"Good morning, Mr. Del Marcial and Ms. Turizo. I am Pink and I'll take your measurements today for your wedding dresses." Suot ang kulay pink na tuxedo at pants ay nagpakilala sa amin ang kakapasok lang na si Pink. May suot din itong pink na hat at ang mukha nito'y pininturahan din ng kulay rosas. Pink is a gay designer and is known in his field. Galing lang itong Dubai from his successful fashion show. "Congrats on the success of your fashion show by the way," si Arturo. Magkatabi kaming magkaupo sa sofa at hinahaplos niya ang tiyan ko. Miminsang dumadako ang tingin ni Pink roon at kapag nagtatama ang paningin namin ay ngumingiti lang ito. "You're having baby?" Hindi na siguro napigilan ni Pink ang magtanong. Tingin ko nga'y kanina niya pa nais itanong 'yun. "Yeah," sagot ng katab

