Chapter 1
"Fresh lavender for my love!" Nanlaki ang mata ko nang makita ang hawak ni Grant na isang bouquet ng lavender.
Agad kong inilapag ang laptop ko at nagmamadaling sinalubong siya.
"Wow! Paano mo nalamang paborito ko itong bulaklak?" gulat at namamangha kong tanong habang hindi pa rin makapaniwalang tinitingnan ang bawat piraso nito. Inilapit ko ito sa aking ilong upang langhapin ang napakabangong amoy nito.
Binalingan ko siya nang wala akong narinig na sagot. Nahuli ko naman siyang nakangiting pinagmamasdan lamang ako. "I just know it," preskong sagot niya at tumaas pa ang sulok ng labi niya.
Nanliit ang mga mata ko at mas lalo pa siyang nilapitan. Humalakhak siya at itinaas pa ang mga kamay tila sumusuko. "Easy, I'm not lying!" sigaw niya habang panay sa paghakbang paatras sa akin. Tumigil ako at napanguso nang makitang walang bahid ng pagsisinungaling ang mga mata niya.
He is just so honest and perfect.
"You're really a stalker," nakataas kilay at madiin kong sabi saka tinalikuran siya.
"No, I'm not a stalker, love!" Humahalakhak niyang pagtanggi habang panay pa rin sa pagsunod sa 'kin. Excited ko namang kinuha ang card na nakalakip sa bouquet at binasa.
"You are the moon that shines my dark world. You padlock my heart with no keys. You are my queen. There's nothing will takes us apart. I love you <3!"
My heart melted. He is just so sweet.
Naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa beywang ko saka ipinatong sa balikat ko ang baba niya. "Happy anniversary, my love," malambing na bulong niya habang punom-puno ng pagmamahal ang mga mata niyang nakatingala sa akin.
Unti-unting kumurba ng ngiti ang labi ko sa sobrang kasiyahan saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Happy anniversary!"
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Isa na namang alaala ang mabilis na sumagi sa isipan ko. Pilit akong ngumiti at tuluyan nang pumasok sa flower shop.
Tumunog ang chime pagpasok ko kaya agad na nag-angat ng tingin ang mga workers ko.
"Good morning po, Ma'am Shan!" hyper na pagbati nila sa akin.
Matipid akong ngumiti. "Good morning din." Agad kong nilapag ang bag ko sa table ko at lumapit na sa kanila.
"Ma'am Shan, na deliver na po kay Ma'am Vasquez 'yong mga orders niya." Pormal na salubong sa akin ni Christine.
"Magaling kung ganoon. How about the other orders last week? Tapos na bang lahat?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ang ilang bouquet na ia-arrange ko mamaya.
"Bale, may limang natitira pa po, Ma'am Shan. Tatlo ang kukunin mamaya for deliveries tapos 'yung dalawa pick-up na lang daw po mamaya," masusing paliwanag niya.
Napangiti ako. "That's good, kaya niyo rin pala kahit wala ako," proud kong sabi. Katatapos lang kasi ng ilang booksigning events ko. Kaya halos isang linggo akong wala.
"Ma'am Shan, kung alam mo lang sobrang strikto po ni Christine. Umabot kami ng alas onse sa isang order para lang matapos," nakangusong sumbong ni Nica.
"Oo nga, Ma'am Shan! Puro overtime po kami. Feel ko ang laki na ng eyebags ko," sang-ayon pa ni Mikee at nagtago pa sa likuran ko.
Silang dalawa ang medyo matagal na sa flower shop, kaya malakas ang loob nilang magsabi ng hinaing sa akin. Tiningnan ko ang mga part timers ko pero nagsiiwas lang naman sila ng tingin at nanatiling tahimik.
Nilingon ko si Christine na nakayuko na ngayon. "Totoo ba 'yon, Christine?" tanong ko.
Huminga muna siya at seryosong tumingin sa akin. "Ma'am Shan, sobrang dami po kasing order kung hindi kami mag-overtime
siguradong hindi namin na-meet ang ilang deadlines and you can take a look of the income. Ang laki po ng increase," kalmadong sagot niya. Napangiti ako hindi talaga ako nagkamaling gawin siyang secretary.
She's mature to her age and calm. She can handle the flower shop without me.
"Okay, huwag na kayong magalit kay Christine. Kung ako rin naman ang nandito mag-overtime rin kayo since madami nga talaga ang orders."
Ngumiti siya at halatang hindi inaasahang sasabihin ko 'yon.
"Thank you, Miss Shan," kalmado nitong sabi.
Nilingon ko sila Nica at Mikee na nakasimangot na ngayon.
"Kayong dalawa huwag na kayong mainis sa kanya. By the way, since halos isang linggo rin kayong walang pahinga. I will give you a bonus and let's have a celebration tonight."
Nanlaki ang mga mata nila. "Talaga po?" Bakas ang pagkagulat sa mga mukha nila.
"Yeah, kaya maaga ang closing natin ngayon."
"Anong oras, Miss Shan? Para makapag-ayos pa kami?" excited na tanong ni Mikee at ibinalandra pa ang false eyelashes niya.
"5 ang close natin. Kita kits sa restobar diyan sa malapit."
"Whoo! Narinig niyo 'yon mga bakla? Sa Wonderland tayo pupunta!" Napailing-iling na lang ako at umupo na sa swivel chair ko.
I stare at the bouquet of flowers that I picked to arrange.
It's a lavender mixed with white and red roses.
Today is really a day to make a celebration. Our anniversary.
"Happy 8th year anniversary, my love," mahinang bulong ko sa hangin. Hoping he can heard it.
Even, I know. He will not and will never be.
Napabuntonghininga ako at itinuon na lamang ang atensyon sa in-arrange kong mga bulaklak.
"Ang ganda naman niyan, Ma'am." Puri nila nang sa wakas ay matapos ko. Napangiti naman ako.
I will always arrange the best flower bouquet for him.
"Para kanino po yan?" inosenteng tanong ng isa sa mga part timers ko. Sinaway siya ni Mikee pero nanatili ang malungkot kong ngiti at sinagot siya.
"For my love," matipid kong sabi at tumingala sa taas.
NAGING mabilis naman ang oras siguro dahil sa sobrang excitement nila at sa pagka-busy namin para sa mga orders.
"Ang bongga talaga ni Ma'am Shan! Ang grabe ng pa-blow out." Natawa na lang ako sa sinabi ni Mikee. Ang daldal talaga ng baklitang ito pero maganda na ring nandito siya para may mag pa light ng mood.
"Ngayon lang ito, kaya lubusin niyo na."
Napatingin ako sa dalawang part timers ko. Pareho nilang inililibot ang tingin tila manghang-mangha sa paligid. Pareho na silang nasa legal age kaya isinama ko na rin dito para mag-enjoy rin.
"Kayong dalawa, huwag kayong iinom ah. Hayaan niyo na lang 'tong tatlong ito." Paalala ko. Baka mamaya ayain at agad sumunod.
Pareho naman silang napatango. "Opo Ma'am, hindi rin naman po talaga kami umiinom."
Nilingon ko ang tatlo na kanya-kanya nang kuha ng alak at nag-iinuman na.
"Narinig niyo 'yon, ah?"
"Opo, Ma'am no problem. Saka mga bata pa ang mga 'yan," sagot ni Nica at nag-thumbs up pa sila.
Sinenyasan ko na lang silang kumain. "Kung kulang pa yan, mag-order lang kayo. Huwag kayo mahiya," sabi ko.
Nakisabay na rin akong kumain sa kanila. Seeing their smile makes my heart full. Ang laking pasalamat ko sa kanila dahil pinagtiisan nila ang ugali ko sa nagdaang taon kung hindi dahil sa kanila baka pati ang flower shop nawala na rin sa akin.
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami nang napagkwentuhan namin. Ngayon tila binuksan ko ang pagkatao ko para makita nila at mas lalo ko rin silang makilala.
Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan silang kumakanta at sumasayaw. Habang ako, tahimik lang na umiinom.
Mukhang maganda rin na private room ang kinuha ko para solong-solo nila ang pagsasaya.
Itinaas ko ang cellphone ko para mag-selfie. Nasanay na rin ako na bawat importanteng ginagawa ko ay kinukuhanan ko ng litrato.
I immediately posted it in my i********: account. Nang ma-i-post ito ay hindi ko mapigilan ang sarili ko para muling balikan ang ilang litrato ko.
All my pictures speaks about him.
Nakapost din ang mga flower arrangement ko para sa kanya tuwing anniversary namin at birthday niya.
Tuloy-tuloy ako sa pag-scroll hanggang sa makita ang mga litrato naming dalawa.
Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko habang tinitingnan ang mga ito. Samut-saring masasayang alaala naming dalawa, ang rumagasa sa isipan ko.
Unti-unting lumabo ang paningin ko dahil sa pagpatak ng mga luha. This was our last picture together. He is also the one who posted it.
Nakayakap siya sa akin habang nakasandal ako sa dibdib niya at mahimbing na natutulog.
The next image is, he's kissing my forehead.
I can clearly remember this day. Kung alam ko lang na ito na ang huli, sana hinigpitan ko pa ang yakap ko. Sana hindi ko na siya pinakawalan at hinayaang umalis pa.
Buhay pa sana siya ngayon, kasama ko. At bubuuin pa ang mga pangarap naming dalawa.
In another life, I would be your girl
We keep all our promises, be us against the world
In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away
Para akong tanga na biglang natawa nang marinig ang kinakanta nila. The song really fits us.
"In another life, I would be your girl." mahinang kanta ko. "In another life, I would make you stay."
I always question God. Why did he takes him away? Bakit siya sa lahat ng tao? Bakit ang mahal ko pa? Ang nag-iisang tao na bumuo sa akin.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko baka makita pa nila at masira ko pa ang kasiyahan nila.
Tahimik na lang akong uminom baka sakaling matulungan ako ng alak para maibsan ang lungkot ko.
Ilang minuto lang ay umikot na ang paningin ko. Lumapit sila sa akin at kinakausap ako pero hindi ko sila naririnig. Ang mga mata ko ay nakatuon sa isang taong nakatingin sa akin na puno ng lungkot ang mga mata.
"Grant..."
Hindi ko akalaing dahil sa alak ay nakikita ko na siya. Pilit kong tinatawag ang pangalan niya ngunit mabilis niya rin akong tinalikuran.
Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng kadiliman.
"Hi, love!" Agad akong napatayo sa pagkakaupo nang makita siya.
"What are you doing here? Hindi ba may exam ka?" gulat kong tanong. Nasa quadrangle kami ngayon. Magpe-perform kasi kami ng cheer dance para sa P.E subject namin.
"I still have five minutes, I just wanted to check you and give you these."
Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang makita ang supot na dala niya na may lamang dalawang mineral water at pandesal.
"Alam ko kasing hindi ka pa nakapag-almusal. Kaya, since hindi niyo pa naman oras para mag-perform kumain ka muna."
"Thank you, love." Napangiti ako.
His sweet gestures are so damn continuous.
Mukhang noong nagbuhos ng swerte si Lord, naliligo ako. He gave me a perfect boyfriend that everyone dreaming of.
"Kainin mo muna yan para may lakas ka. I'm sorry, I can't watch your performance but I know you can do it. Kaya mo yan, I believe you. Goodluck!" Lumawak ang ngiti ko at agad siyang niyakap.
"Good luck din sa exam. Alam kong makakapasa ka. Alis ka na! Late ka na, oh!" Binitawan ko na siya. Mabilis naman niya akong hinalikan saka tumakbo na.
"Wow Shan! Ang sweet naman talaga ni Grant. Kainggit kayo!"
"He is an ideal boyfriend." Lalo akong napangiti at tumango.
"Yeah, he is and he's mine."
Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Napahawak pa ako sa ulo nang sumakit ito dahil sa biglaang pagbalikwas ko.
"Hello." Nanatili pa akong nakapikit habang sinasagot ang tawag.
"Shannelle! Mabuti naman at sumagot ka na! Putragis! Ano okay na ba ang bungo mo?" Napakunot-noo ako at tiningnan kung sinong naka-register sa tawag. It's Myles.
"Medyo kumikirot lang ang ulo ko."
"Aba dapat lang! Pero hindi 'yan ang tinutukoy ko kung 'di ang utak mo! Bakit ka uminom kagabi? Alam mo namang bawal 'yon sa 'yo." Napakagat ako sa labi.
"May ginawa na naman ba ako?" kinakabahang tanong ko. Wala kasi talaga akong maalala.
"Syempre, meron! Umiiyak at nagwawala ka raw sa bar. Mabuti at nagawa pa akong tawagan ng secretary mo kaya nasundo kita. Pero hindi na kita nahintay magising kasi may appointment pa ako." Napabuntong-hininga ako.
"Salamat, Myles. Sorry, at naistorbo na naman kita.'' Napahawak pa ako sa ulo dahil lalo itong kumirot.
Nag-iba ang boses niya at nawala na ang inis kanina. "Pasensya rin, nakalimutan kong anniversary niyo pala kahapon. Hindi kita nadalaw."
"It's okay." Wala naman siyang responsibilidad para gawin 'yon. Sobra-sobra na nga ang utang na loob ko sa kanya at sa iba naming kaibigan.
They stay by my side when I needed them the most.
Napabuntonghininga siya. "Pero Shan, hanggang kailan ka magiging ganyan? It's almost 3 years! Kailan mo siya papalayain diyan sa puso mo? Everyone had move one, you should too." Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
Lalong sumikip ang dibdib ko. How could I move on? When everything I see, I always remember him?
"I can't Myles! I just can't. You know, how much I love him. Saksi ka roon, kaya bakit hindi niyo ako maintindihan?" nawawalang lakas kong tanong.
"I understand, but you know Shan. It's not healthy anymore. Hindi na siya babalik, please, palayain mo na siya. So, you could move forward."
Bakit kaydali nilang sabihin iyon? Palayain? I already tried many times but I just can't.
Our memories together have been in my heart and mind.
Pinunasan ko ang mga luha kong nag-uunahan na naman sa pagtulo. "Please, let's not just talk about him. Mag-aayos na ako."
"Okay, uminom ka na muna ng gamot. By the way, congrats pala sa book signing mo. At sana magmeet up din tayo minsan ng barkada. Miss ka na namin."
"Sige. Salamat, Myles. I will try." Pagkatapos mamatay ang tawag. Walang lakas ulit akong napahiga sa kama. Walang emosyon akong napatitig sa kisame.
Others can easily say 'Don't dwell on grief' because they don't experience losing someone.
They don't know the feeling of dying every single day.
Yeah, I don't go around grieving all the time. I try to act normal but despite this the grief is still there and always will be.
I recalled myself asking him. "What's your greatest fear?"
"You, not loving me anymore," he answered seriously with a glimpse of sadness.
But he never tried to ask me what's also my fear.
Because my fear had come true.
And that is...
Losing him.