" Okay ka lang? Akala ko ba kaya mo, Hindi naman pala," Kumakain na kami ngayon. bumalik naman siya kanina para tulungan ako ulit pero hindi na do'n sa pag prito ng isda. Napansin ko ang pamumula ng mga braso niya na natalsikan ng mantika. kahit moreno siya kita pa rin iyon dahil talagang namula! kaya naman pala todo aray siya kanina. " I'm fine. malayo naman 'to sa bituka. but I will never do it again," magana siyang kumain ng lahat ng niluto ko. Halos maubos niya ang ampalaya na nilagay ko sa kanyang plato. Pinaghimay naman niya ako ng isda. Napangiti ako dahil do'n. " What about you? Hindi ka ba napaso?" tinignan niya ang mga braso ko. " No. I used to cook before-" " I love your accent, parang di ka naman galing sa simpleng buhay lang," Kumabog ng malakas ang kanyang d

