"Hoy! Saan mo ako dadalhin? Saka, wala pa si Thirdy!" Pigil ko kay Ace habang hinahatak niya ako. "Nagpaalam siya sa akin, may date ang gago," seryosong sabi niya at basta na ako pinasakay sa bisikleta niya. Nasira kasi ang bisikleta ko kaya kay Spade muna ako sumasakay kapag sinusundo nila ako tuwing umaga. "Eh, kay Spade ako sasabay," kontra ko ulit dahil minsan tuwing hapon kapag nakasasabay din namin siyang umuwi. Sa kanya o kay Thirdy ako umaangkas at hindi sa lalaking ito. "Wala siya, busy 'yon. Inaasikaso niya ang tungkol sa foundation!" inis na niyang sabi habang kunot-noong binalingan ako. "At saka, wala ka bang tiwala sa akin? Kung iniisip mong may gagawin akong masama sa 'yo. Nagkakamali ka, may taste din ako," dagdag pa niya sabay nakangiwing tiningnan ako mula ulo hangga

