Napasimangot ako nang makitang sobrang halata ang eyebags ko. Ang tagal kasi bago ko nakuha ang tulog ko kagabi. Kakaisip tungkol sa lalaking kamukha ni Grant.
I even called Mama Cynthia just to asked if Grant had a deceased older brother. Kahit alam kong only child siya. I still checked.
Tinawanan pa ako ni Mama Cynthia at agad pinabulaan ito.
So, sino talaga ang lalaking iyon?
Oo, alam ko ring may posibilidad na may kamukha ang ibang tao. May article na akong nabasa tungkol dito.
Na pwedeng ang isang tao ay magkaroon ng pitong kamukha sa mundo. Ngunit sobrang rare naman kung kamukhang-kamukha talaga.
Sa pagkakaalala ko. Only one in 1 trillion ito mangyari.
Napahawak ako sa ulo ko nang muntik na akong mawalan ng balanse. Ganito ako tuwing kulang sa tulog. Nahihilo ako.
Tinawagan ko naman na si Christine kanina at sinabing hindi muna ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko.
I don't really have the guts to go to work. Ngayon lang ako hindi pumasok sa birthday ko.
I used to overworked the past years. That, I don't even remember my birthday.
Bumalik ako sa kama ko at humiga ulit. Facing again the ceiling. Kung saan kitang-kita ko ang kanyang mukha, kinuha ko ang lumang litrato at pinagkumpara.
Kahit ang paraan nang pagtaas ng sulok ng labi niya ay parehong-pareho kay Grant. Ganoon din ang nakatutunaw nitong mga mata kung tumitig.
Sa paraan nang pagkakatingin niya sa babaeng katabi niya. I can easily conclude that he is attracted to her.
Nakaramdam ako ng sandaling pagkirot sa puso ko sa naisip. I can't believe myself even become possessive over someone who just looked like Grant.
And that is wrong.
Napabuntong-hininga ako at umiling. Sobrang mali, hindi ko dapat ito iniisip. "Hindi ito si Grant, ibang tao ito," paulit-ulit kong usal.
Ano bang koneksyon ko sa mga bagay na laman ng kahon? Bakit sa lahat ng tao sa akin pa ito ipinadala?
Kinuha ko ang lumang notebook at muling naghanap ng mga sulat na nakapaloob dito. Palipat-lipat lang ako ng pahina hanggang sa makita ko ang napakagandang drawing.
Drawing ng isang nakaunipormeng babaeng may mahabang buhok at nakatirintas. Nakaside view lamang ito at nakalahad ang kamay sa likuran na tila may inaaya habang nakasakay sa bisikleta.
May nakasulat sa ibaba ng drawing na made by: YBC.
Binasa ko ang nakasulat.
"I want to see you. I just wanna see you. In the past and in the future, I just want to see you, my sunshine. Only you, my heart beats."
Ngayon ko napagtanto na maaring lalaki ang nagsusulat dito. Pangit kasi ng pagkasulat, parang kinalahig ng manok.
Natawa ako sa naiisip nagawa ko pang mamintas. Ngunit sa bagay, maganda naman ang kahulugan ng mga nakasulat. Tila ipinaparating ng nagsulat nito ang pagmamahal niya at pagnanais makita ang babaeng iginuhit niya.
And it is so romantic.
Kahit sinong babaeng makabasa nito kikiligin.
Nilipat ko ulit ang pahina, may ilang parte rin na maraming sinadyang punitin.
"You have a call my love, you have a call my love!"
Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
It was Shyra.
"Hello!"
"Hello ate! Bakit wala ka pa? Nasa beach resort kami, nagluto si mama ng handa mo." Agad akong napabangon. Si Tita Grethel talaga, oh.
"Huh? Hindi ko alam, wala naman akong sinabing uuwi ako," saad ko.
"Sige na, punta ka na rito. Miss ka na namin, please. Saka, sayang itong mga niluto ni mama." Napapikit ako at bumuntong-hininga.
"Sige, uuwi ako. Magbibihis lang ako."
"Yehey! Sabi mo yan, ah!"
"Oo na. Bye!" Mabilis akong dumiretso sa banyo at naligo.
Hindi ko lubos maisip na papauwiin nila ako ngayon. Siguro nga, ang alam nila okay na ako sa dagat.
Pero ano pa nga ba? Sayang naman ang effort ni Tita Grethel kung hindi ako uuwi. Tita Grethel, is my mom elder sister siya ang umampon sa akin mula ng mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente.
Tinuring niya ako bilang tunay na anak at ganoon din si Shyra parang kapatid na rin niya ako.
Halos aabutin ng dalawang oras ang byahe ko papunta doon. They are managing their own resort, and that was once my favourite place.
Hindi na ngayon, mula ng mangyari ang trahedya kay Grant. I began to hate the place. Ang lagi kong naalala tuwing nandoon ay ang tubig na kumuha sa buhay ng mahal ko.
Paalis na sana ako pero hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin at muling binalikan saka kinuha ang lumang notebook. Basta ko na lang itong hinulog sa maliit kong attache case kung saan nakalagay ang ilang manuscripts ko.
Magandang makapagbasa-basa naman ako doon at sana nga ma relax rin.
Napakunot-noo ako nang may makitang mga police na nakamasid nga sa paligid ng apartment ko. Tinotoo nga nila.
"Ma'am, aalis ka po?" Tumango ako.
"Pero, pinapabantayan ka po sa amin. May nagtatangka raw po sa buhay niyo." Natawa ako kung anong rason na lang sinabi nila.
"Wala po, pasensya na po. Pwede na po kayong bumalik sa trabaho niyo. Wala pong nagtatangka sa akin." I assured them. Ayaw pa talagang pumayag noong una pero nakumbinsi ko rin.
Nag-sound trip pa ako habang nagbabyahe. Nami-miss ko na rin naman sila kaya tingin ko tama itong desisyon kong umuwi. Masuwerte pa rin ako at nagkaroon ng pamilyang naiintindihan ako. Mula ng ayaw ko nang umuwi sila tita na ang mismong dumadalaw sa akin.
Napakunot-noo ako nang mapatingin sa rear view mirror ko. Tila kanina pa sumusunod sa akin ang itim na kotse.
Binagalan ko ang pagpapatakbo at bumagal din ito. Nagsimula na akong kabahan. Nag-overtake na ako. Tumingin ulit ako at bumilis din ito.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela at binilisan ang pagpapatakbo. Anong kailangan nito sa akin?
"s**t!" Napamura ako nang may maalala. Ito na ba 'yon? May nagtatangka talaga sa buhay ko.
Namumuo na ang pawis sa noo ko kahit may aircon naman dahil sa takot.
Domoble ang takot ko nang makitang tatlong kotse na ang humahabol sa akin.
Halos sampung minuto na kaming naghahabulan sa highway. I can't even believe I can drive this fast! Adrenaline rush na rin siguro.
Malapit na ako sa shortcut ng resort. Lumiko ako at dumiretso na ako doon. Kabisado ko ang daanang ito, sana mailigaw ko sila. Puro kakahuyan na ang nadadaanan ko.
"Ah! s**t!" napasigaw ako sa gulat nang magsimula silang barilin ang gulong ko. No choice na ako, nang makalayo ako nang konte. Itinigil ko ang kotse ko at saka mabilis na kinuha ang mga gamit ko.
Abot-abot ang kaba ko habang mabilis na tumatakbo sa kakahuyan. Hindi alam kung saan patungo basta ang importante makatakas ako.
Kinurot ko ang pisngi ko, nagbabakasakaling baka panaginip lamang ito. Pero naramdaman ko ang kirot, kaya totoo!
Rinig na rinig ko ang sigawan nila. Dahil nag-e-echo ito sa kakahuyan. Kahit pagod tuloy pa rin ang pagtakbo ko.
Nagpasya akong magtago dahil naririnig ko na ang boses nila. Malapit na nila akong abutan.
"Nasaan na ang babaeng iyon?" Napatakip ako sa bibig para pigilan ang paghinga. Pakiramdam ko pati 'yon maririnig nila.
"Nakita niyo?"
"Hindi eh!"
"Nandito lang iyon, hindi pa 'yun nakakalayo. Kailangan nating makuha ang kwintas, kung 'di malalagot tayo."
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kwintas na suot ko.
Anong kailangan nila rito? Tinanggal ko ito at inilagay sa loob ng b*a ko.
Pinakiramdam ko ang paligid nang mahalatang wala na sila. Nagsimula na akong tumakbo. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay may nakatutok ng b***l sa akin.
"Tigil!" sigaw niya. Nanginig ako sa takot at mabilis na itinaas ang dalawang kamay ko.
"Hindi na ako lalaban ibibigay ko na sa iyo huwag mo lang saktan," pakiusap ko.
"Nadadala ka naman pala sa pakiusapan, pinagod mo pa kami," nakangising sabi niya habang inilalahad ang kamay niya. Napangisi ako at mabilis na hinatak ang kamay niya at pinaikot.
"Ah!" sigaw niya nang maramdaman ang sakit. Rinig ang tunog nang pagkabali ng braso niya. Malakas ko pa siyang sinipa.
Mabuti na lang tinuruan ako ni Grant noon ng ilang self-defense.
"Nandito siya!" sigaw ng isa sa mga kasamahan niya. Kaya mabilis na akong tumakbo.
Pinaputukan niya ako pero mabuti na lang at nakailag ako.
Lagot na! Panay dasal na ako sa isip ko habang patuloy na tumatakbo. Hanggang sa makarating ako sa kadulo-duluhan sa labasan ng kakahuyan.
Tumakbo ako at bangin na nga ito diretso sa dagat. Endpoint na. Wala na akong tatakasan.
"Tigil! Ibigay mo sa amin ang kwintas!"
"Anong kwintas? Wala ako 'nun!" Halos hindi na ako humihinga sa takot. Nakatutok ang b***l nila sa akin.
"Sinungaling! Nasa 'yo pati ang laman ng kahon. Ibigay mo ito sa amin at hindi ka namin sasaktan."
I know, they are lying kahit ibigay ko sa kanila. Sigurado papatayin din nila ako.
Ganoon na ba sobrang kaimportante ang laman ng kahong ibinigay sa akin?
"Ibigay mo na!" Patuloy ako sa pag-atras. Mataas ang bangin at hindi ko alam kung mabubuhay pa ako kapag tumalon ako pero ito na lang ang alam kong tanging paraan para makatakas ako.
Babarilin na sana ako nang may unang bumaril sa taong babaril sa akin. Isang lalaking nakahoodie ng itim.
"Shan, ibigay mo na sa akin ang kwintas," maamong pakiusap niya sabay lahad nito sa kamay niya. Alam niya ang pangalan ko.
"Ibaba niyo muna ang b***l niyo," nanginginig kong sabi.
"Narinig niyo 'yun, ibaba niyo!" sigaw niya. Ibinaba niya ang b***l niya at kalaunan sumunod ang mga tauhan niya. Habang unti-unti itong lumalapit sa akin.
Ibibigay ko na ba talaga sa taong ito?
"Akin na, ibigay mo na sa akin." Iniabot ko na ang attache case sa kanya.
Humalakhak ito. "Patayin ang babaeng yan!"
Nanlaki ang mata ko. "Traydor!" malakas kong sigaw at mabilis siyang sinipa kasabay nang pag-agaw ko sa attache case pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang mukha niya dahil natanggal ko ang takip niya.
"You can't change anything, now. But don't worry, I will take your place," malamig niyang sabi at malademonyong ngumisi.
Kasabay nang naramdaman ko ang pagtama ng bala sa katawan ko. Hindi ko alam kung ilan ang tama ko, basta nagawa ko pang tumalon sa dagat.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kabuuan ng mukha niya habang pinapaulanan nila ako ng bala.
Naramdaman ko ang pagsikip ng paghinga ko. Katapusan ko na ba talaga?
Kung oo, masaya na rin ako.