlsoan kamust-harwardeyforskalambersilajhba." I wasn't able to decipher what she just said. Nahampas ko pa ang noo at napapatawa habang pinakikinggan sila. Halata ngang na-miss nila ako. Pero maya-maya din ay narinig kong inawat sila ni nana at ito ang nagsalita. "Deborah, hija!" "Nana! Kamusta po kayo diyan?! Miss na miss ko na po kayo!" Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko pero pinigilan ko ito. Ayokong gumaralgal ang boses ko habang kausap sila at baka mag-alala pa ang mga ito sa akin lalo na si Nana. "Diyos ko, hija! Miss na miss ka na din namin... M-miss ka na ni Nana. Ayos lang kami dito." Tingin ko'y naiiyak din si nana pero nagpipigil din. How I wish they're here, lalo na at Pasko. "Ayos na ayos ako dito, Nana," nakangiti kong tugon. "Inaalagaan mo naman ba ang sarili mo? Baka masyado kang nagpapagod sa trabaho, Deborah ha? At hindi ka na kumakain sa tamang oras. Naku! Alam ko pa namang 'di ka kumakain pag di pinapaalalahan." "Oh, Nana hinga pong malalim, inhale... exhale... inhale... exha-" "Aray naman, nay! Tinutulungan ko lang si Nana eh, baka maubusan ng hangin at parang nagra-rap na habang pinapaalalahan si Deborah Beatris." "Ay, naku! Magtigil ka nga sa mga kalokohan mo, Lindarisma!" "Nay naman! Linda nga!" bulalas pa nito sa ina na si Aling Letty. Napangisi ako nang marinig ang madaldal na si Lindarisma. Pinaglihi kasi sa ari ng babaeng baboy 'tong si Linda eh kaya 'di matigil sa kadadal-dal. "Kumakain po ako ng maayos, Nana at inaalagaan ko po ang sarili ko. 'Wag po kayong masyadong mag-alala sa'kin." "Debs, baka naman maraming bebe boys diyan sa Maynila. Pahingi ako girl!" si Ate Terry. "Isa ka pa Teresita! Papaluin ko na talaga kayo kapag hindi pa kayo nagtigil," panenermon pa ni Aling Terry sa mga anak. "Oo na po, nay. 'Di na ako magsasalita, nakazipper na po ang bunganga ko. Sorry na, nay." Rinig ko sa kabilang linya kung paano inalo ng magkapatid ang ina. Napatawa nalang ako sa kalokohan ng dalawa. "Uhm, Nana?" wika ko. "Oh, hija?" "S-si... si papá po, kamusta siya bago siya umalis pa ibang bansa?" Sandaling katahimikan ang namayani sa amin dahil sa tanong ko. I greeted my father through text but I didn't receive a single reply. Baka busy lang. I understand him. "Hindi ba kayo nagkausap ni Severino?" tanong nito na hindi ko nasagot. "Ayos naman siya, Deborah. Maayos ang papá mo," dagdag pa ni nana. Napahinga naman ako sa narinig. "Mabuti po kung ganoon." Sa sobrang dami ng nangyari sa aming pamilya 'di pa rin mawawala ang pag-aalala ko sa aking ama kahit gaano pa ka lamig ang pakikitungo nito sa akin. He's still my father. Marami pa kaming pinag-usapan nina nana at hindi nawala ang kulitan namin nila Linda at Ate Terry, hindi ko alam kung ilang kurot sa tenga ang naabot ni Linda kay Aling Letty dahil sa sobrang daldal nito. Napabuntong hininga nalang ako bago nabaling ang atensiyon ko kay manang Tess nang lumabas ito ng bahay at lumapit sa amin. "Pasok na kayo Deborah at magno-noche buena na tayo," wika niya sa amin ng katabi ko. Nagkatinginan kami ni Arturo at sabay ngumiti ng loko. Nag-unahan kami sa pagpasok sa loob ng bahay dahil... Mga patay gutom kami. "Oy! akin yung paa, Arturo!" Nauna kong makuha ang paa ngunit hinawakan din ito ng damuho kaya ang nangyari ay nag-agawan kami. Naku naman... Si manang naman ay inawat kami at binigay ang isa pang paa. "Jusmiyo marimar sa inyong mga bata kayo, oo! Heto't tig-isa kayo at wag na kayong magpatayan diyan." I bumped my shoulder into his at tinignan siya masama. "Kasalanan mo," bulong ko sa kanya sabay titig ng masama rito. "Ikaw may kasalanan, hindi ako." "Ikaw," giit ko pa. Hindi naman ito nagpapigil at bumawi din. "Ikaw," ani pa niya. Narinig namin ang paglagapak ng lamesa at ganon nalang ang kaba namin nang makita ang nakakatakot na mukha ni manang na parang ano mang oras ay ipapakain na kami sa buwaya. Kinuha nito ang walis at ipinakita sa amin. Sabay nanlaki ang mga mata namin ni Arturo. Isa lang ang ibig sabihin nito... Run! "Ahh!!! takbo!" Napasigaw ako nang simulan na kaming habulin ni manang. "Hali kayong mga bata kayo at papaluin ko ang mga pwet niyo!" Nakakasindak ang banta ni manang. Dio! "Not my sexy butt, manang!" Pag-ayaw pa ni Arturo. But eww... He's so gross. "Stop talking bad words, Arturo!" sigaw ko dito habang tumatakbo pa rin. "It's true! I have a sexy butt." Tumalikod pa ito at ipinakita sa akin ang pwet nito habang suot pa rin ang pedal shorts syempre. He's even squishing his butt. Goodness! Pareho kaming nasa likod ng sofa ni Arturo at si manang sa harap. This precious sofa is our shield para hindi kami maabot ng manang ng nakakatakot niyang walis. Nang pumunta si manang sa kanan kumaliwa kami, at nang pumunta ito sa may gawi namin ay umikot kami at si manang na ngayon ang nasa likod ng sofa at kami sa harap. Ang galing na ng strategy namin sana... pero 'yon ang akala ko. Nasa gilid lang naman ako ngayon at humahagikhik habang pinagmamasdan ang kawawang si Arturo na kasalukuyang ngumangawa sa sakit na hatid ng.... Walis ni Manang Tess! "A-aw! Ouch! M-manang Tama na p-po!" Napapatalon pa ito habang pabirong pinapalo ni manang sa pwet. "Manang, 'wag niyo pong kawawain si Arturo please?" I gave her a sad look with matching puppy eyes and pouted lips. "Kawawa po siya kasi ang hina ng hampas niyo. Lakasan niyo pa po," patuloy ko pa sabay tawa. Tumatawa ako ng malakas nang magawi ang tingin ko kay Arturo. He's giving me a death glare but... Nah! He deserves that. Nagpamewang si manang at umupo sa sofa at sumandal doon na parang pagod na pagod. Hindi lang sa habulan namin kundi pati na rin sa kakulitan. Pero mabait talaga ako. Si arturo ang salbahe. "Pinagod niyo 'kong mga kuting kayo! Ang sasarap niyong pagkukurutin sa tagiliran. Hay..." Lumapit ako sa matanda at malambing na niyakap ito. "Sorry na po manang kung nakulitan kayo ng sobra kaya Arturo. Huwag po kayong mag-alala de-desiplinahin ko po siya." Tumango-tango pa ako pero agad ding napaigik nang maramdaman ang konting kurot ni manang sa tagiliran ko. Napangiwi ako na lumalayo dito. "A-aray po..." Narinig ko ang pagtawa ng kung sino dahilan ng pagtapon ko ng masamang tingin dito. "Manang kurutin niyo pa po si Beatris." Aba't?! Sinulsulan pa talaga si manang ah? "Ay isa ka pa, Deborah. Pareho lang kayo nitong si Thaddeus. Susko! Pinaglihi 'ata kayo sa daga at ang lilikot ninyo. Oh, siya! Halina't kumain na tayo. Nagutom ako sa kakahabol sa inyo." "Hindi sumakit ang tuhod mo, manang?" Sabay kaming humagikhik ni Arturo sa sinabi nito. It's still a lovely Christmas after all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD