𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 1
Sabi nila kapag daw nakakita ka ng pulang buwan ibig sabihin may nagkakasiyahan daw na mga masasamang tao, ewan ko kung totoo ba iyon.
“Hailey Dawn Del Luna, what the hell are you doing?” galit na saad ni Mommy
“Mom! I did not, why don't you ask first my sister” sambit ko
“Ikaw lang naman ang anak ko na masama dito, bakit mo naman sisisihin ang kapatid mo?” sambit ni Mommy
“Siya lang ba ang anak niyo? Mom! I'm always here for you even at your lowest but you always treat me like this, you didn't even thanked me” sambit ko
“Mommy!! I'm home” sambit ni Yuna, my younger sister
“Hi sweetie, nagugutom kana ba? halika may inihanda ako para sayo” sambit ni Mommy
“Favoritism” I whispered.
Pumunta nalang ako sa kwarto ko para magbasa ng mga libro na gusto kong basahin, actually I love history books.
I opened my social media accounts to see if there is an important message.
[Anton: Hailey! Yung tungkol sa case na iniimbistigahan natin, hindi daw saklaw ng gobyerno ang university na yon]
Me: W-what? Paano nangyari yon?
[Anton: 200 years nang nakalipas, sabi doon once na makatanggap ang pamilya mo ng red card, it means isa sa inyo ang sumama at manatili sa university na yon kumbaga para siyang homeschool]
Me: Homeschool? Wala namang ganun saka nagbabayad kaya tayo ng tuition fee
[Anton: Na-curious nga din ako e]
Me: Magkita tayo tomorrow sa cafe
[Anton: Sure]
Ibinaba ko na ang phone ko after naming mag-usap ni Anton, he's my closest friend he's an investigator.
Red card ba kamo? Ang weird naman magkaroon ng ganoon. Hay I don't know what to do. Kailangan kong malaman ang mga kuwento sa likod nito, hinding-hindi ako titigil hangga't walang rason para tumigil ako.
Matagal na akong nag-iimbestiga, marami na kasing nawawalang mga estudyante sa university namin, yeah I'm a student inspector.
Natauhan ako bigla nang may sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko, bigla akong kinabahan kaya pumunta ako sa kama ko at nagtago sa kumot ko.
Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto at isang yapak ng ibang tao ang narinig ko papalapit sakin pero hindi ko ito tiningnan.
“Your curiosity will lead you to an untold stories in Red Moon University, and also your curiosity will kill you if you're not stop”
Pagkarinig ko sa mga salitang yon lalo tuloy umapaw ang kuryusidad ko, parang naging dahilan iyon na hindi ako pwedeng tumigil.
Who's him?!
“Huy!! napaka oa mo naman diyan, kumain kana doon” sambit ni Yuna
“Yuna? Wala kang nakita?” tanong ko
“Nakitang ano? kabaliwan mo?” iritang sabi ni Yuna
“Tsk, oo na susunod ako dun” sambit ko
“Ano ba kasing iniisip mo?” tanong ni Yuna
“I wondered if there is someone who entered my room, except you” sambit ko
“You mean there is someone? somebody? hala who? that's creepy” sambit ni Yuna
“I don't know” sabi ko
Hinatak ko nalang si Yuna palabas ng kwarto ko, parang nakakakilabot na ang kwarto ko natatakot na din ako, sino kaya yon? imposibleng si mommy yon kasi I know her footsteps.
“Mommy si Hailey oh nag-i-imagine na naman ng kakaiba sa room niya” sumbong ni Yuna
“Nababaliw ka na talagang bata ka, nagawa mo pang manakot ng ganyan” sambit ni Mommy
“Mom! I'm just telling the truth, wala ba kayong napapansin na pumasok sa kwarto ko, bago pumasok si Yuna may naunang pumasok kanina” sambit ko
“Guni-guni mo lang yan” sambit ni Mommy
“Hailey naman, malapit na ang araw ng pulang buwan kung ano ano ang pinagsasabi mo” sambit ni Yuna
Naupo nalang ako sa dinner table kasama sina Mommy at Yuna, hindi ko na sinagot ang mga tanong nila, saka marami rin akong tanong sa utak ko.
Matapos kong kumain ay kinuha na ni yaya ang mga pinggan ko, pumunta na ako bathroom para maligo.
——————————
Nagpaalam ako kay Mommy na I will go out muna to have a fresh air saka mataas pa ang araw ngayon, wala naman kaming pasok.
Habang naglalakad ako dito sa sanctuary books, may isang lalaki ang nakabangga ko dahilang pagkabagsak ko sa lupa.
“Hey, sorry Miss” sambit niya
Hindi ako makapagsalita, para bang ginayuma ako ng lalaking ito halos namilog ang mata ko dahil napaka amo ng kanyang mukha sobrang linis pa ng suot niya.
“Okay lang, siguro ang tanga ko hindi kasi ako tumingin sa dinadaanan ko” sambit ko
He just nodded at me with his serious face.
“Excuse me, what's your name?” sambit ko
“Wag mo nang alamin” sambit niya at naglakad na.
I think he's familiar, hindi ko alam kung saan ko siya nakita, I was just thinking if did we meet before?
Ahhh! My GOSH HAILEY stop thinking you don't know him.
“Huy Hailey anong ginagawa mo dito?” bungad ni Anton
I sighed deeply.
“I thought bukas pa tayo magkikita bakit naman napaaga” sambit ko
“hindi ko din alam, ang iniisip ko anong ginagawa mo dito?” sambit ni Anton
“I was just passing by but suddenly there's a guy who bumped me” sambit ko
“Balita ko yung mga tao dito sa sanctuary books may alam sila kung saan makikita ang Red Moon University” sambit ni Anton
“Really?” panigurado ko
“Oo, bat di natin subukan itanong” sambit ni Anton at naunang maglakad sakin.
Pumasok na kami sa sanctuary books, pagkapasok namin bawat sulok nito ay puno ng mga libro yung ibang libro naman may nakatatak na bilog na buwan na kulay pula.
Sinalubong naman kami kaagad ng Manager kaya pinatuloy niya kami.
“Anong pakay niyo rito?” sambit ni Lady Chang
“Lady Chang, alam kong dati niyo rin akong mag-aaral rito pakiusap naman may gusto lamang akong kumpirmahin” sambit ko
“Kilala mo pala mga tao dito, nahirapan pa akong maghanap ng tao na nakakakilala sa kanila” sambit ni Anton
“O siya sige, sumunod ka Hailey” sambit ni Lady Chang
Dinala ako ni Lady Chang sa isang silid kung saan kaming dalawa lang ang tao.
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo, hindi biro ang pasukin ang lugar na yon dahil baka kahit bangkay o katawan mo hindi makakalabas, nag-aalala lang ako sayo Hailey” sambit ni Lady Chang
“Lady Chang ginagawa ko po ito para sa task ko sa university namin, marami na akong iniimbestigahan na mga kaso tungkol sa mga nawawalang estudyante sa university namin” sambit ko
“Gusto mo talagang makapasok roon?” tanong ni Lady Chang na nagbigay buhay sakin.
“Opo, matutulungan niyo ba ako?” sambit ko
“Kunin mo itong red card, antayin mo dumating ang araw ng pulang buwan” sambit ni Lady Chang
“Maraming salamat, Lady Chang” sambit ko
Pagkalabas ko na ng sanctuary books ay nakahinga ako ng maluwag na parang nakaraos sa hirap.
“Nakuha mo ba ang impormasyon na gusto mong malaman?” tanong ni Anton
“Oo, ngayon sigurado na ako” sambit ko
“Hays Hailey naman kapag umalis ka madadagdagan lang ang responsibilidad ko, kainis ka” saad ni Anton
“Okay lang yan, dapat lang yan sayo” pagbibiro ko
Gabi na nang makarating na ako sa bahay, umuwi na rin si Anton ayaw kasi non magpagabi e kasi bukod sa busy siyang tao, kailangan niya rin bigyan ng time ang girlfriend niya.
“Mabuti naman umuwi kana” sambit ni Mommy
“Good evening po” sambit ko
Sobrang pagod ako kaya dumiretso ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.