Chapter 15

2351 Words
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga na muna kami sa silong ng mangga. Ang saya ng buhay dito, parang gusto ko kapag tumanda ako sa ganitong lugar din ako titira. Masarap ang simoy ng hangin, payapa, at parang makakalimutan mo lahat ng problema. "Oh, hello Tulips! Do you still remember me?" Napabaling ang tingin ko kay Mandy at agad na umiling. "Tsk, may amnesia nga, eh. Paano ka maaalala?" mataray na sagot ni Ace. Inirapan niya lang ito at bumaling ulit sa akin. "So, it's true? That's sad! We have a beautiful memories pa naman, together. I'm Mandy Jane Garcia, by the way," maarteng sabi niya sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at mabilis na nakipagkamayan. "Talaga lang, Mandy? Eh, lagi mo ngang binu-bully si Tulips. Paanong naging beautiful memory?" Nakangising pambabara naman ni Thirdy. "Oh, c'mon Thirdy! It's just a misunderstanding. I can be friends with her, now," nakangiting sabi niya sabay maamong tumingin sa akin. "Right, Tulips?" Napatango na lang ako. Dahil wala naman akong maisip na isasagot. Bumaling ang tingin ko sa babaeng katabi ni Ace na nanatiling nakatitig sa akin. It's like, she's examining me. Matamis siyang ngumiti nang mahalatang nahuli ko ang pagtitig niya. "How about me, Tulips, do you remember me?" malambing niyang tanong. Sweet voice siya at napakaamo rin ng mukha. Mukhang mabait. But I know, it's not safe to judge a person by its sweet appearance. Baka mas tigre pa pala ito. "Hindi, eh," sagot ko. Napangiti naman siya. "I'm Lilith Mary Cervantes, schoolmate din tayo." Pagpapakilala niya. Inilahad niya rin ang kamay niya kaya no choice, nakipagkamay na rin ako sa kanya. Ilang sandali pang namayani ang katahimikan sa amin. Habang nanatili ko namang pinagmamasdan ang paligid. Not missing any single details of this beautiful place. Sigurado naman kasing kapag bumalik ako sa mundo ko. Wala na akong oras para mapuntahan ang ganito kagandang lugar. Binasag naman ni Ace ang katahimikan. "Makulimlim naman, tara pasyal na tayo! Para mas marami pa tayong lugar na mapuntahan," aya niya at tumayo na. Kaya sumunod na rin kami. Namangha ako nang makita kung saan kami pupunta. Sa kuwadra ng mga kabayo nila. Kung hindi ako nagkakamali, may higit sampu yatang kabayo ang naroon. "Kay Artax na lang ako," sabi ni Thirdy at pumasok na sa kuwadra para kunin yata ang kabayong sasakyan niya. "Sa akin ka na sumabay Tulips. Hintayin mo ako, kukunin ko lang si Gregory." Paalam ni Spade pero bago pa siya tuluyang makapasok, ay hinila na ni Mandy ang braso niya. "Sanay naman sumakay ng kabayo 'yang si Tulips, eh! Ako, hindi, kaya ako na lang ang isabay mo," malambing na pakiusap niya. Inis namang tinanggal ni Spade ang pagkakahawak niya. "What are you thinking, Mandy? May amnesia siya! So, maybe she can't remember it," nakakunot-noo niyang sabi rito, halata ang inis. "No! That's part of her body language. It's impossible if she can't easily recalled it," madiing sabi nito at nilingon ako. "As far, as I remember you're really good in riding horses, so you could do it, right Tulips?" tanong niya at pinandilatan pa ako ng mata. Like, I'm gonna facing death if I don't agree. "Oo nga! Naalala ko nag-compete pa kami dati at natalo ako ni Tulips. Noong unang punta ko rito," dagdag ni Lilith. Nalipat ang tingin ko sa kanya. Nakasakay na siya sa isang kulay abong kabayo. Kita ko ang naghahamon niyang tingin sa akin bago ako matamis na nginitian. What's wrong with these girls? Wala naman akong ginagawa sa kanila, ah? May galit ba talaga sila kay Tulips? Gusto talaga nila akong mapahiya. Kung bakit kasi sanay sumakay ng kabayo si Tulips, eh? Habang ako, isang beses pa nga lang nakasakay ng kabayo. Napabuntong-hininga ako. Bahala na nga, siguro kaya ko naman. Since, tinuruan ako ni Grant dati. But, that was years ago! Pagkontra ng isip ko. Pero, anong magagawa ko? I can't just let them step on my pride. "Yeah, I think I could do it alone, Spade," pikit-matang sabi ko. "See? She could do it! Kaya isabay mo na ako!" tuwang-tuwang sabi ni Mandy. "Really? Are you sure?" nag-aalalang tanong pa rin ni Spade. Seryoso akong tumango. Not letting him notice my fear. "Hayaan mo na Spade, kay Beauty na lang sumakay si Tulips. Mabait naman 'yon," sabi ni Ace. "Thirdy, kunin mo na rin si Beauty!" Sigaw niya kay Thirdy na nasa loob pa ng kwadra at may hinahaplos pang kabayo. Napabuntong-hininga si Spade. "Kay Beauty ka na lang sumakay, Tulips. Sanay naman 'yon sa 'yo at mabait." Pagpayag niya. Dumagsa naman ang kaba sa dibdib ko. "Presenting Beauty!" nakangising sabi ni Thirdy at may hila-hila ng kabayo. Puti ang kulay nito at talaga nga namang magandang klase ng kabayo. Lumapit ako rito at hinaplos. Mukha ngang maamo. Sana lang, hindi talaga ako ihulog. "Nakasakay ka na ba ng kabayo, Shan?" bulong na tanong ni Thirdy. Tumango ako. "Mabuti, huwag kang magpapatalo sa mga babaeng 'yan. Ikaw ang manok ko." Napairap ako. "Naaasar na nga ako, eh," seryosong sabi ko kaya bahagya siyang natawa. "Kaya mo 'yan, Shan!" Pampalakas niya ng loob ko. Napangiti na rin ako. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit kinalma ang sarili. Agad akong inalalayan ni Spade para tuluyang makasampa sa kabayo. "Sumunod ka lang sa amin, at huwag ka masyadong malikot para hindi magulat si Beauty," sabi niya. Tumango-tango naman ako. Sumakay na rin sila sa kanya-kanyang kabayo. Sumunod na lang din ako sa kanila. Mabait naman itong kabayo, at mukhang kumportable sa akin o marahil, dahil kilala niya si Tulips. Napabaling ang tingin ko kay Mandy. Dahil ramdam ko ang pagtitig niya. Nginisihan niya ako at kalaunan, nang-uuyam akong tiningnan habang tila lintang nakayakap kay Spade. Gosh, I wanted to tell her that I don't give a f**k towards them! Kung noon, binu-bully lang nila si Tulips, ibahin nila ako dahil hindi ako basta-bastang nagpapaapi lang. Lumalaban ako, lalo na kung alam kong wala akong kasalanan. Inilipat ko na lang ang pansin ko sa mga dinadaanan namin. Marami silang tanim dito. May mangga, bayabas, avocado, saging at may iilan pang puno ng niyog. "Punta muna tayo sa may, water falls!" masayang sabi ni Thirdy. Nakasunod lang ako sa kanila habang hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ko sa mga nakikita. Napangiti ako nang madaanan namin ang mga palayan. Kay ganda lang kasing pagmasdan ang pagsayaw ng mga dahon dahil sa hangin. Sobrang nakakarelaks! "Wow!" Napangiti ako nang makita ang isang malawak na plantasyon ng niyog. Kaya pala iilan lang ang nakita ko kanina dahil may itinalagang pwesto sa kanila. Ang laki siguro ng kinikita nila rito. Hindi ko mapigilang maisip, dahil sa dami ng tanim nila. Panigurado, tuwing harvest time siguradong kikita sila ng milyones. "Paunahan tayo sa falls!" Yaya ni Lilith at binilisan na ang pagpapatakbo. "Oo nga! Huwag ka magpahuli, Tulips!" Sigaw ni Thirdy at kinindatan pa ako. Loko-loko talaga. Maganda kasi ang daan dito sa may plantasyon ng niyog. Kaya kahit bilisan pa ang pagpapatakbo ng kabayo walang problema. Nahuhuli pa rin ako sa kanila at kalmado lang ang pagpapatakbo ko. Natatakot kasi ako, baka kapag binilisan ko mahulog ako bigla. Malapit na kami sa kadulo-duluhan ng plantasyon ng niyog nang mapansin kong medyo malubak na ang daan. Nagulat ako nang binagalan ni Lilith kaya naunahan na siya ng tatlo. Nang tumigil siya, doon ko nalaman na ako pala ang hinihintay niya. "Dito tayo nagkarera noon, Tulips!" Masayang sabi niya. "Gusto mo, magkarera ulit tayo? Mukhang exciting, eh!" nakangising yaya niya. "Pero mukhang mapanganib, medyo basa na 'yong daan, eh," sabi ko sabay turo sa lubak na daan. "Umulan siguro, pero lalong naging exciting dahil malubak. Sige na, pagbigyan mo na ako! Magkarera ulit tayo!" Pilit niya. Shit! Kaya ko ba? "Sige na, idol pa naman kita, eh. Saka, hanggang falls lang tayo magkarera. Malapit naman na." Napabuntong-hininga ako. I've done that before with Grant. Sana lang makisama itong kabayo at pati na rin ang daan para hindi ako mahulog. Humigpit ang kapit ko sa kabayo at tumango. "Sige na nga," pagpayag ko. "Really? Thank you!" masayang sabi niya. "Anong meron diyan? Ang tagal niyo!" Sigaw ni Ace na hinihintay pala kami. Nagbilang hanggang tatlo si Lilith at saka kami mabilis na nagpatakbo ng kabayo. I try to calm my nerves and composed my self. Bahala na talaga! Yumuko ako at humigpit ang kapit sa kabayo ko habang mabilis na ang pagpapatakbo. "You're really a fast learner, love!" Ang laki ng ngiti ko at agad yumakap sa kanya para ibaba ako sa kabayo. "Hangang-hanga ka na sa akin, niyan?" nakangising tanong ko at nanatili sa mga bisig niya. Oh, I just love his natural scent! "Oo naman! Biruin mo, first time mo lang sumakay ng kabayo tapos natalo mo pa ako," manghang sabi niya kaya lalong lumaki ang ngiti ko. "Sus, nagpatalo ka lang yata, eh," tukso ko. Napakunot-noo naman siya. "Hindi, ah! Ikaw talaga nanalo, saka bakit naman ako magpapatalo sa 'yo?" Napahalukipkip ako at ngumuso. "Malay ko ba! Baka kasi gusto mo lang akong sumaya." "Lagi naman kitang pinapasaya, eh. Pero, hindi ibig sabihin nun, magpapatalo na ako. It is because you have the ability to win and you have the courage to not easily give up defeat. Eventhough, you don't have much experience." Tila may humaplos naman sa puso ko sa narinig mula sa kanya. He is really my confidence booster. "Thank you, love. You really know how to boost my confidence," nakangising sabi sabay gigil na pinisil ang pisngi niya. "Of course! I love you so much, my Shannelle! You're the best!" Kinindatan pa ako kaya lalo kong naramdaman ang kilig. Oh, I'm just so lucky! "Gaano ka best?" natatawang tanong ko. "My best girlfriend in the world! A kind of person who don't know the word, give up!" Lalong lumakas ang kumyansa ko dahil sa sumaging alaala namin ni Grant. Nalampasan na namin sina Ace, Thirdy at Spade na parehong sumisigaw pero wala na ang atensyon ko sa kanila kung 'di sa kasalukuyang kumpetisyon namin ni Lilith. Kaunti lang ang distansiya naming dalawa. Mas nauuna lang si Lilith sa akin. Natatanaw ko na ang waterfalls hudyat na malapit na kami sa finish line. Humigpit ang hawak ko sa tali at panay ang hampas ko para mas bumilis. I don't know if I will win this. Pero, sana nga. "I think, I will win this time, Tulips!" Malaki ang ngising sigaw niya habang palapit kami nang palapit sa finish line. Hanggang sa may nakita akong mahirap na parte ng daan. May malakas pang umaagos na tubig at bato, parang katatapos lang na pinagtibagan ng lupa. "Mag-ingat ka! May tubig!" Sigaw ko pero tila hindi niya ako narinig at dire-diretso lang ang mabilis na pagpapatakbo niya at tumatawa pa ngang nililingon ako. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko para pigilan siya pero huli na, tuluyang nadulas ang kabayo niya at nahulog siya. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko at mabilis na bumaba sa kabayo para alalayan siya. Walang imik at hindi niya ako pinapansin habang tinatanggal ang putik sa damit niya. "I'm sorry, sinigawan kita kanina para pigilan ka. Kasi nakita kong may tubig kaso, mukhang hindi mo ako narinig." Paliwanag ko. Hindi niya pa rin ako pinansin at lumapit lang ito sa kabayo niyang may sugat na. Sumakay ako kay Beauty para magtigil sa kakagalaw at sinundan siya. "Sorry talaga, Lilith," paghinging tawad ko ulit. Nakayuko lang siya at itinali ang kabayo sa kalapit na puno at saka ako binalingan. "Tara, dito ka na lang sumampa," yaya ko. Nagulat ako nang nanlilisik ang mga mata niyang sinigawan ako. "Madaya ka pa rin, Tulips! You still love to win!" malakas niyang sigaw at nagulat ako nang pumulot siya ng maliliit na bato at pinagbabato ang kabayo ko. "Tama na!" Sigaw ko dahil nagsusumigaw na ang kabayo ko. "Mahulog ka rin dapat! Gaya ng nangyari sa akin! Sorry-sorry ka pa, ginusto mo talagang mahulog ako!" galit niyang sigaw at panay pa rin ang walang tigil na pagbato sa kabayo ko. "Tama na! Huwag mong batuhin ang kabayo!" Pagpapatigil ko. Napakayap na ako rito nang mahigpit dahil baka tuluyang mahulog ako. Walang tigil na rin ang pagdampa nito hanggang sa nagulat ako nang bigla na lang itong kumaripas ng takbo at kahit anong hila ko sa tali ay hindi na ito sumusunod sa akin. Fuck! "Beauty, stop!" I try to calm her pero walang epekto mabilis pa rin ang pagtakbo niya. Mukhang nagulat talaga at nasaktan sa ginawa ni Lilith. Nanginginig na ako sa takot. Lalo nang tumatalon-talon na ito. "Ah, please stop, Beauty!" naiiyak kong pagpapatigil dito. "Tulips, kumapit kang mabuti!'' Napalingon ako. Nakita ko na silang mabilis na sumusunod sa akin. Lalong nadagdagan yata ang takot ni Beauty kaya bumilis lalo ang pagkaripas niya ng takbo. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin. Ang mabuti lang, ay hindi siya dumiretso sa daan papunta sa water falls. Sa muling pagtalon niya ay alam kong tuluyan na akong mahuhulog. Hinanda ko na lang ang sarili ko. Sana lang, hindi magkabali-bali ang buto ko, piping dasal ko. Lalo't katawan pa naman ito ni Tulips. Napapikit ako, habang unti-unti ko nang nabitawan ang pagkakakapit ko. Pero ang inaasahan kong masakit na pagbagsak ay hindi nangyari. Dahil agad na may malakas na brasong sumalo sa akin. Pikit ang matang napahigpit ang kapit ko sa damit niya at tuluyan nang lumandas ang kanina ko pang pinipigilang luha. "Stop crying, you're safe now," malamyos niyang bulong. Na agad nagpakalma sa akin. Minulat ko ang mata ko. Akala ko si Spade, pero si Ace ang nasilayan ko. Hindi ko maialis ang pagtitig ko sa seryosong mukha niya habang pilit akong pinapatahan. Nawala ang ingay sa paligid. Kahit ang boses niyang nagsasalita ay hindi ko na marinig at ang tanging pinakanangingibabaw ay ang mabilis na paghaharumintado ng puso ko. Lalo akong napaiyak. Because right on this moment, I can clearly see Grant on him. The way he held me tightly, I felt the same security that only Grant made me feel all these years. Why, Ace? Why are you always making me remember, Grant?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD