Chapter 5

1932 Words
Fourth Year – Second Semester Hindi ko napigilang ipaypay ang hawak kong malaking envelope na may laman ng x-ray result ko, sagad sa buto ang init! Hindi mo aakalaing Ber month na. Nang makababa ako sa jeep na sinakyan ko, ginawa kong pang-silong 'yong hawak ko para maprotektahan ako sa sikat ng araw. Nagpunta ako ngayon sa SMU para ipasa 'yong mga medical results ko, required kasi ang lahat ng 4th year na magpa-medical sa simula ng second sem. Isa ito sa mga requirements bago kami sumabak sa internship. Hindi katulad no'ng medical namin no'ng first year na lahat ay sa SMU ginawa, ito, kanya-kanya kaming pa-medical sa labas. Resulta na lang mismo ang ipapasa namin sa may clinic. Kapag clear result, at saka lang kami bibigyan ng clearance. Pakiramdam ko, kalahating oras ako naglakad mula sa may terminal—kung saan ako bumaba—papasok sa SMU. Sanay naman ako sa biyahe pero sobrang hirap no'ng ngayon. Dahil siguro katanghaliang tapat ako dumating? Hindi ko na talaga kaya 'yong hingal at pagod kaya nang madaan ako sa Athena—College of Education building—agad akong naupo sa isa sa mga sementong upuan sa labas mismo nito. Ilang linggo rin bago ako nakabalik dito sa building namin dahil sa sem-break. Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamuna at mga labi ko. Tinignan ko ang oras sa suot kong orasan, dahil tanghalian na baka nagla-lunch na 'yong mga taga-clinic. Maganda sigurong magpahinga muna ko bago ko pumunta do'n. Tumayo ako at pumunta sa kalapit na bilihin dito sa building namin. Bumili lang ako nang maiinom at sandwich. Pabalik na ko sa inuupuan ko kanina nang may tumawag sa'kin. "Shei?" Hinanap ko ang pinanggalingan no'ng boses. Kung hindi pa itinaas ni Sir Czam ang isa niyang kamay at kumaway habang naglalakad papalapit, hindi ko pa siya makikita. Ang hirap kapag hindi naka salamin! Ni hindi ako naka-contact lens ngayon. "Sir, good afternoon po," bungad na bati ko rito. "Hi," bati nito pabalik nang makalapit na ito at nakatayo sa harapan ko. "Kumusta? Bakit ikaw lang?" "Okay naman, Sir. Ah, magpapasa lang po kasi ako ng medical results ko. Nauna na po sila Lhia sa'kin kaya ako lang mag-isa ngayon." "Oh. Wait, iyan na ba ang lunch mo?" biglang nagbaba ang tingin nito sa hawak kong pagkain at inumin. "Ah...medyo?" alanganing sagot ko rito. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko naman kasi masabing ito na ang lunch ko, pantawid gutom ko lang naman talaga kasi. "Come with me. May free lunch na binigay sa'min, kainin mo na lang 'yon." "Hindi na po, Sir. Sa inyo po binigay 'yon," mabilis na tanggi ko rito habang umiiling. "It's fine, hindi naman namin makakain. Sayang lang, baka mapanis. Let's go," hindi na ko maka-angal pa nang marahan niya kong tinulak para maglakad. Sabi ko nga, may free lunch na ko. Nang makarating kami sa office nila, wala si Sir Van. inihain sa'kin ni Sir 'yong lunch niya na binibigay niya sa'kin, may kasama pa ngang inumin. "Sir, kain po," pang-aalok ko rito kahit na sa kanya naman ito galing, at kahit na sabi niyang hindi na niya makakain. "By the way, sabi mo magpapasa ka ng medical results?" Tumango ako rito bago magsimulang kumain. "Magkikita pala kayo ng kaibigan namin ni Van." Sinigurado ko munang walang laman ang bibig ko bago ako nagsalita, "Kaibigan niyo po ni Sir Van?" "Oo, siya 'yong university doctor, si Baro." Natigilan ako sa sinabi nito at napatitig sa kanya. Kaibigan nila si Baro? "Bakit?" napansin ni Sir 'yon pagtitig ko sa kanya. "Baro Narcisco po?" pagsisigurado ko kahit na halata namang iisang Baro lang ang pinag-uusapan namin. Bakas sa mukha ni Sir ang gulat, "Yeah. Kilala mo siya?" "Nagkita po kami minsan sa church namin, sila no'ng kapatid niya." "Si Yamuel?" Yamuel? Ah! Si Yam? Iyon ang buo niyang pangalan? "Opo," sagot ko rito. Habang kumakain, napagkwentuhan namin 'yong magkapatid. Noong una, naiilang ako kasi ako lang 'tong kain nang kain, kaso masarap kausap si Sir, halos nawala na sa isip kong kumakain nga pala ako. "You know Lana's older brother, right?" "Si kuya Travis po?" "No, the oldest. Jarvis." "Ah, opo. Malakas magpakain 'yon, eh," natatawang sabi ko kay Sir. No'ng minsan kasing nilibre kami, halos bilhin lahat ng nasa menu. Grabe 'yon, sira ang diet! Natawa si Sir Czam sa sinabi, "Hindi ka talaga magugutom kapag 'yon ang kasama mo." Naiiling na sabi nito habang bahagyang nakangiti. "Anyway, nabanggit ko siya kasi siya talaga ang barkada nila Baro at Yamuel. Magkaka-edad ang mga 'yon, eh. Pare-pareho nang matatanda." "Ilang taon na po ba sila?" hindi naman kasi specific 'yong sinabi ni Yam no'ng nakaraan. "Twenty-six? Twenty-five? Around that age." Napaangat ang dalawang kilay ko sa sinabi nito, gano'n na sila katanda?! Hindi halata! Iyong kuya ni Lhia, malaking bulas pero baby face. Pero sila Baro at Yam, hindi talaga halata kahit sa katawan nila. "Surprise?" napatango ako kay Sir Czam, natawa naman 'to sa'kin. Ano kaya ang skin care routine ng mga 'yon? Parang gusto ko tuloy malaman. * * * Nang matapos akong kumain, saktong kailangan nang umalis ni Sir Czam para sa klase niya. Sumabay na ko sa kanya sa paglabas, alangan namang mag-stay pa ko sa office. Nagpasalamat lang ako rito bago kami nagkahiwalay. Dumiretso na ko sa may clinic. Inaasahan kong maraming tao pero pagkapasok ko, nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa'kin. Mga staff lang ng clinic ang nakikita ko. "Excuse me," lumapit ako sa parang front desk. Ngayon na lang ulit ako nakapasok dito at ang laki na ang pinagbago kumpara noon. Iyong front desk parang reception area sa may chambre. Tinignan ako ng isang nurse na nakaupo rito. Isang simpleng ngiti ang ibinungad nito sa'kin. "Yes?" "Magpapasa po ang medical results ko," itinaas ko ang hawak kong medical results. "Ah, for internship?" "Opo." Kinuha nito ang lahat ng dala ko, "Kumpleto na naman 'to, 'no?" "Opo, kumpleto na." "Sige, upo ka muna do'n," tinignan ko ang itinuro nitong steel bench sa may likuran ko. "I-che-check 'to ni Doc. Kapag walang problema, at saka kita bibigyan ng clearance slip. Mag-intay ka lang muna, okay?" "Okay po," ngumiti ako rito bago ako umupo sa may upuang tinuturo nito. Nang makaupo ako, nakita ko pa ang pinasukan no'ng nurse. Binuksan niya 'yong puting kurtina sa may sulok, hindi ko na masyadong maaninaw kasi medyo malayo na. Inalis ko na ang tingin ko do'n at kinuha na lang ang phone ko, inabala ko ang sarili ko sa pag-browse sa sss. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na gano'n, natigil lang ako sa ginagawa ko nang may mapansin akong isang pares ng paa na nakatayo sa may gilid ko. Mula sa ibaba, unti unting nag-angat ang tingin ko. Nagulat pa ko ng mukha ni Baro ang sumalubong sa'kin. Agad akong napatayo pagkakita ko rito. Sa biglaang pagtayo ko, muntik pang kumalat ang laman ng bag ko sa sahig. Mabuti na lang at mabilis kong nasalo bago tuluyang bumugsak. Inayos ko ang sarili ko at ang gamit ko, ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "All clear. Here's your clearance." Inabot ko 'yong slip na binigay nito. "Hindi na namin ibabalik 'yong medical results para may record kami, pero kung kailangan mo o may iba kang paggagamitan, you can take it back after three days. And as for this, please write your printed name then sign it over." "Do you have any questions?" Mabilis akong napa-iling, "Wala na po." "Okay, thank you. Have a nice day." Mabilis itong tumalikod, "Ah...thank you din po." Tinignan lang ako nito saglit at tumango bago tuluyang lumayo. Hindi na ko nagtagal pa sa loob, nagpasalamat lang ako do'n sa nakausap ko kanina bago ako tuluyang lumabas. Pagkalabas ko, at saka ako