Chapter 5: Wedding

671 Words
CASSY: Tahimik ang maliit ngunit elegante na chapel sa Tagaytay. Puting bulaklak. Mahinang tugtog ng violin. Mga bisitang piling-pili mga board members, ilang business partners, at iilang kaibigan ni Calix. Walang pamilya ni Cassy. Ayon sa press release, private wedding. Ayon sa kontrata, necessary. Pero ayon sa dibdib ni Cassy masakit. Pinangarap niya noon ikasal habang b narito ang buong pamilya niya. pero iba ang nangyari. Bumuntong hininga siya. Nakatayo siya sa likod ng pinto, suot ang simple ngunit napakagandang wedding gown. Walang engrande. Walang sobra. Pero sapat para magmukha siyang isang babaeng ikinakasal hindi dahil sa kasunduan—kundi dahil sa pagmamahal. Fake lang ‘to, paulit-ulit niyang paalala sa sarili. Trabaho lang. Para sa pamilya. Para sa sarili. Ngunit nanginginig pa rin ang mga kamay niya. “Miss Cassy,” mahinang tawag ng wedding coordinator. “Ready na po.” Huminga siya nang malalim. Isang hinga para sa Leyte. Para sa ama niya. Para sa mga pangarap na ayaw niyang mamatay. “Ready na po,” sagot niya. Sa altar, tuwid ang tindig ni Calix. Naka-black tuxedo siya, malamig ang mukha, kontrolado—CEO hanggang buto. Marami na siyang pinirmahang kontrata sa buhay niya. Mas komplikado. Mas delikado. Pero wala ni isa ang nagpakabog ng dibdib niya gaya nito. Nang bumukas ang pinto. Naputol ang hininga niya. Cassy. Hindi niya inaasahan ang tama ng eksenang iyon. Ang babaeng dati’y tahimik lang sa gilid ng opisina niya, ngayon ay naglalakad papalapit sa kanya—maputi, payapa, at napakaganda sa paraang hindi niya maipaliwanag. This is a mistake, bulong ng isip niya. And I’m already too deep. Nagtagpo ang mga mata nila. Sa sandaling iyon, nakalimutan niya ang kontrata. “Dearly beloved…” Parang lumulutang si Cassy habang nagdarasal ang pari. Ang tanging malinaw sa kanya ay ang presensya ni Calix sa tabi niya mainit ang kamay nitong humahawak sa kanya, matatag, parang sinasabing nandito ka na, huwag kang umatras. “Do you, Calix Hidalgo, take Cassandra De Luna to be your lawfully wedded wife,” “Yes,” agad nitong sagot. Walang pag-aalinlangan. Nalaglag ang hininga ni Cassy. “And do you, Cassandra De Luna,” Napatingin siya kay Calix. Sa unang pagkakataon, nakita niya ang kakaibang tensyon sa mga mata nito. Hindi malamig. Hindi rin sigurado. Totoo. “I do,” mahina ngunit malinaw niyang sabi. Nagpalakpakan ang mga bisita. Ngumiti sila ang perpektong ngiti para sa kamera. Para sa media. Para sa mundo. Pero magkalapit ang kanilang mga labi nang bumulong si Calix, tanging siya lang ang makarinig. “Remember,” mababa ang boses nito, “this is just a deal.” Tumango siya. “Alam ko,” sagot niya, kahit hindi sigurado ang puso niya. Gabi na nang makarating sila sa penthouse. Tahimik. Malawak. At napaka-impersonal. Ito ang unang gabi nila bilang mag-asawa kahit sa papel lang. “Separate rooms,” agad sabi ni Calix habang hinuhubad ang coat. “As agreed.” “Opo,” sagot niya, kahit may kung anong kumirot sa dibdib niya. Huminto ito sa paglalakad. “Cassy.” Napatingin siya. “You did well today,” sabi nito, seryoso. “Thank you.” Tumango siya. “Ganun din po kayo.” Nagkatinginan sila mas matagal kaysa dapat. Isang hakbang lang ang pagitan nila. Isang maling galaw, at babagsak ang lahat. “Good night,” sabi ni Calix sa wakas. “Good night,” sagot niya. Pagpasok ni Cassy sa kwarto, isinara niya ang pinto at doon lang bumigay ang tuhod niya. Umupo siya sa gilid ng kama, hinawakan ang wedding ring sa daliri niya. Fake wife, paalala niya sa sarili. Pero bakit parang masyadong totoo ang bigat nito sa puso niya? Sa kabilang kwarto, nakatayo si Calix sa harap ng salamin, hinuhubad ang singsing ngunit hindi niya ito maialis. Napamura siya nang mahina. “This was supposed to be simple.” Tinitigan niya ang singsing sa daliri niya. He already married. wow. Unexpected but he's happy. napangiti siya ng maalala ang asawa sa kabilang kwarto. It's supposed to be their honeymoon. right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD