Chapter 27

2311 Words

"Tao po? May tao po ba rito?" Hindi ko alam kung nasaan ako basta nasa isang malawak akong lupain. Panay ako sa paglalakad. Kanina pa ako rito pero parang wala itong hangganan. Nanaginip ba ako o dinala na naman ako ng kwintas sa kung saang lugar? "Shan!" Napalingon ako. Si Ace! Napakunot-noo ako. Paanong nandito siya? Nakangiti siyang lumapit sa akin at inilahad ang kamay niya. "Sumama ka sa akin," aya niya. "Paanong nandito ka?" nalilitong tanong ko. Ngumisi siya. "Dahil, iniisip mo ako," sagot niya. "Tara na! May pupuntahan tayo. Mahal mo ako 'di ba?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya. Lalo akong nalito, wala akong maalalang umamin ako sa kanya ng nararamdaman ko. At mahal? Gusto siguro, pero hindi ko pa siya mahal. "Love, huwag!" Napalingon ako. Natuos ako sa kinatata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD