Capitulo Trece

2103 Words
"Sa wakas uwian na! I badly need my beauty sleep you know," humihikab na lumapit sa akin si Elena. Maarteng wika nito habang winagayway sa ere ang daliri. "Oi, babae 'di ka pa uuwi?" It's past seven. Tapos ko na naman ang mga ginagawa ko, at saka hindi naman masyadong mabigat ang trabaho ko ngayong araw since first day ko pa naman. Kanina lang nabusy ng kaonti pero kaya lang naman. "Mamaya na ako, hihintay-" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil naalala kong ang sagwa pakingan na hihintayin ko ang boss namin? Hindi alam ng mga empleyado dito na isang bahay kami namamalagi ni Arturo at baka ano pang isipin nila na hindi kaaya-aya lalo na't may nobya pa ito. "May hihintayin ka pa?" Nagtatakang tanong ni Elena. Napaupo naman ako ng tuwid at nag-isip ng pa lusot. "A-ah... Eh... H-hihintayin ko pang... Mag alas-otso! Tama! Hihintayin ko munang mag alas-otso bago lumabas. S-saka diba dapat hindi nauunang umuwi ang assistant mauuna dapat ang boss? Dahil pano kung may utos ito tapos wala ako...d-diba?" Napatango naman ito sa sinabi ko. "Tama nga naman. Ikaw ha, pinanindigan mo talaga ang maging employee of the month, 'no? First day na first day bonggang pagtatrabaho mo, eh." Napahalakhak naman ako sa tinuran nito. "Mauna na ako, beh ha. Hinihintay na kasi ako ng boylet ko sa baha. Hihi. Baka namiss na ako non. Babush." He waved his hand in a sassy way in the air. "Sige, ingat ka," paalam ko dito. Napatitig nalang ako sa kawalan dahil tapos na ang mga ginagawa ko para sa araw na ito at hinihintay ko nalang si Arturo. Nang maalala ko yung ginuhit ko kanina ay kinuha ko ito sa drawer at pinakatitigan ang litrato ni mamá. It's been years since your passing mamá. Five years to be exact. But I'm still stuck on that year and haven't moved forward. I'm sorry I can't visit your tomb tomorrow, ma. I'm far from home. But I'll go to church tomorrow to pray for your soul. I'll surely do that. "Is that you on the sketch?" Ibinalik ko agad sa drawer ang bondpaper na pinagguhitan ko bago ibinaling ang tingin sa nagsalita. "A-arturo. Uhm, uuwi ka na ba?" Tumayo ito ng tuwid saka inilagay ang mga kamay sa bulsa at tumikhim. "Yes, halika na." Kinuha ko ang bag at tumayo na. Habang naglalakad kami sa walang katao-taong pasilyo ay tinanong ako ni Arturo. "You draw?" "Kaunti," I replied. "You're good. Ikaw ba yung ginuhit mo?" "No, It was my mother." Sandali itong natigil sa paglalakad at nilingon ako. "You look exactly like her." I smiled. "Marami nga ang nagsasabi. But she's way prettier than me." Iniling ko ang ulo. I feel so flattered whenever someone compliments me that I look like my mamá. "You're beautiful." Narinig kong may binulong ito ngunit hindi ko masyadong nadinig ang eksaktong sinabi nito. "What did you say?" Tumingin ito sa akin at umiling. "N-none. I said nothing." "Oh, okay..." Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakarating sa elevator. Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating sa basement. -- Medyo traffic ngayon. Traffic naman talaga lagi sa Maynila pero ang nagpadagdag sa trapiko ngayon ay ang baha at kasalukuyang umuulan. Nakasandal ang ulo ko sa bintana ng kotse habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan sa bintana. I was tracing the lines of the rain drops on the glass. "Arturo?" "Hmm?" Umayos ako ng upo at tiningnan ito "Can I turn on the radio?" Tumango ito at nanatiling nakatingin sa mga sasakyan sa unahan "Sure. Sorry we got stuck in this traffic," paghingi pa nito ng tawad. In fact, there's nothing he has to apologize. Hindi naman niya ginustong ma stuck, dito. "Listen to music when you're bored. Listen to music when you're sad, happy, and angry. It soothes your soul, and helps you lighten the mood when it's bad. My mamá said that to me. It helped me, might help you too." I said. I gave him a light smile. "Duly noted," he replied and winked at me. Pinaningkitan ko ito ng mata. I don't know if he's just being playful or flirty. Isumbong ko kaya siya kay Cathy? I turned on the radio at tumugtog ang kantang Passengers Seat By: Stephen Speaks Nang magsimula ang kanta ay sinabayan ko ito. I also have a taste for old music for me they're old but gold. A while later I heard Arturo hummed the song. So he knows this song, huh? His hum turned into singing. Kaya habang binabaybay namin ang trapiko ay kumakanta-kanta kami. Narating na namin ang village pero kumakanta pa din kami hanggang natuloy sa tawanan. "Ang sagwa mong kumanta, Arturo!" Natatawang wika ko pa dito. "Tss. I complimented your drawing skills yet you insulted my talent? You know... my abuela and abuelo used to praise my singing skills. Don't underestimate me, Deborah Beatris." He looked at me with those menacing eyes. "Kinakalawang na ang 'singing skills' mo kung ganoon. Kumuha ka na ng voice lesson." "Tss." Nakita kong binuksan ni manang ang gate at pinasok ni Arturo ang kotse sa garahe. Kinakalas ko ang seatbelt ko nang biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan sa side ko. Nakita ko si Arturo na nakangising hawak ang pintuan ng sasakyan. "Thank you for the ride," ani ko. Mala demonyo itong ngumisi. I don't like this certain smile of him... "Wala ng libre ngayon. And because you insulted my beautiful voice a while ago at sinabi mo pang mag voice lesson ako. Para naman makatipid ako ikaw nalang magtuturo sa akin." He smirked at me and turned his back at naglakad papasok ng bahay. "H-hoy, Arturo anong ako?!" Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sinarado ito bago sumunod kay Arturo na nakapasok na ng bahay. Nang makapasok ako ay wala si Arturo nasa taas na siguro yung mokong. Kaya naman nagpunta nalang ako ng kuwarto at nagbihis. Hindi nagtagal at narinig kong kumulo yung tiyan ko. Gutom na ako. Nang makababa ay nakita ko si manang sa kusina na may bitbit na plato ng pagkain. "Tulungan ko na po kayo." "Ah... Oh, sige. Heto. Salamat." Kinuha ko ang platong dala ni manang at inilagay sa lamesa. Pinagpag ko muna ang kamay ko tsaka lumapit kay manang at nagmano. "Kaawaan ka nawa ng Diyos. O, kamusta ang unang araw mo sa trabaho, hija? Hindi ka naman ba nahirapan?" Iginiya ako ni manang sa upuan. "Hindi naman po, manang." "Good evening," bati ng bagong dating. Nagmano ang karararating lang na si Arturo kay manang at dumiretso sa upuan na nasa tabi ko at umupo. "I'm famished." Wika nito habang hinihimas-himas pa ang tiyan niya. "Then serve yourself," ani ko sabay turo sa mga nakahain. He looked at me na para bang may naisip siyang ideya at ngumisi. Ayan na naman siya... "How about... You serve your boss, Beatris?" Napataas ang isa kong kilay sa tinuran nito. Tinagilid ko ang ulo at pinagmasdan ang mga braso at kamay nito. "Hindi ka naman baldado. Why don't you help yourself?" The guy just laughed heartily. But despite all my complains I still served him. I did what he asked me to. Pinagsandok ko ito ng kanin at ulam, sinigurado kong puno ang plato nito. Hah! Ubusin niya 'yan kung kaya niya. "Tama na, di ko 'yan mauubos, Beatris." "E'di ubusin mo. Kung bakit kasi ako pa pinagsandok mo." Gusto ko lang talaga itong pikunin. Pandalawahan ang sinandok ko at ililipat ko ito maya-maya sa plato ko. Bawal magsayang ng pagkain. Binigyan ako nito ng isang masamang tingin. "Salbahe kang babae ka." I gave him a fake smile para lalo pa itong inisin. "O, nag-aaway na naman kayo sa hapagkainan. Para talaga kayong aso't pusa. Sino nalang kaya ang aawat sa inyo at ako'y aalis bukas at uuwi sa probinsiya?" Napalingon naman ako kay manang dahil sa sinabi nito. "Aalis po kayo bukas manang?" "Hindi ko ba nabanggit sa iyo kanina, hija?" Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na makapagsalita dahil inunahan ako ni Arturo. "Manang is going into her hometown to visit her husband for undas." "Ah, ganoon po ba?" Tumango naman ito at bumuntong-hininga. "Kaya huwag kayong mag-aaway bukas ha? Walang aawat sa inyo." Tumawa naman ang nademonyo-- Este si Arturo. "Si Beatris ang laging nang-aaway manang, not me." Napaikot ko nalang ang mata ko. Nang maalala ko ang gagawin ko sana bukas ay isinatinig ko ito, "Arturo magpapaalam din pala sana ako." Tinignan ako nito habang ngumunguya. "Why?" "Alam kong bago pa lang akong nagsimula sa trabaho at a-absent na agad bukas. Pero aalis sana ako bukas. I'm going to church. Since I can't go back home in Las Cosas dahil kararating ko lang dito sa Manila and I cannot visit my relatives' grave. Magsisimba nalang ako. At ipagtitirik din sila ng kandila." "Okay, ihahatid na kita bukas." "Hindi na! Kaya kong pumunta sa simbahan mag-isa." Ibinaba nito ang kutsara at tinidor saka ako tiningnan. "You're not yet familiar with Manila, Beatris. This is your first time coming here right?" Oo nga pala hindi ko pa saulo ang mga pasikot-sikot dito. "May app naman. 'Tsaka pwede ako magtanong sa mga tao. Hindi mo na ako kailangan samahan at alam kong marami ka ding gagawin." "I'll go with you," pilit pa niya. Wala na akong nagawa at tumahimik nalang at nagpatuloy sa pagkain. "Nga pala, Thaddeus, hijo. Hindi mo ba dadalawin si C-" We halted when we heard the sound of the chair screeching as Arturo suddenly stood up from his seat His change of mood confused me. Now, what is this man's problem? "Im full. Excuse me, may mga papeles pa ako na ire-review." Malamig na wika nito. Matapos magsalita ay mabilis kami nitong tinalikuran at lumabas ng dining area. "A-aba't! Salbahe talaga yung si Arturo, manang, ah." Dinuro ko pa ang pinaglabasan nito. Hinawakan naman ako ni manang at inalo. "Hayaan mo na, hija. Kasalanan ko." Nagtatakang binalingan ko si manang. "Bakit naman po naging kasalanan niyo pa? Nagtatanong lang naman po kayo, at di pa pinatapos." Lumuwag naman ang hawak ni manang at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. "A-ano... Ah... m-may titignan muna ako sa kusina, hija. K-kumain ka muna diyan." Agad tumayo si manang at iniwan ako. Iniwan nila ako ditong mag-isa? They're acting really weird. There's something that's going on, but I can't fathom what. Umiling iling ako at nagpatuloy sa pagkain. -- Kasalukuyan akong nasa teresa ng kuwarto at nagpapahangin. Nang magawi ang tingin ko sa hardin ay nakita kong nakaupo sa bench si Arturo at nakatingin sa kawalan. Kaya naisipan kong babain ito at samahan. Naglalakad ako papalapit dito at ng tila naramdaman nito ang aking presensiya kaya lumingon ito sa aking gawi. Napansin kong ang hawak nitong baso na may lamang rum. He drank the small amount of rum left on the glass and moved on the side of the bench. He looked at me and tapped the space beside him. Umupo ako sa tabi nito at pinagmasdan ang makulimlim na kalangitan. "Why are you drinking, Arturo? Any problem?" I think it's going to rain. The sky looks red. "Just calming my senses." "The sky's also mourning for tomorrow's event. Nakikidalamhati ang langit sa mga taong nawalan ng mga minamahal." I shifted my sight from the sky towards Arturo and found him already staring at me. Una nitong iniwas ang paningin nang magtama ang aming mga mata. "Have you tried mourning so hard for someone you love who... died, Beatris?" Nang muli itong tumingin sa akin ay tinitigan ko ng maigi ang abo nitong mga mata and saw how his eyes reflected mine. But the emotions I first saw in there isn't that intense anymore. "Yes. I am, and so are you... Am I right, Arturo?" Diretso kong sagot dito habang nakatitig sa kanya. Nakita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata at ang biglang pagbago ng ekspresiyon nito. It was like I hit something that made his mask fell off. From agony it turned into... anger? Kita ko sa kaniyang mga mata na nagdudusa siya dahil sa pagkawala ng isang tao... Pero sino ito? Biglang humampas ang malamig na hangin ng gabi dahilan para mayakap ko ang aking sarili. I'm wearing a thin t-shirt and pajama kaya dama ko ang lamig. Nakita ko ang biglang paghubad ni Arturo ng suot nitong jacket at binalot sa akin. Matapos ng ginawa ay nakapamulsa itong tumayo at umalis. "Goodnight, Beatris." He didn't answer me. He just left... Naiwan na naman akong mag-isa, sa madilim na gabi. Naiwan ako na puno ng katanungan tungkol kay Arturo. What's the reason behind your breaking, Thaddeus Arthur?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD