"Tangina! Totoo?" Tumango-tango ako. Katatapos ko lang i-kuwento kay Myles lahat-lahat ng nalaman ko. Napahawak siya sa balikat ko at iniharap ako sa kanya. "Alam mo Shan, para kang nasa isang mystery-thriller and fantasy novel. Ganitong-ganito 'yung mga plot, eh. Ikaw, 'yung heroine!" namamanghang sabi niya. Napabuntong-hininga ako. "Ano naman kung ako ang heroine! Nalilito ako, Myles! Bakit ako? Anong koneksyon ko sa kanila? Eh, hindi ko naman sila kilala! At saka, paano ko mababago ang past, eh, bumalik na ako rito!" Napagulo ako sa buhok sa inis. Pakiramdam ko naglalagas na rin ang buhok ko sa panay g**o ko rito. "Bes, alam mo pakiramdam ko. Ibabalik ka rin ng kwintas na 'yan doon sa past. Kasi, sabi mo nga misyon mong baguhin ang mga nangyari doon," seryosong paliwanag niya. Na

