The next days and weeks went by so fast. The yultide season has come and the cold breeze of northeast monsoon is felt by the tons.
The Christmas trees are being displayed in the houses, designed with the beautiful christmas lights and decors.
So far, maayos ko namang nagagawa ang trabaho ko bilang assistant ni Arturo and I'm happy with my progress. At saka masaya rin ako na nakahanap ako ng kaibigan sa pagkatao ni Elena babaita.
About the Del Turo. We have been informed na kailangan pa ng ilang linggo o maaring buwan para sa thorough check up ng building. To secure us that it's totally safe bago gamitin. At sinumulan na rin akong turuan ni Arturo sa good leadership and management, since I already learned the basics way back in college. And so far madali naman daw akong natuto 'ika pa nga ni Arturo.
And as for my feelings for him... I'm still confused if I truly like him or not, or maybe I'm just in denial.
"Hija, pakilagay naman nitong mga bola sa puno."
"Ah, sige po."
Kinuha ko ang box na puno ng mga Christmas balls at lumapit sa Christmas tree.
We're are currently putting up the Christmas tree and we're designing the house as well.
"Teka, Beatris. I'll just finish putting these lights."
Kasalukayang nakapatong si Arturo sa hagdanan habang kinakabit ang lights sa puno, wearing only a boxer and white sleeveless shirt na hapit na hapit sa kanyang katawan.
Ang yaman nga nitong lalaking 'to pero parang naghihirap dahil 'yan ang madalas niyang suot dito sa bahay. Parang walang pera dahil tila nagtitipid ng tela ang mga damit niya.
Minsan ko na siyang sinuway diyan pero sabi niya,
"Para naman 'di na mahirapan si manang sa paglalaba. And besides it's so hot in the Philippines. Kasing hot ko." Pabiro pa nitong pinaypayan ang sarili gamit ang damit.
Napailing nalang ako sa turan nito.
"Never knew you were a joker, Arturo." Pailing ko pang saad.
"And who says I'm joking?"
He came near me while still doing the macho dance and... Oh God! Help!
"Dios Mio! Ang sagwa mo, Thaddeus Arthur!" Napakapit ako sa tiyan ko dahil sa sobrang pagtawa. Arturo and his moves.
But my laugh was short lived when he came near me and macho danced in FRONT OF ME! Dios Mio!
Napalitan ang tawa ko ng pagtili. I stood up and run. And yeah... Naghabulan kami sa sala na parang mga bata.
Napansin ko ding hindi na bumalik sa opisina si Catherine, ni hindi din naman ito minsang nagawi dito sa bahay. O baka si Arturo ang bumibisita sa bahay nito. But whatever it is I don't care.
Nang matapos si Arturo sa paglalagay ng Christmas lights ay hinalinhinan ko ito sa pagdisenyo.
Habang naglalagay ng mga bola ay bigla akong natigil ng maramdaman ang pagpatong ng isang kamay sa akin.
Nang tingnan ko ito ay isang pilyong ngisi ang nakapaskil sa mukha ni Arturo. Diyos ko, bakit ang landi ng lalaking 'to? I want to enroll myself on a course called "How to resist temptation".
"Ako na," aniya.
Binawi ko naman ang kamay ko at umiling. 'Tsk, wag mo 'kong landiin Arturo at baka masampal kita.' Sa isip-isip ko pa.
"Tulungan mo nalang ako at 'wag mong akuin ang trabaho ko."
"Okay."
Napansin ko ang biglang pagkawala nito sa gilid ko, pero laking gulat ko nang maramdaman ko ang dibdib nito sa likod ko.
Natuod ako sa kinatatayuan ko at 'di gumalaw.
"Anong ginagawa mo diyan, Arturo?" Mariin kong saad.
"Hmm? Kinakabit 'tong Christmas balls. Nakaharang ka kasi."
'Di ko napigilang lingunin ito.
"Hah! Eh, sa laki ba naman nitong. Christmas tree bakit kailangan sa pwesto ko ikaw maglagay?" Nakapamewang ko pang saad dito, habang siya'y nakangising naglalagay pa rin ng bola sa tree.
Halos wala nang espasyo sa gitna dahil sa sobrang lapit namin. Nakaangat ang mukha ko sa kanya habang kinakausap siya. I can smell his mint breath from where I stand. But my eyes widened in shock because of his next stunt.
Natigil ito sa pagkakabit at sinilip ang mukha ko, pero ang ikinagulantang ko ay nang ipinantay niya ang mukha sa akin at inilapit na halos ikapuwing ko na!
My mouth slowly hanged open as I stared at his handsome face. Natigil ako ng ilang sandali at pinagmasdan ang kanyang mukha.
Ang magulo at itim na itim nitong buhok, ang pares ng makapal nitong kilay na parang kay sarap pasadhan ng daliri... His thick and curvy eye lashes that most of the girls die for. His pointed nose... His slightly opened pouty lips na kay pula at tila kay sarap halikan. Most of all his prominent jaw... na kasalukuyan gumagalaw like he's chewing a gum. And Dio! The sweat on his forehead that's cascading down to his cheeks... and to his jawline d-down to his sweaty neck. At bumaba pa hanggang sa kanyang dibdib na tila nakihalo ang pawis mula sa kanyang noo doon sa mga namumuong pawis sa kanyang dibdib na may kaunting buhok... Goodness! what a sight to behold!
