Cassandra: Pagpasok ko sa kusina ay kaagad kong tinungo ang fridge na nasa tabi ng gas stove. Ngunit pagbukas ko nadismaya lang ako dahil walang kalaman-laman ito. Tsk. Oo nga pala hindi pa nga pala nakakapamalengke dahil di ba nga sa labas kami kumain kagabi. " Anong lulutuin ko nito? E, wala namang pagkain dito?" Lumabas ako ulit ng kitchen saktong nasa sala si Calix habang nakaupo at may kausap sa cellphone. Mukhang seryoso ang kanilang pinag uusapan dahil hindi siya napansin ng binata na nasa tabi na siya nito. Medyo nakatalikod ito ng upo sa kung saan siya nakatayo. " Yeah, do it as soon as possible, money is not a problem... Just do your job. I want it immediately, " Sabi pa nito sa kausap. Hindi naman ito tunog galit pero naroon ang pagiging bossy nito. Ilang se