napabuntong hininga. Bakit feeling ko masyado siyang nagmamadali habang kausap ako? Bakit ang hirap basahin ng ugali ng magkapatid na 'yon? Hindi ko ma-pinpoint kung ano'ng klaseng tao sila, eh. * * * "Miss, kung wala pala kayong pang-bayad sana hindi na kayo nang-abala," pinipigilan kong mapasimangot sa sinabi sa'kin no'ng cashier. "Sorry po," mahinang boses na sabi ko rito. Ang init ng ulo ni ate. Para namang gusto kong ipahiya ang sarili ko rito sa supermarket. Pagkatapos ko sa may clinic kanina, nanghihinayang akong umuwi agad kasi sayang pinamasahe ko rito. Kaya naman dumaan muna ako sa katabing supermarket ng SMU para mamili ng mga gamit ko. Kaso, hindi ko na-check kung dala ko 'yong wallet kong may lamang pera. Ngayong nasa cashier na ko at bayad na lang ang kulang, at saka ko lang napagtantong 'yong isang wallet ko lang ang dala ko. "Ano po ba? Alin na lang po ba ang bibilhin niyo d'yan? O baka hindi niyo na talaga bilhin lahat?" Pinipilit kong kumalma kahit nagsisimula na kong mairita sa pananalita nitong si ateng kahera, masyadong mahadera, eh. Bago pa kong makapagbuga ng apoy—I mean, makasagot—may biglang sumingit sa usapan naming dalawa. "Ito bayad niyan," sabay kaming napatingin sa lalaking nag-abot ng isang black na card. "Baro?" hindi ko napigilang tawag dito. Bigla ko lang naiikom ang bibig ko nang tinignan ako nito. Inalis niya ang tingin niya sa'kin at binalik do'n sa cashier. "I'm paying, you don't want to? Kanina, kulang na lang sigawan mo 'yong tao dahil naabala ka." Pasimple akong napalunok sa tono nito, tinignan ko si ateng cashier na medyo natameme. Ilang saglit pa nga bago nito kinuha 'yong card. Nang matapos bayaran ni Baro mga pinamili ko, inantay lang naming matapos ibalot ni ateng 'yong mga nabili ko. Wala siyang bagger kaya sariling sikap matapos mag-kahera. "Thank you," parang maamong tupang sabi nito. "Thank you," malumanay na sabi ko rito. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na kahit na muntik ko na siyang bugahan ng apoy kanina, okay na ko ngayon. Nang makalayo kami sa may cashier, hinarap ko si Baro. "Thank you sa pagbabayad. Pasensya na, naiwan ko naiwan ko lang 'yong isa kong wallet. Pero promise, babayaran kita." "May pamasahe ka pauwi?" Saglit akong natigilan sa tanong nito bago ako napasagot, "Mayroon. Nadala ko 'yong isa kong wallet." Tumango 'to sa'kin, "Hindi maganda 'yong tonong ginamit niya sa'yo kanina, pero hindi rin maganda na kung kailan pabayad ka na, at saka mo lang naisipang i-check 'yong wallet mo. Kung nataong walang tumulong sa'yo kanina, sobrang abala talaga ang idudulot mo do'n sa cashier." Parang kanina lang 'to, ah. Dire-diretsong magsalita. "Teka," bigla akong natingin sa kanya. "May binili ka ba?" "Wala. Nakalimutan ko na, kapapasok ko pa lang nakita na agad kita," hindi ko malaman kung ini-inform niya lang ako sa nangyari kanina o sinusumbatan. "Ano ba bibilhin mo?" "You don't have to worry about it, go now," pagkasabi no'n ay tinalikuran na ko nito. Bahagya akong napanguso sa ginawa nito. Napakahirap mong basahing tao ka! "Thank you!" pahabol ko na lang kahit na mabilis itong naglalakad papalayo. Paalis na sana ako nang maalala kong hindi ko nga pala natanong kung paano ko ibibigay sa kanya 'yong bayad ko. Dadalhin ko ba sa clinic niya? O siguro, hingin ko na lang bank account niya? Habang nag-iisip ako nang gagawin, napatingin ako sa may counter na pinaggalingan ko kanina. Nakita kong nando'n ulit si Baro. At talagang do'n pa talaga ulit siya nagbayad? Nalipat ang tingin ko sa babaeng nakadikit sa kanya. Pinaliit ko ang mga mata ko para aninawin kung sino 'yon. Iyon ba 'yong asawa niya? Hindi ko na masyadong tanda itsura no'n kasi saglit at ko lang nakita no'ng kasal nila, pero talaga bang may kulay ang buhok no'n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD