"Good Morning, Pilipinas! Napakaganda ng umaga maliban sa isa na nakabusangot ang mukha. Kalerki bakla! Bakit parang pinagsuklaban ng lupa 'yang itsura mo ha?" Ang matinis na boses ni Elena ang bumulabog sa opisina umagang-umaga.
Nanatili akong nakatitig sa kawalan na para bang walang narinig. My thoughts are drowned by the things that happened yesterday and how I overly reacted.
"Ano na, girl?!"
Napabuntong hininga nalang ako. "Yeah, I'm good."
Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at hinilot ang sintido kong sumasakit dahil sa mga iniisip at pumikit.
"Napaghahalataan ka bakla, ha?" napamulat ako bigla sa tinuran nito.
Napakunot ang noo ko. "Halata saan?"
He rolled his eyes and raised a brow at me and crossed his arms. "Halatang lutang, sismars! Ano bang iniisip mo at kanina ka pa nagbubuntong-hininga diyan? Parang pasan mo ang mundo, sis!"
I shaked my head. "I'm fine, Elena. Just a little bit tired."
Kinuha nito ang swivel sa kabilang cubicle. Itinabi nito ang swivel sa akin saka siya umupo doon at ipinatong ang mukha sa kanyang mga kamay. Medyo napaatras ko ang aking ulo dahil napakalapit ng bakla.
"Ako din tired." He sighed... then smiled wickedly. "Pagod na pagod kagabi." Hagikhik nitong wika.
"Pagod saan?"
"Hindi saan, dai. Kanino dapat hihi."
I stared at him with a puzzled look.
Ngumiti ito sa akin ng pagka lapad-lapad na kita na pati ang bagang nito. "I have a jowa! Haler!"
Lalo lang akong naguluhan. "And...?"
"Seriously, Deborah babaita?!"
I just stared at him, still thinking kung ano ang koneksiyon ng pagkakaroon ng jowa sa pagkapuyat.
"Bahala kang mag-isip diyan! Na-i-i-stress ang matres ko sayong babae ka ha! Kalerki!" He flipped his imaginary hair in a sassy way.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin ni Elena na siya rin namang pumutol dito.
"Hay naku! O sige, bibigyan kita ng clue ha? Para naman kahit papaano hindi ka ganoong maging ignorante 'pag ikaw naman ang nagkajowa."
I nodded at him once as an answer.
"Puyat ako sa bakbakan..."
Napatuwid ako ng upo at lumapit dito. Nagsasakitan sila ng boyfriend niya?
"Nagbubugbugan kayo ng boyfriend mo? Pinagbubuhatan ka ba ng kamay ng nobyo mo ha? Elena?!"
"Babaita! Hindi!" Bumuga ito ng hangin at pinaikot ang mata. He's clearly losing his patience. He flipped his imaginary hair once again before he continued. Kumalma naman ako dahil sa sagot niya.
Akala ko ano na.
Ilan pang hila ang ginawa ko bago napagod. Tamad akong sumandal sa swivel chair at pinaglaruan ang ball pen na nakapatong sa lamesa habang nakikinig sa bakla.
"Bakbakan na umaabot ng ilang rounds."
"Ah... nagboboxing kayo?" I lazily answered and yawned. Nakakaantok 'tong usapan namin.
"Gaga! saang kuweba, yungib, bundok o bulkan ka ba itinago ng pamilya mo ha? 'Yung totoo taga-mars ka, dai?"
"Tsk, just shoot it, Elena."
"Fine last na 'to. Nagbabakbakan na umaabot ng ilang rounds... sa kama."
"Stop it with the clu-" I halted when it suddenly hit me. Ibinaba ko ang hawak kong ballpen.
Yes, he's busy last night doing a NASTY thing with his boyfriend! Nirolyo ko ang mata ko at tumalikod dito ng ma kuha ko na ang gusto nitong iparating.
I pointed my index upward. "Ah... Gets ko na."
"Thank God!" Tumayo pa si Elena at itinaas ang mga kamay na parang may pinupuri.
"Pa inosente ka pang babaita ka." Kumibot ang gilid ng labi ng bakla at patagilid akong tiningnan. Pero agad din naman itong lumapit sa'kin. "Gusto mo... ikuwento ko sayo yung nangyari kagabi baks?"
Por Dios por santo! Dio!
Lumayo ako dito at itinaas ang dalawa kong kamay tanda ng pag-ayaw ko sa gagawin niya.
"Oh no, Elena. Thank you, but I prefer to sleep than hear what you and your boyfriend...d-did."
Napahagalpak naman ito sa tawa. "Kailangan mong ma-orient sa ganitong mga bagay, dai! Naku! Paano nalang kapag nagkaboyfriend ka tapos nag-do kayo at wala ka naman kaalam-alam tungkol doon. Siguradong iiwan ka ng jowa mo 'pag nagkataon."
"Mangyayari lang ang pang-iiwan kung s*x lang ang habol niya sa akin. 'Di ko kailangang aralin 'yan. Kusa na yang mangyayari sa dalawang taong nagmamahalan."
Magaan nitong hinampas ang lamesa bilang tutol sa sinabi ko. "Dai, nowadays, performance matters! At gaganda lang performance mo kung may alam ka tungkol doon. "
Napailing ako. "Tss. If you truly love a person tatanggapin mo kung ano o sino siya, at kung ano ang kaya niya ibigay sa'yo. Love is not all about s*x after all."
Of course, one way of showing our love is through physical intimacy pero hindi naman umiikot ang relasyon sa p********k lang. It's not a taboo to the society nowadays, I mean talking about s*x. Mayroon na tayong s*x education ngayon. But if I'll let Elena share his experience, it's TMI. His private life should be kept private.
"Ewan! Kanina ka pang babae ka ha. Nagmamagandang loob lang naman akong tulungan ka. Pero fine, whatever." Pagmamaldita pa niya.
I poured the hot water into the cup and used the spoon to mix the coffee powder at the bottom of the cup.
Pinaalis ko na ang bakla kanina dahil baka wala kaming magawa na trabaho kaka-chikahan namin.
I am quiet nervous while walking towards Arturo's office. Nang makauwi kami kagabi ay halos wala akong imik baka iniisip niya kahapon na nag-iinarte ako.
Ipinihit ko ang sedura pabukas at pumasok. Nakayuko akong naglakad papalapit dito. I cleared my throat amd looked at him. But I only found a sleeping Arturo.
Nakapatong ang ulo nito sa mga braso. Maingat kong nilapag sa lamesa niya ang kapeng hawak ko. Napagod siguro sa dami ng ginawa. Patong-patong na mga papeles ba naman ang pirmahan.
I can't help myself but stare at his handsome face. Inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya para maigi ko itong mapagmasdan.
Napansin ko agad ang mga maliliit at papatubo nitong facial hair. It looks good on him and it doesn't look dirty. Actually his facial hair made him look more hotter-I shook my head. Here I am again. I should not compliment him too much. Ako na mismo naglalagay sa sarili ko sa kapahamakan, eh.
Nasobrahan yata ako sa pagtitig sa kanyang mukha na naging dahilan ng pagkagising nito.
As soon as he opened his eyes he batted his eyelashes adjusting his eyesight at the lighting of the room. And there I found myself staring the most beautiful orbs that I've ever seen. I know I should move away but my body is prohibiting me to do so.
I heard someone cleared a throat.. "Beatris..."
Agad akong napatayo ng mamalayang nagising pala si Arturo! Shuta! I frozenly stood in front of him while my eyes are looking still at the ceiling.
"F*ck!" agad namang napabaling kay Arturo ang paningin ko ang marinig ko ang pagdaing nito.
The coffee spilled on him and it was brewed just a while ago!
Marahas itong napatayo at pinagpagan ang suit na nabuhusan ng mainit na kape. Agad ko naman itong dinaluhan.
"I-i'm sorry, Sir!"
Kumuha ako ng tissue na nasa lamesa nito at pinunasan ang bandang dibdib nito. Puno ng mantsa ang white polo sa ilalim ng coat kaya hinubad nito ang coat. Pero ang ikinagimbal ko ay nang hinubad niya pati ang kaniyang polo at ibinalandra ang pumuputok nitong braso at abs. Dios Mio! Santisima!
Parang nag slow-mo nang tinanggal nito ang mga butones at hinubad ang suot. Idinipa nito ang mga kamay, nakayuko ang ulo at tinitingnan ang katawang nabuhusan ng mainit na kape.
May almusal sa harap ko ngayon-walong pandesal na sabay-sabay na nabuhusan ng kape. What a breakfast meal!
Napalunok ako habang nakatingin dito. Parang nanunuyo ang lalamunan ko.
I took a step back and looked away, ayokong titigan ang nasa harap ko. Well... slight. Pero 'wag na, baka mahuli pa ako ni Arturo nanakatitig sa katawan niya at masabihang nagdi-day dream.
"H-heto ang tissue."
Inabot ko sa kanya ang tissueng ipinunas ko kanina nang hindi ito tinitingnan.
"Thanks."
I kept my eyesight at the door while talking to him. "Uhm... Lalabas na 'ko para makapagbihis ka at ipagtitimpla nalang kita ulit ng kape."
I heard him blow a deep breath. "Alright. Thanks, Beatris"
Nang makalabas ay agad akong tumakbo papuntang pantry. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay.
Whooo! "Pandesal fresh from the oven." Wala sa sarili kong bulong.
"Pardon?"
Kinabahan ako ng marinig kong may nagsalita! Kaya naman agad ko itong hinarap.
"H-henry..."
"Hello, Deb."
He flashed a smile that makes any girl's knees wobbly.
"I heard you mumbled something ealier. What is it?"
"Ha? Ah... Eh... W-wala! Wala lang yun. S-sabi ko lang ano... ang init dito sa Pilipinas. Tama... Tama 'yun." Kyeme kong sagot.
He nodded his head slowly.
"Ba't ka pala nandito, may kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.
He gave me a shy smile and scratched the back of his neck. "Uhm... Actually I'm h-here to a-ask you s-something."
Why is he stuttering? "Shoot. What is it?"
"U-uh ano..."
I slightly tilted my head to the side and looked at him intently.
He sighed loudly and stood up straight, itinaas nito ang noo at tiningnan ako sa mata. What is he up to?
"Deborah, can I ask you out?" he bluntly asked.
I was taken a back as I felt my eyes widened in shock and my mouth hang open.
"U-Uhh..." I don't know what to say.
Ramdam ko ang pawis na tunatagaktak mula sa aking noo. Pati na ang mga kamay ko y namamasa na.
This is not actually the first time that a guy asked me out on a date. I am just shocked that Henry asked me out, and we just met days ago!
"I k-know I'm too fast. Kakakilala lang natin and I already asked you out. " Napakamot ito sa batok. "The first time I saw you, gusto na kita and I don't want to waste a second dahil gusto kitang mas makilala pa. I like you, Deborah."
Ramdam ko ang namumuong bara sa aking lalamunan kaya naman napalunok ako ng todo todo. Parang baboy lang na dinouble dead ang pakiramdam ko ngayon.
I was totally shocked when he asked me out. Pero yung sinabi niyang gusto niya ako? Men! That was nerve wracking!
"I... think you're right."
"In which part, Deb?"
"Na masyadong mabilis."
I cleared my throat and continued pero bago paman ako nakapagsalita ay inunahan na ako ni Henry.
"Please, Deb give me a chance. I-if you won't like me after our date I won't bug you anymore. Let's just give it a try. You're still single right?"
Napaisip naman ako sa sinabi nito. He's right. I haven't dated anyone, at kung papayag ako ay siya ang una kong makakada- teka. Si Arturo ang una kong nakadate nung sinamahan niya ako sa simbahan.
'But that wasn't a date,' kontra naman ng isang bahagi ng isip ko. 'Sinamahan ka lang niya. Hindi yun date, girl.'
As much as I can, I want to focus on the reason why I am here. I want to prove myself to my father that he can trust me. I want to learn. I want to make my father proud. I want to help him run our company and entangling myself in such situation (dating) I wouldn't serve my real purpose.
But then, maybe I can give this one a try. Baka sakaling pagkatapos nito ay hindi na ako kukulitin ni Henry. I will tell him why I'm here, and that I need to focus.
Right. I'll give it a try. Sisiguruhin ko naman na hindi nito maaapektuhan ang trabaho ko-na siyang tunay na rason kaya ako nandito sa Maynila.
Bumuntong hininga ako matapos makapag-isip-isip. "A-alright. But just one date okay?"
He nodded happily and smiled widely. "Just one."
I didn't expected his next move. Bigla itong lumapit sa'kin at binalot ako sa mainit nitong yakap.
"Thank you so much, Deborah! You won't regret this, I promise."
"Displaying affection towards one another during office hours is strictly prohibited in my company."
I stilled when I heard that baritone voice.
Agad napabitiw sa akin si Henry at sabay naming tiningnan ang nakatayong si Arturo na nababalot ng seryosong aura habang nakahawak ang magkabilang kamay ay nasa bulsa.
"I-i'm sorry, Sir. Masaya lang po ako kaya napayakap ako kay Deborah. Pumayag po kasi siyang makipag date sak-"
"I'm not asking and I don't care. Sa susunod, 'wag kayong maglambingan habang nasa trabaho. That's very unprofessional."
I suddenly felt the tension brought by the situation.
"Y-yes, Sir. I'm sorry, Sir."
Iniyuko ni Henry ang kanyang ulo habang humihingi ng paumanhin.
Nang tingnan ko si Arturo ay mas lalong sumeryoso ang aura nito. When his eyes bore into mine I saw a strange emotion lurking in them...
I felt the pounding of my chest. Pinigil ko ang aking paghinga habang pinagmamasdan ko ang emosyong lumukob sa kanyang mga abong mata. Then confusion hit me... Is he that angry? Sh*t. We just violated a rule. Of course he's mad because his employees were unprofessionals.
But in a just a blink of an eye it's already gone.
I exhaled loudly at binuga ang paghinga na kanina ko pa pinipigilan. Maybe I was just hallucinating.
Ipiniling ko ang aking ulo at bumuntong hiningang muli.
"Go back to your department, Henry."
"Yes, Sir. Excuse me."
Nang makaalis na si Henry ay ramdam ko ang matalim na titig na ipinupukol sa akin ng lalaking nasa harap ko.
I kept my head down and my eyesight on the floor.
I heard his footsteps coming near me na mas lalong nagpakabog ng aking dibdib. Damn it! Why am I so nervous. His mere prescence is making me jelly. Nakakapanghina.
"Beatris..."
"Yes, Sir?"
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa bago ko narinig ang pagbuntong hininga niyo.
"Where's my coffee?" napipi naman ako sa tinuran nito.
Ugh! D*mn it! Nakalimutan ko ipagtitimpla ko pa pala siya ng kape. 'Inggrata ka talaga, Deborah!'
Itinaas ko agad ang aking ulo at tiningnan siya. "A-ah ipagtitimpla ko na po kayo, Sir. Pasensiya na po."
Mataimtim nitong tinitigan ang aking mga mata. "Tsk. Make it fast." At tumalikod sa akin at naglakad pabalik sa kaniyang opisina.
Pagkaalis nito ay bumuga ako ng isang tanke ng hangin mula sa aking baga.