CHAPTER 4: The Deal

730 Words
Tahimik ang hallway sa executive floor. Katatapos lang ng isang long meeting ni Calix at pauwi na sana siya nang huminto ang mga paa niya sa may sulok malapit sa pantry. May narinig siyang mahinang boses. Pamilyar. Kay Cassy. Hindi niya sinasadya ang makinig. Pero nang marinig niya ang nanginginig na tinig nito, parang may humawak sa paa niya para hindi umusad. “Ma, pasensya na po… hindi ko po muna mapapadala ‘yong buong halaga ngayong buwan.” Humigpit ang panga ni Calix. “Naiintindihan ko po,” Huminto si Cassy sandali, halatang nilulunok ang iyak. “May gastos din po dito sa Maynila. Ang mahal po ng renta… tapos may kaltas pa sa unang sweldo.” Saglit na katahimikan. “Opo, Ma. Alam ko pong kailangan ni Papa ng gamot… at si bunso, may bayarin sa school.” Huminga siya nang malalim. “Gagawan ko po ng paraan. Pangako.” Narinig ni Calix ang mahinang hikbi bago muling nagsalita ang dalaga, pilit pinatatatag ang boses. “Huwag po kayong mag-alala. Kakayanin ko po ‘to. Hindi po ako susuko.” Napapikit si Calix. Hindi siya sanay makarinig ng ganoon. Ang mga babaeng nakapaligid sa kanya ay laging may hinihingi bag, kotse, condo. Pero ito? Naroon sa sulok, tahimik na nakikipaglaban mag-isa. Umatras siya ng bahagya bago siya mapansin. Hindi niya alam kung bakit, pero ayaw niyang mahuli nitong nakikinig. Ngunit sa isip niya, may unti-unting nabubuong ideya. Isang ideyang delikado. Kinabukasan. “Miss De Luna.” Napatigil si Cassy sa pag-aayos ng files. “Yes po, sir?” “Close the door.” Nanlamig ang sikmura niya. Pero sinunod niya. Nang tuluyang sumara ang pinto ng opisina, tumayo si Calix at naglakad papalapit sa mesa niya. “Sit.” Umupo siya, magkadikit ang tuhod, kabadong nakahawak sa folder. Diretso siyang tinignan ni Calix—walang lambot, walang ngiti. CEO. Boss. Isang lalaking sanay makuha ang gusto. “I’ll be straight with you,” sabi nito. “I need something.” Nilunok niya ang laway. “A-Ano po iyon, sir?” “I need you,” sagot nito, diretso. Nanlaki ang mata niya. “S-Sir?” Hindi siya pinatagal ni Calix. “To pretend.” Tumigil ang mundo ni Cassy. “P-Pretend… ano po?” “My wife.” Parang may sumabog sa loob ng ulo niya. “Ano po?!” Tumayo siya agad. “S-Sir, baka po nagbibiro kayo—” “I don’t joke,” malamig nitong putol. “This is a deal.” Napatitig siya rito, halo ang gulat at takot. “Hindi ko po naiintindihan.” Naglakad si Calix pabalik sa mesa niya at kinuha ang isang folder. Ibinuka iyon at itinulak papunta sa kanya. “Monthly allowance. Separate from your salary.” “Fully paid apartment.” “Health coverage for you and your family in Leyte.” Nanlambot ang tuhod niya. “Why?” halos pabulong niyang tanong. Dumilim ang mga mata ni Calix. “Because I’m tired.” “Tired of women who think access to my bed means access to my life.” “Tired of explaining I don’t want commitment.” “And tired of scandals.” Huminga siya nang malalim bago muling tumingin kay Cassy. “I need a shield. Someone decent. Someone no one would question.” Tahimik si Cassy. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang folder. “At ikaw,” dagdag ni Calix, mas mababa na ang boses, “need help.” Napatitig siya sa papel. Nakita niya roon ang solusyon sa lahat ng problemang pilit niyang nilulunok gabi-gabi. “Sir…” nangingilid ang luha sa mata niya. “Fake wife lang po ba talaga?” “On paper,” sagot nito. “Public appearances. No feelings. No expectations.” Sandaling katahimikan. Tumingala si Cassy at doon nagsalubong ang kanilang mga mata parehong may takot, pero magkaibang dahilan. “Kapag natapos na ang kontrata,” dagdag ni Calix, “malaya ka. Buo. Walang utang.” Isinara ni Cassy ang folder. Ito ang uri ng alok na dapat niyang tanggihan. Pero ito rin ang uri ng alok na hindi niya kayang bitawan. “Gaano po katagal?” tanong niya, halos pabulong. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Calix isang ngiting hindi masaya, hindi rin panalo. “Six months.” Tahimik siyang tumango. “Okay po, Deal." pagpayag niya. Ngumiti si Calix. . "Good Choice," he smirked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD