What she said made me confused. Girlfriend? And... Walters?
"You see, Deborah... Binabakuran ko lang kung ano ang akin." She gave me a death glare and stood up from the swivel chair.
Itinukod niya ang dalawang kamay sa lamesa at dumukwang. Inilapit sa akin ang kaniyang mukha at nagsalitang muli.
"Theo is mine, Deborah. Mine!"
Una pa lang alam ko nang may nobya ito and that he's off limits. I admit he caught my attention. I find him attractive. But that's it. I will never stoop so low and degrade myself para sulutin ang isang taong pagmamay ari na ng iba.
"Sure," I shortly reply.
She gave me a puzzled look. "That's it?"
Now I'm confused. What does she want to hear from me?
"Yes."
Hindi ito sumagot at lalo lang lumalim ang kunot sa noo nito. May sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Catherine bago bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kanina'y pinag-uusapan namin.
Tumayo ng tuwid si Catherine at nagbigay daan para paupuin si Arturo sa swivel nito.
Inayos ni Arturo ang kaniyang coat at tumikhim. "I'm sorry, I left you ladies. Now, where were we, Beatris?"
"I guess we're done talking about my job, Artu--Sir."
I'm his employee now so automatically, I have to call him Sir.
"Oh... Okay. My staff Baldo is waiting for you outside. He'll lead you to your cubicle."
Tumayo na ako at iniyuko ng kaunti ang aking ulo saka nagpaalam.
"Well then, Sir. Thank you. I'll go ahead."
Tinalikuran ko ang dalawa at lumabas. Nakita ko naman agad ang sinasabing Baldo ni Arturo.
A tall, bald, and bulky man was waiting for me outside. He's wearing a polo and slacks. Nakasandal ito sa pader habang nakakrus ang mga binti. Nakaipit ang isang kamay nito sa braso at sa isang kamay ay tinititigan ang mga kuko nitong may kulay rosas na manicure.
Nang makita nito ang paglabas ko ay ngumiti ito sa akin.
He stood properly, flipped his imaginary hair and cheerfully greeted me.
"Aloha, Mademoiselle! I'm Elena the future head manager of Finance Department. Ang pimakamaganda at pinakamasarap na empleyado ni boss... pogi hihi." Pabulong pa nitong sinabi ang huling mga salita at saka humagikhik.
"Wait. Baldo, right?" Tanong ko dito.
"Ay! Elena nalang itawag mo sa'kin, huwag Baldo. Ang sagwa, sis." His nose wrinkled when he made a face.
Napatawa na rin ako sa kalokohan nito.
"Halika na nga, igigiyak na kita sa cubicle mo," maarte nitong saad.
Malapit lang ang cubicle ko sa opisina ni Arturo para madali ko itong mapuntahan kung may kailangan ito.
"Heto ang cubicle mo, sis. 'Tsaka kung may kailangan ka sabihan mo lang ako. Nandodoon lang ang cubicle ko, o."
Itinuro nito ang puwesto na may maraming nakahilera na mga cubicles
Tumango ako dito at ginawaran ng ngiti
"Salamat... Elena."
"Ay, bet! You're welcome, pretty girl! Buti nalang pretty ka like me!"
Tinuro pa nito ang sarili saka kami sabay na humalakhak. Kita nga lang ang ngala-ngala niya.
"Infairness, ha. Disente na maganda ang assistant ni boss pogi ngayon at hindi na mukhang pokpok."
"H-huh?" Nalito ako sa sinabi niya.
He sighed and proceeded. "Kasi, girl, dati yung mga nagiging assistant ni Sir Thaddeus, eh... halos kinulang na sa tela ang mga uniform. Kita pa ang mga nagbibilugang melon. Susko! Na-ii-stress ako sa mga babaeng 'yon. Kaloka talaga!"
Napatawa naman ako sa tinuran nito. Tiningnan nito ang relo sa kaniyang palapulsuhan.
"O, siya, gogora na ako at magtrabaho na muna tayo. Mamaya nalang ulit tayo magchika gurl. Babush." Eksahederang wika nito. Ikinaway pa nito ang kamay bago tumalikod at naglakad papunta sa cubicle nito.
"Bye."
Ilang sandali pa akong nanatiling nakatayo at tinitigan ang cubicle ko.
This is it. This is my chance to prove papá that I can be trustworthy. I'll be working so hard to gain his trust again.
Napabuntong-hininga nalang ako sa isipin at pumasok sa cubicle.
Kompleto ang gamit dito maliban na lamang sa mga dokumentong kakailanganin. Mamaya pa naman ihahatid ang reports.
Sa gilid ng computer ay may mga lalagyan ng folders at pens. May mga sticky notes din dito at bondpapers.
Hmm... Siguro lalagyan ko nalang ng picture frames nina mamá, papá at sina abuelo't abuela 'tong desk, para naman may inspirasyon ako sa pagtatrabaho.
Speaking of mamá... Tiningnan ko ang kalendaryo na nakasabit sa gilid ko. We're in the last day of the month of October at November na bukas. Magsisimba ako bukas para ipagtirik ng kandila si mamá.
For today, all I have to do is to check the files that the employees will send to me later and give it to the boss. At dahil wala pang dumadating ay kumuha nalang ako ng bond paper at lapis saka nagsimulang gumuhit. I draw the face of my mother just as how I remembered her.
I was busy sketching nang may kumatok sa cubicle ko nilingon ko ito. A man was standing a meter away from me. Sinisilip nito ang ginuhit ko.
"Ang galing mo namang gumuhit." Wika ng lalaki habang nakatitig sa bond paper. Kalaunan ay ibinaling niya ang tingin sa akin.
Bahagya siyang ngumiti at tumawa "Ah... Hehe sorry. A-ako nga pala si Henry mula sa HR department. I-ikaw ba ang bagong assistant ni Sir?"
"Oo, Deborah Beatris." Pagpapakilala ko dito sabay lahad ng aking kamay.
Nakipagkamay ito sa akin at ngumiti. Tiningnan nito ang hawak na folders at inilahad sa akin
"Heto, nariyan ang mga background informations ng mga nag-apply na maging empleyado dito sa kompanya."
Kinuha ko ito at tinanguan si Henry. "Sige, salamat."
"Uhm... Una na ako."
"Sige. Salamat ulit, Henry."
Nang umalis na Henry ay agad kong chineck ang mga folders.
Maya-maya pa'y sunod sunod nang nagsidatingan ang mga reports mula sa iba't-ibang departamento.
Hindi ko namalayan kung anong oras na nang biglang may sumitsit. Si Elena.
"Dakilang Assistant lang ang peg, te. Pasma ang aabutin mo niyan. Alas-dose na, o! Uso ring kumain minsan. Try mo 'yun girl at nang magkalaman ka."
I looked at my watch and saw that it is truely twelve noon.
"Nabusy ako sa pagcheck nitong mga reports." I looked at the piled up folders on my desk and sighed.
"Mauna kana, mamaya nalang ako. May baon naman ako dito. Kakain na din ako maya-maya."
Inalis nito ang pagkakasandal sa cubicle ko at tumayo ng tuwid at pinagkrus ang braso.
"Hay... O, sige na, Miss hardworking. Ikaw na ang employee of the month. Go-gora na ako at kakain na. Gutom na talaga si aketch at ang mga baby bulate ko. Kalerki rin 'tong mga 'to, eh kaya hindi ako sumesexy, palaging nagde-demand ng pagkain 'tong mga baby worms ko. Sige, beh, eklabush na si aketch. Basta kumain ka, ha."
Tumango ako dito at ngumiti.
Nagpatuloy ako sa ginagawa at alas dos na ng hapon nang matapos kong i check ang monthly reports. Nang makitang okay naman ang mga ito ay tumayo na ako.
I stretched my arms and yawned. Tiningnan ko ang paligid at busy naman ang mga tao. Mabilis akong umupo ulit at nagtago sa cubicle ko.
Nakalimutan kong dapat pormal akong kumilos, wala na pala ako sa rancho at nasa isang malaking kompanya na nagtatrabaho. Kaya dapat i-ayon ko ang kilos ko sa lugar.
Gutom na ako, pagkatapos kong ihatid ang mga ito kay Arturo for the final checking ay saka nalang ako kakain.
Kumatok ako sa pintuan niya at naghintay. Nang marinig ang sagot nito ay pumasok na ako.
Nakita kong nag-angat ng tingin si Arturo mula sa mga pinipirmahan nitong mga papeles.
Diretso akong naglakad sa table nito at inilapag ang mga folders.
"Good Afternoon, Sir. Here are the monthly reports. So far I've seen no discrepancies on them, Sir."
Buo ang atensiyon nito sa mga papeles. He flip the pages and scanned them with a very serious look on his face.
I cleared my throat before proceeding.
Sunod ko namang inilapag ang binigay kanina ni Henry. "Heto naman po ang mga background information ng mga nag-apply for managerial positions na ready na for the final screening, Sir."
His eyes suddenly landed on me. Ilang sandali pa itong nakatitig sa akin ng may biglang nagsalita.
"Theo, hindi pa ba tayo kakain. I'm hungry na."
Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Catherine na matalim na nakatingin sa akin.
Nandito pa pala siya? Sabagay, hindi ko rin naman ito nakitang lumabas kanina.
Iniwas ni Arturo ang tingin sa akin at ibinaling ito sa mga papeles na nasa harap niya.
"Thank you, Beatris. I'll thoroughly check them later," aniya 'saka tumayo.
"Uh, Hindi ka pa rin ba nag-lunch? Sumabay ka na sa amin ni Cathy."
Tiningnan ko si Catherine na sa hindi ko na mabilang na beses ay umirap na naman.
"Hindi na, Sir. Salamat. I brought a lunch with me. I'll go back to my cubicle now, Sir. If you'll excuse me."
Sandali akong tinitigan nito bago tumango.
Going back to my cubicle I touched my tummy when it suddenly grumble. Gutom na talaga ako.
Nang makarating sa lugar ko ay kinuha ko ang lunch box na pinabaon ni manang kanina. Less hassle na rin to para hindi na 'ko masyadong gumastos.
Habang kumakain ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya bahagya kong itinaas ang ulo at nakitang lumabas mula sa opisina sina Catherine at Arturo.
Kakain siguro sila sa labas.
Umupo nalang ako ulit ng maayos saka nagpatuloy kumain.