"You done checking me out, sweetie?"
Napabalik ako sa ulirat nang marinig ang sarkastiko nitong tanong.
I want to erase the smirk that's plastered on his damn fac dahil para ako nitong tinutukso na ang manyak ko at pinagnasahan ko siya.
Bakit, dai hindi ba't totoo naman talaga na pinagnanasahan mo siya?
Alright! I am ashamed na pinagpantasyahan ko siya sa mismong harap niya. Ang sarap din kutusan nitong sarili ko minsan, eh! But I have to collect myself. 'Di dapat ako magpahalata na napahiya ako. Urgh! Shame on me!
I cleared my throat and stood proudly.
"Ang baho mo."
'Yan lang ang tanging nasambit ko bago ito tinalikuran. Leaving him with a mouth hanged open. I want to badly tap myself for a job well done, pero mamaya na at kailangan ko pang pagalitan ang sarili ko dahil sa sobrang pagkamarupok.
It's Christmas pero pinili kong dito na lang sa Manila ito ipagdiwang kesa sa Las Cosas since Papa's still out of the country.
I'm wearing a beige dress for the last mass of misa de gallo. It's seven p.m. already at malapit na naming salubungin ang pasko.
Christmas... A time when everybody's happy, celebrating the birth of Jesus Christ. Christmas is not all about the decorated trees and houses with the shiny and glittering lights. Christmas is when God the Father sent His only Son on earth to save the human race.
Dati ay kapag pasko gustong-gusto ni mamá na may belen sa altar dahil ito daw ang totoong simbolo ng pasko, at hindi si Santa Claus.
"Sobrang mapagkumbaba ng Diyos dahil ang natatangi niyang anak ay hindi ipinanganak sa Hospital o sa Bahay-Anakan. Bagkus, si Hesus ay ipinanganak lamang ni Maria sa isang kulungan ng mga tupa. Ibinaba niya mula sa langit ang Kaniyang Anak upang tayo'y iligtas. Kaya't tayo'y magdiwang sa kaarawan ng ating Diyos na si Hesus!" Wally ng pari.
Habang nakikinig sa pari ay napansin kong kanina pa stiff sa kinauupuan niya si Arturo kaya nilingon ko ito. Mataman din pala itong nakikinig kaya ibinaling ko ulit ang paningin ko sa pari.
"Pero ang pagbaba ni Hesus sa lupa ay tanda din ng sakripisyo. Sakripisyo na sa kadahilanang mahal tayo ng Diyos Maykapal ay isinakripisyo ni Kristo ang kanyang sarili upang tayo ay maligtas. Ganyan kalaki ang pagmamahal sa atin ng Diyos. Ganoon naman tayo hindi ba, mga kaibigan? Nagsasakripisyo tayo para sa mga mahal natin at ganoon din sila. Nagsasakripisyo sila, na kahit maging ang kanilang mga buhay ang kapalit kung para ito sa ating kapakanan ay gagawin nila. And that's Love everybody..."
Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na litanya ng pari dahil nahulog ako sa malalim na pag-iisip.
Sacrifice... I wonder how powerful love is, na miski buhay natin kaya nating isakripisyo para mga minamahal.
God sacrificed His only Son to save the human race... Mom sacrificed herself for me...
My eyes started to sting and well with tears. Ramdam ko rin ang namumuong bara sa aking lalamunan na pilit nilulunok.
I looked at the ceiling and blinked a lot of times para hindi tuluyang malaglag ang mga luha ko. Mamá...
Habang nakatingala ay may biglang humawak ng kamay ko. I felt the tight grip on my hand that tells me na nandiyan siya. He gave me comfort through silence. And that's my cue... My tears fell down. My tears traced the line against my cheek. Pinahid ko agad ito. I looked at him through my peripheral vision. I smiled at him a little and murmured my thanks.
Ilang sandali pa'y nakatayo na kami at kinanta na namin ang Ama namin. Mahigpit ang pagkakahawak ni Arturo sa kamay ko. Madiin ito ngunit hinayaan ko na lamang.
Pagkatapos ng kanta ay narinig ko na ang pagbulong ng mga tao nang salitang "Peace be with you".
Nagbow ako sa harap, likod at magkabilang gilid ko.
"Peace be with you." Wika ko kay Arturo.
Tumitig ito sa akin na tila binabasa ang ekspresyon ko bago ngumiti saka ibinalik ang mga salita.
"Peace be with you, Beatris."
Lumapit ako kay manang at nagmano dito at hinalikan ang pisngi. Ganun din ang ginawa ni Arturo, pero laking gulat ko nang matapos magmano kay manang ay lumapit ito sa akin at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa pisngi.
Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi kaya naman yumuko ako para itago ang kahihiyan. I'm blushing because of that stolen kiss on the cheek!
Kung wala lang ako sa simbahan baka kanina pa ako nagmumura dito.
Habang pauwi ay tahimik lang ako at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.
"Ang tahimik mo yata, hija?" Rinig kong tanong ni manang.
Nasa backseat ni manang habang nasa drivers seat si Arturo at ako naman sa passengers seat. Kami sanang dalawa ni manang sa likod pero nagreklamo itong lalaki kanina na gawin ba daw naman namin siyang driver? Pero driver naman talaga namin siya ngayon.
"Hindi ako sanay na tahimik ka, Deb dahil napakadaldal mo sa bahay." Pagpapatuloy pa ni manang Tess.
"Right. Why are so silent, Beatris?" Si Arturo.
Napabaling ang tingin ko mula sa bintana papunta sa drivers seat ng sasakyan nang segundahan ang sinabi ni manang ng lalaki na nandoon. Nakangiti pa ang loko na parang nang-aasar.
Kasalan mo oy! Ulol! Mura ko pa dito sa isip.
Forgive me, God for swearing. Kasalanan talaga 'to ni Arturo, eh. Pero tinulungan ka niya kanina, girl. Ikaw pa may ganang magalit? Chalan lang, ateng?
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa gulo ng isip ko.
I looked at him again. I raised my eyebrow and smiled sarcastically.
"Nag-iisip po kasi ako manang kung anong magandang iregalo sa isang pilyong bata. Ayaw ni Santa ng mga naughty kid diba po, manang?"
"Who's the naughty kid?" Arturo asked.
Bahagyang tumawa si manang. "Naku, kayo talaga. Ang la-laki niyo na para diyan."
Bigyan ko kaya ng bomba 'tong si Arturo? Ay 'wag nalang pala, kawawa si Arturo non. Paano kung granada? Hindi. Umiiling-iling ako sa mga ideya ko. No matter how naughty Arturo is this past few days ay mabait pa rin naman ito kahit na malandi.
"Hay naku! Tatanda ako ng maaga sa inyo!" problemadong saad ni manang.
"Po? Sinong matanda? Akala ko po 17 palang kayo?"
Manang gasped in horror. Nanlaki ang mga mata ni manang. Napatakip ito sa bibig at ikinampay ang kamay sa ere.
"Loko ka talagang bata ka!"
Mapagbirong kinurot ni manang ang tagiliran ni Arturo na nag-ani ng reklamo dito.
Tawang-tawa naman ako dito sa likod at sinusulsulan pa si manang na kurutin pa ang lalaki.
"Kurutin niyo pa po 'yan, manang." Sulsol ko pa.
"Aray po!" Para itong kiti-kiti na di mapalagay dahil pinagkukukurot ni manang. Buti nalang at naka stop pa ang traffic light. Dahil baka madisgrasya kami sa lagay ni Arturo.
I laughed harder when I saw how his face contorted everytime manang pinch him.
"Beatris! Huwag mo ngang sulsulan si manang! A-aray po! Manang tama na po. Komplimento po 'yong sinabi ko. Aray! Mas matanda pa nga po ang histura ni Beatris kesa sa inyo."
Parang toro ay biglang may lumabas na usok sa ilong ko ng marinig ang sinabi nito. "Ano!"
Napalunok ito nang balingan ako ng tingin at tumingin kay manang na parang himihingi ng tulong. His eyes we're pleading but that made me want to tease him more. Like seriously?! Arturo? Looking like a scared puppy?! Parang gusto kong bumulwak ng tawa pero kailangan 'kong pigilan- But I failed. Kaya imbes na takutin ito I ended up laughing my heart out at my seat.
Maluha-luha ko pa itong tiningnan habang tumatawa. Nang makita ang nakasimangot nitong mukha ay tinuro ko ito at tumawang muli. Damn! He's so cute! Umandar muli ang sasakyan ngunit limang metro palang ay natigil na naman dahil sa traffic.
Nang mahimasmasan ay umayos na ako ng upo.
"Your face is so funny. Pfft-" and I ended up laughing again.
Sumimangot ito ng husto at nilingon ako. Natigil ako ng bigla itong ngumisi ng pilyo.
"Ganon pala, ah."
I squeeled like a dying pig nang kiniliti ako nito.
"N-nooo! Manang, help!"
Tumawa si Arturo at patuloy akong kinikiliti.
"That's what you get for being naughty!"
"No! Stop!"
Ang landi ko! Jusko! Pa istap-istap pa ang gaga, eh halata namang gusto.
Napahaba ang byahe namin dahil sa traffic. But we got a long time laughing too.
Rinig kong tumatawa si manang sa likod habang pinagmamasdan kami.
"Tama na mga bata. Humayo na tayo, hijo at umaandar na ang mga sasakyan."
Umayos na si Arturo ng upo at minaniobra ang sasakyan.
Ngunit bago ito pinasibad muli ay tiningnan ako nito nang pinasingkit na mata na parang nanghahamon.
"Mamaya ka sa'king babae ka."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Is he threatening me?