CHAPTER THREE: Hell

504 Words
Cassandra POV: **************** Lumipas ang buong araw na halos hindi namamalayan ni Cassy. Abala siya sa pag-aayos ng schedules, pagtanggap ng tawag, at pagsagot sa emails—lahat para kay Calix. Sa bawat utos nito, sinisigurado niyang walang palya. Ayaw niyang magkamali. Hindi ngayon na nasa loob na siya ng opisina ng pinakamakapangyarihang tao sa Hidalgroup. Pero kahit pilit niyang magpaka-propesyonal, hindi niya maiwasang kabahan tuwing tatawagin siya nito. “Miss De Luna.” Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan niya sa tuwing maririnig ang malamig ngunit buo nitong boses. Bandang alas-singko ng hapon nang tumayo si Calix mula sa kanyang upuan. Isinuot nito ang coat na nakasabit sa gilid at kinuha ang susi ng sasakyan. “Uuwi na ako,” sabi nito. “I already cancelled everything.” Tumango siya. “Okay po, sir. Ingat po kayo.” Huminto ito sa paglakad at tumingin sa kanya, wari’y nag-aalinlangan. “You’re not going home yet?” Napatingin siya sa orasan. “May inaayos pa po akong reports, sir. I’ll finish it before six.” Saglit itong tumahimik, saka bahagyang tumango. “Don’t stay too late.” Hindi na nito hinintay ang sagot niya at tuluyan nang lumabas. Naiwan si Cassy na nakatitig sa pintuan. Concern ba ‘yon? Mabilis niyang pinilig ang ulo. Huwag ka nang umasa, Cassy. Boss mo lang siya. Pagdating ng alas-sais, tahimik na ang buong floor. Siya na lang ang natira. Inayos niya ang mga gamit at isinara ang computer nang biglang namatay ang ilaw. “Ha?” Napahawak siya sa gilid ng mesa. “Brownout?” Sa gitna ng dilim, may narinig siyang yapak papalapit. “Miss De Luna?” Napakapit siya sa dibdib. “S-Sir?” Bumukas ang emergency lights at lumitaw si Calix sa may pintuan, seryoso ang mukha. “Bakit nandito ka pa?” tanong nito, bahagyang iritado. “P-Pa-uwi na po sana ako,” Biglang may malakas na kulog sa labas, sinabayan ng pagbuhos ng ulan. Napaatras siya sa gulat. Napabuntong-hininga si Calix. “Great.” Tumingin ito sa kanya. “Mukhang hindi ka na makakauwi agad. Baha na siguro sa baba.” Nilunok niya ang laway. “Opo…” Saglit itong nag-isip bago nagsalita. “Stay here. May pantry sa loob. I’ll call Alex to check the situation.” Tumango siya, kahit kabado. Habang naghihintay, naupo sila sa magkabilang dulo ng sofa sa loob ng opisina. Tahimik. Tanging tunog ng ulan at kulog ang maririnig. “First job mo ‘to sa Maynila, ‘di ba?” biglang tanong ni Calix. Nagulat siya pero tumango. “Opo.” “Why here?” Humigpit ang hawak niya sa bag. “Kailangan ko pong patunayan… na kaya ko mag-isa.” Napatingin si Calix sa kanya ibang tingin. Hindi malamig. Hindi mapanuri. Parang… interesado. “Well,” sabi nito matapos ang ilang sandali, “welcome to hell.” Napatawa siya nang mahina, sa kabila ng kaba. At doon nagsimula ang gabing magbabago ng lahat hindi dahil sa ulan, kundi dahil sa katahimikang unti-unting pumapagitna sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD