Si Mamá nga ba ang babaeng 'yon? They have the same name, Leticia. They also look the same. At kasama niya si Alfredo. How can you call that as a coincidence?! Nakalimutan ko na dadalhan ko pala ng pagkain si Arturo. Matapos makita ang kagimbal-gimbal na pangyayari kanina ay nagpahatid na ako kay manong pauwi. Ipinasok ng driver ang sasakyan sa garahe at pumasok ako ng bahay. Bumungad sa akin si Arturo na pabalik-balik na naglalakad sa sala at nakatutok sa cellphone. Natampal nito ang noo at yumuko, saka patuloy na naglakad. "God! Where the are you, Beatris?!" Nakapikit itong tumingala na parang sobrang problemado. Nanatili akong nakatayo sa may hamba ng pintuan at pinagmasdan ito. "I'm here." Napaayos ito ng tayo at tumingin sa gawi ko. Malalaki ang hakbang na naglakad ito papun

