Four

954 Words
Napatitig ako sa repleksiyon ko sa salamin. Naalala ko na naman ang sina Kard at Sheena. Si Sheena... Ah. Gano'n pala ang tipong babae ni Kard. Maganda, maputi, lalong gumaganda kapag ngumingiti, at higit sa lahat, matalino. Tiningnan ko ang ayos ko. Bakas na bakas ang pimple marks sa magkabilang pisngi ko. Kahit na ano'ng gamit ko ng beauty products, walang epekto. Marami rin akong white heads sa ilong at ilalim ng ibabang labi. May dark circles din ako. Malapad ang noo ko. Kayumanggi ang kulay ng balat ko. Naka-pixie cut ako't hindi ako katangkaran. Natawa ako. Oo nga naman. Ano ba'ng masamang hanging pumasok sa isip ko't umasa akong magugustuhan din ako ni Kard? Walang-wala ako kay Sheena. Bagay sila. Dean's lister din si Kard at siya ang nagta-top sa department nila. Samantalang ako, average na babae at estudyante lang. Hindi kami bagay. Sinuklay ko ang buhok ko't tinitigan pang mabuti ang repleksiyon ko sa salamin. Never in my life that I've been confidenced with how I look. Most people will tell me that I'm the 'cute' type. Bagay na bagay raw ang mukha ko sa height at pagkatao ko. I don't know if I should be offended by that or not. Hindi naman kasi nagaabalang magayos at magpaganda. Time consuming lang para sa akin at isa pa, wala akong kahilig-hilig sa pagsusuot ng mga kung ano-anong kolorete sa mukha. Napabuntong-hininga ako. Hindi na yata darating ang pag-ibig na para sa akin. *** "Ngiting-ngiti, ah." Inismiran ko ang kaharap kong si Sana. Napatingin ako sa kinakain niya bago ngumiwi. "Wala ka bang ibang alam na kainin? Araw-araw na lang yatang pancit ang laman ng bituka mo." Natawa siya. "Siri, kaya nga favorite food ang tawag 'di ba? Kasi kahit oras-oras ko pang kainin ang pancit, hindi ako magsasawa." Mas lalo lang akong ngumiwi. "Meron bang gano'n? Eh ako nga turon pinaniniwalaan kong favorite food ko pero minsan kapag inihanda sa lapag ko, hindi ko naman kinakain." She just shrugged and continued eating. Akala ko hindi na siya magsasalita pero, "Basta ako, hindi ako magsasawa at mapapagod sa'yo." Nakangiti niyang sabi. Sarcastic akong ngumiti. "Salamat, huh." *** Mainam sigurong sabihing malas ako sa araw na 'to. Bakit? Naibalik na ni ma'am LAHAT ng workbooks ng mga kaklase ko pero iyong akin? WALA. No'ng tinanong ko naman si ma'am, ito naging tugon niya sa'kin: "Aba aywan ko sa'yo, ineng. Sigurado ka bang nagpasa ka ng iyo? Aba ay ngayon lang yata kita nakita sa klase. Sigurado ka bang rito ka na-enroll?" Buti na lang at napanatili ko ang pekeng ngiti ko kung hindi baka kung ano-ano na ang lumabas sa bunganga ko na alam kong pagsisisihan ko rin sa huli. "Hahanapin 'yon ni ma'am, frenn. Huwag ka nang sumimangot masiyado riyan." Si Mochi. Mas lalo lang akong sumimangot. "Wala akong tiwala kay ma'am." Natawa sila pareho. Humilig ako sa lamesa. Napatingin ako sa building nina Sana. Labas-masok ang ilang estudyante at dinig na dinig rin ang tawanan ng ilan. Buti hindi sila nasasaway ng mga tao sa faculty. Napabuntong-hininga ako nang nakita kong lumabas si Kard mula sa room nila. Pinakiramdaman ko ang sarili. Medyo may sakit pa pero nagiging maayos naman na ang pakiramdam ko kapag nagkakasalubong kami. Mahigit isang buwan na rin naman kasi magmula no'ng nangyari kaya ano ba mainam na sabihin? Nagmo-move on? May gano'n ba talaga dapat? Kahit hindi naging kayo no'ng tao? "Hoy." Malamya kong kinawayan si Sana. Hinuli niya ang kamay ko at pinisil-pisil. Napatingin sa amin sina Sachi. "How's life Sana?" Tanong ng pekeng haponesa kong kaibigan. "Ayos lang naman. Ang iyo?" Nakangiting nag-thumbs up sa kaniya si Sachi. "Sachi, you're rude." Lahat kami ay napabaling sa nagsalitang si Mochi. "Why?" "You were the first one who initiated the talk pero gano'n inasal mo." Natawa si Sana. "Ayos lang. Sanay naman ako sa kaniya." "Oo nga. I think there's nothing wrong with how I act. Right, Siri?" "Huwag niyo ako idamay." "Ano problema nitong kaibigan niyo?" Natatawang tanong ni Sana. "Hindi kasi naibalik workbooks niya." "Bakit?" "Ewan namin kay ma'am. Nalimutan yata? Or baka kung saan niya nailagay." She patted me on my head. "Maibabalik rin sila sa'yo." Mas lalo lang akong napabuntong-hininga. "Don't you have classes?" Si Sachi. "Mamaya-maya pa naman." "Ah, then can you please accommodate Siri? May pupuntahan lang kami ni Mochi." "Babalik rin ba kaagad kayo?" "Ewan. Baka magtagal din kami, eh. So, una na kami?" Sana just nodded. "Okay, ingat kayo." Pagkaalis no'ng dalawa'y napatanong ako sa kaniya ng, "Sana, what's life?" Natawa siya at mas lalong pinisil ang kamay ko. "Huwag ka nang mag-drama. Mahahanap din ni ma'am workbooks mo." "Naiiyak ako..." Naramdaman ko ang pagkahulog ng panyo sa mukha ko. "Then cry." And I just did. Wala na siyang ibang sinabi. She just continued pinching and massaging my hand. "Are you okay now?" Tumango ako habang nakahilig pa rin. "Hindi ka ba nangangawit?" Umiling lang rin ako. I heard her sighed. "Want to know a secret?" "Hmmm?" "Ayaw mo naman yata, eh." "Go on. I'll just listen." Sabi ko. "Gusto ko nakatingin ka sa'kin." "Just say it. Ano ba 'yon?" "Next time na lang nga." Walang gana akong umayos ng upo. "Happy?" Ngumiti siya. "I ha--" "SANA!" Naputol ang sasabihin niya nang tinawag siya ng kaklase niya. "Hala! Iyong feasibility study pala namin!" "Okay, sige punta ka na ro'n." "But I promised those two na sasamahan kita." "I'm fine. Medyo mabigat lang nararamdaman ko pero mawawala rin 'to. Sige na, punta ka na sa room niyo. Hinihintay ka nila." "But I have something to say... Okay, next time na lang." Tumango ako. Nagpaalam na siya't dali-daling tumakbo pabalik ng room nila. Napatingin ako sa kamay ko. I want a massage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD