Chapter 6

2035 Words
A few weeks later... "...Manalo po." "And you..." napaayos ako nang pagkakaupo nang lumipat sa'kin ang tingin no'ng principal. Ni hindi ko napansing natapos na pa lang magpakilala 'yong kasamahan ko. No'ng Lunes, nagsimula na ang deployment namin sa school assignment namin para sa practice teaching. Kasalukayang kaming nasa office ng school kung saan kami magpa-practice as student teachers. Pagka-introduce sa'min kanina ng adviser namin, umalis na rin ito agad dahil may iba pa kaming mga kasamahan na sasamahan din niya sa mga schools nila. "Good morning po, my name is Sheila Ly Koleens. I'm also taking Elementary Education, majoring in Pre-school at St. Marcel University. Nice to meet you po, Ma'am." Dinagdagan ko ng isang tipid pero pormal na ngiti ang mga sinabi ko. "Sheila...wait, are you Shei?" "Yes po," paano niya nalaman ang nickname ko? "Oh, so, you're one of those who had their Field Study here. I kept on hearing your name from teacher Riza, she was hoping you'll have your internship here." Hindi ko alam ang isasagot ko pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko, nakakatuwa kasing malaman na gusto pala nila ko bumalik dito. During second and third year, nagkaroon kami ng Field Study subject kung saan nag-observe kami sa mga school. Sa FS 123, public school ang pinag-stay-an namin ng isang buong sem. Sa FS 456 naman, sa private schools. Ngayong Practice Teaching naman kami, private school ulit kami. May list ng partner school ang St. Marcel para rito. May choice kaming mamili kung ano'ng school namin gustong pumunta. Nag-decide akong mag-stay sa previous school ko kasi maayos pakikitungo sa'kin ng mga tao rito. At saka ang ganda rin kasi ng mismong environment at teaching style. Sa mga kaibigan ko, si Jade lang ang pumiling mag-stay din sa previous school niya. Sila Lhia at Anne—na magkasama last time—lumipat sa iba. Hindi raw kasi maganda 'yong napag-observe-an nila last time. Super na-stress lang daw sila. Bukod sa'kin, may dalawa pa kong kasama rito. Kaklase ko 'yong isa habang taga-kabilang section 'yong isa. Kausap namin ngayon 'yong bagong school principal. Nag-retire na raw kasi 'yong dating principal. Sayang, hindi ko man lang nakita bago umalis. "Anyway, enough with the introductions. We have nursey, kinder, and prep here. I'll leave it up to you which will go to which level. And since Shei knows the school already, I'll leave it to you to send your companions." Nagulat ako sa sinabi nito, "O-okay po," sagot ko habang pinakikiramdaman ang dalawa kong kasama. Baka kasi mamaya may mga masabi 'to sa'kin. Pagkatapos nang pag-uusap na 'yon sa office, dinismiss na rin kami agad para makapunta na sa mga rooms. Pagkalabas, agad naming pinag-usapang kung sino ang sa kada level. "Ano'ng level 'yong in-observe mo noon?" tanong no'ng kaklase ko. "Kinder." "Doon 'yong teacher Riza?" tumango ako sa tanong nito. "Doon ka na lang ulit. Kami na lang mamimili kung sino do'n sa iba." Hindi na ko nakipagtalo pa, hinayaan ko silang mag-decide kung sino sa kanila ang sa nursery at sino ang sa prep. Sa totoo lang, kilala ko naman lahat ng mga pre-school teacher dito. Tatatlo lang naman sila at magkakalapit lang ang room. Nang matapos silang mag-desisyon, dinala ko na nga sila sa kung saang room sila. Binati pa nga ako ng mga cooperating teachers—mga class adviser na mag-ga-guide sa kanila—no'ng napansin nila ko. Dumiretso na rin ako agad sa room kung saan ako. Pagpasok ko do'n, tuwang tuwa si teacher Riza nang makita at malamang nagbalik ako, agad ako nitong ipinakilala sa mga bata sa morning session. Pagkatapos no'n, opisyal nang nagsimula ang first day ko as student teacher. * * * "Ay, 'cher Shei," nahinto ako sa pagtulong sa mga estudyante sa pagbubukas ng mga pagkain nila. "Po?" "Ngayon nga pala 'yong quarterly check up nila. After nilang mag-snack, rest lang sila ng mga ten minutes tapos punta na agad sa clinic." "Oh, okay po," saglit kong ibinalik ang atensyon ko sa batang lumapit sa'kin para pabuksan 'yong juice niya. Nang matapos akong ibigay 'to sa kanya, ibinalik ko ulit ang atensyon kay teacher Riza. "Nando'n na po ba si Dra.?" "Ah, hindi si Dra. ang mag-che-check sa kanila. May conflict ata sa sched. Iyong anak ng bagong principal ang pupunta, doctor kasi 'yon." Napatango-tango ako sa sinabi nito, ipinagpatuloy ko na ang pag-asikaso sa mga bata. Matapos kumain ng mga bata, pahinga-s***h-laro lang muna sila bago namin pinapila para lumabas at pumuntang clinic. Nauna si teacher Riza sa paglabas habang nakasunod ang mga bata. Nasa dulo naman ako ng pila para masigurado kong walang biglang aalis o tatakbo. Pagdating namin sa clinic, pinaupo namin ang mga bata sa mga nakasalansan na malilit na monoblock na upuan para sa kanila. "Okay, kids, the doctor will check if you are healthy. Listen and follow well to the doctor, okay?" "Okay!" napangiti ako sa mahabang 'okay' ng mga bata. Sabay-sabay pa ang pagkakasabi nila. "Hi, kids!" sabay-sabay kaming napatingin sa biglang nagsalita. Natigilan ako, biglang nawala ang ngiti ko nang makilala ko kung sino 'to—si Baro. Hindi ako nito tinapunan ng tingin, diretso lang ang tingin nito sa mga bata. Niluhod pa nito ang isa niyang tuhod sa harapan nila para maging magkapantay sila. "I'm doctor Baro, I'll be..." hindi ko na halos narinig pa ang mga sinabi nito, napatitig na lang ako rito. Ngayon ko lang kasi nakita nang malinaw ang itsura niya kapag nakaputing coat na pang-doctor siya. Nakabilog na salamin din siya. "...cher. Teacher Shei," biglang natigil ang lumilipad kong utak nang tawagin ako ni teacher Ruiz na may halo pang malakas na pagsiko. "P-po?" hala! Natulala ako, napansin kaya nila? "Kailangang may katulong si Doc para do'n sa mga form ng bata. I-assist mo na lang siya do'n, baka mahirapan ka kapag ikaw naiwan dito sa mga bata. Hindi mo pa man din sila kilala." "Oh, okay po." Matapos no'n, nag-aalangang lumapit ako kay Baro. Paano ko ba siya dapat tawagin? Doc? Siguro, kasi formal kami ngayon, eh. "Doc, assist ko po kayo sa mga form." Tinignan ako nito, inabot niya 'yong clipboard na may mga form. "Do you have a pen?" casual na tanong nito, tuwing nagkikita talaga kami parang hindi niya ko kilala. Bigla kong nakapa 'yong bulsa ng uniform ko, naalala kong naiwan ko pala 'yong nakaipit sa notebook ko, kailangan ko kasing isulat lahat ng routine sa room. "Here," bago pa ko makasagot inabutan na ko nito ng lapis. "Just make sure its visible." "Okay po." * * * "Say: 'Thank you, Doctor Baro!'" "Thank you, Doctor Baro!" "Thank you, doc." "Thank you po," ibinaba ko 'yong hawak kong clipboard sa table nito. "You're all welcome," nakangiti nitong sagot sa mga bata. Nagsimula na ulit pumila ang mga bata bago kami lumabas sa clinic. Habang gina-guide namin sila, biglang nagsalita si Baro. "Wait," sabay kaming napatingin ni teacher Ruiz dito. "If you don't mind, can you stay to assist me? It will be much faster that way." Nagkatinginan kami ni teacher Ruiz, ito na ang sumagot para sa'kin. "I don't mind, doc. Malapit na rin naman dismissal ng mga bata. Basta po pabalikin niyo siya during lunch break." "Okay, no problem. Thank you." Dahil nakapag-desisyon na sila, ngumiti na lang ako bilang pag-sang-ayon. Nang makalabas ang mga bata, pinatawag na ang mga nasa grade school. Pinauna lang pala yata ang morning session ng pre-school department para umabot bago sila mag-uwian. Tinuloy ko ang pagtulong kay Baro, inililista ko lahat ang sinasabi nito sa form ng mga bata. Saktong alas-dose ng tanghali, natapos namin hanggang grade 4. Katulad nang ipinangako nito kay teacher Ruiz, pinabalik niya ko sa classroom. Hiniling lang niya ulit ang tulong ko para mamayang hapon. "Sige po, doc. Babalik na lang po ulit ako mamaya." "Okay, thank you, Shei." Nginitian ko ito pero natigilan ako nang ma-realize kong tinawag ako nito sa pangalan ko. Nakapagpakilala ba ko rito nang maayos? Ah, baka no'ng umattend sila sa church at saka niya nalaman pangalan ko. Papalabas na sana ako nang may bigla akong naalala. Mabilis akong napaharap dito, nagulat ata 'to sa bigla kong pagkilod kaya napatitig 'to sa'kin. "Something's wrong?" "Baro—" bigla kong naiikom ang bibig ko nang aksidente ko itong matawag sa pangalan niya. Napatikhim ako bago nagpatuloy, "Doc...'yong utang ko sa inyo." Bahagya itong napakunot noo sa sinabi ko, "Utang?" "Iyong sa supermarket," ngayon ko lang naalala ang tungkol dito. Matapos ko siyang makitang may kasama sa supermarket noon, hindi ko na siya nilapitan pa, inisip ko na lang na magtanong kay kuya Seph kung paano siya mababayaran. Iyon nga lang, wala pala silang number ng isa't isa. Nagtataka tuloy ako kung malapit ba talaga sila sa isa't isa o ano. "Ah..." mukhang naalala nito ang tinutukoy ko. "Never mind that." "Pero malaki rin 'yong binayaran niyo." Never mind ka d'yan! "It's fine. Go eat your lunch now." "Pero..." bigla na ko nitong tinalikuran. May pagkabastos 'to, ah. Ayaw ko man umalis, wala na rin akong magawa. Mukhang ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol do'n, eh. Masunod na lang siya at makakain na ng lunch. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng may isang ideya ang pumasok sa isipan ko. Kung ayaw niyang pabayaran, iba na lang ibibigay ko sa kanya. Mabilis akong bumalik sa classroom, wala ng mga bata sa loob, lahat nakauwi na at si teacher Ruiz na lang ang natitira. "Shei! Halika, sabay na tayong kumain." Sinimulan nitong isalansan ang laman ng termo lunch bag niya. "Sige po, mauna na po kayo, may bibilhin lang po ako sa canteen." Sabi ko rito habang kinukuha ang wallet ko sa bag. Ayan! Siguradong dala ko na ang wallet ko. "Ah, okay. Sige." Dali-dali akong lumabas ng classroom at pumunta sa canteen. Binili ko 'yong special menu nila para sa araw na 'to, bumili na rin ako nang maiinom. Pagkabayad at pagkakuha ko ng mga ito, mabilis akong naglakad pabalik sa clinic. Kung ayaw tanggapin ni Baro 'yong ibabayad kong pera, sa pagkain ko na lang idadaan. Pagkarating ko sa may clinic, hindi ko malaman kung paano ko bubuksan 'yong pinto dahil sa mga dala ko, ni hindi ko magawang kumatok. Sisipain ko na sana 'yon pintuan para gumawa ng tunog nang bigla na lang itong bumukas, hangin tuloy ang nasipa ko. "What are you doing?" tanong ni Baro na siyang nagbukas ng pinto, kitang kita rin nito ang pagsipa ko sa hangin. "Uh...exercising?" bago pa ko makapag-isip ng sagot, ayan at kusa na lang lumabas sa bibig ko ang mga 'yan. Hindi ito umimik at tinitigan lang ako. "Are you going to eat here?" biglang bumaba ang tingin ko sa dala-dala kong pagkain. "Ah...no...this is..." napatigil ako sa pagsasalita nang may biglang sumagi sa isip ko. Kung sasabihin ko agad-agad na para sa kanya 'to, may chance na tanggihan niya. Bahagya akong umaayos nang pagkakatayo, "Pwede niyo ba 'tong hawakan saglit?" patungkol ko sa tray na hawak ko. Walang tanong-tanong naman nitong kinuha 'yon mula sa'kin. Nang masiguro kong maayos na ang pagkakahawak niya rito, pumasok ako sa loob at inilapag 'yong bote ng inuming nakaipit sa braso ko, naramdaman kong sumunod ito sa'kin. "You're really going to eat—" Hindi ko na ito pinatapos pang magsalita at mabilis naglakad papunta sa may pintuan. Agad kong hinawakan 'yong knob ng pinto at bahagya itong isinara habang nakadungaw ang kalahating katawan ko sa loob. "Para sa'yo 'yan, thank you sa pagtulong sa'kin sa supermarket." "Wh—" muli, hindi ko na ito pinatapos pa, agad kong isinara ang pintuan at mabilis na naglakad papalay sa clinic. Hindi ako makatakbo kasi may mga estudyante sa paligid. "Shei!" bigla akong napahinto nang malakas nitong tawagin ang pangalan ko. Wala sana akong balak na pansinin kaso may mga estudyante nang napatingin sa'min. Ayaw ko namang isipin nilang 'di ko pinapansin si Baro. Hinarap ko ito at mabilis na nagsalita, "Bawal ibalik! Kailangang kai—" "Thank you. Eat well." Sinundan niya ng isang nakasarang ngiti ang mga sinabi niya. Nawala ito sa paningin ko at nakarinig ako nang pagsara ng pintuan. Bigla akong napabuga ng hininga. Maling kombinasyon 'yong bilog niyang salamin at ngiti. Masama sa mata, masama sa puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD